Mga magulang, hinimok ng Obispo na palakasin ang komunikasyon at ugnayan sa pamilya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,706 total reads

Hinimok ni Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo ang mga magulang na muling palakasin ang komunikasyon at ugnayan sa loob ng pamilya upang maprotektahan ang mga bata laban sa masasamang impluwensya ng social media at iba pang digital platforms.

Ayon sa obispo na chairperson ng CBCP Episcopal Commission on Family and Life, kapag nawawala ang komunikasyon, pagmamahalan at malasakit sa tahanan, naghahanap ang mga bata ng ibang tao o bagay na maaaring makaimpluwensya sa kanilang mga pananaw at kilos.

“Dapat ’yung impluwensya ng bawat bata, galing sa magulang dapat. Kasi ’pag walang nag-impluwensya diyan nang mabuti, hahanap ’yan ng mag-iimpluwensya sa kanya at ngayon ’yan ang nangyayari. Ang social media ngayon ang nag-iimpluwensya, ang malaking impluwensya sa mga bata,” pahayag ni Bishop Dialogo sa Radyo Veritas.

Iniugnay ng obispo ang ganitong sitwasyon sa mga suliraning kinakaharap ng mga kabataan, kabilang ang karahasang nangyayari sa mga paaral at sexual abuse.

“Kaya ito ang nangyayari sa atin, mga violence, sexual abuse. Diyan ’yan nanggagaling ’yan. So magandang ang pangunahing influence sa bata ay ’yung pamilya,” aniya.

Sa Interfaith Family Forum: Families as Foundation of Peace na ginanap sa UP BGC noong September 29, binigyang-diin din ni Bishop Dialogo ang kahalagahan ng pagbabalik sa personal na ugnayan ng mga miyembro ng pamilya sa kabila ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya kabilang ang artificial intelligence.

Aniya, isa sa mga konkretong paraan upang mapalakas ang komunikasyon sa tahanan ay ang muling pagbibigay-halaga sa sama-samang pagkain sa hapag-kainan.

“Kaya alam mo ang hapag-kainan is the heart… ito ’yung puso ng pamilya. Kaya ngayon wala nang hapag-kainan. So dapat ibalik natin ’to because this is the strength of the family,” giit ng obispo.

Ipinaliwanag ng obispo na sa hapag-kainan nagkakaroon ng pagkakataon ang mga miyembro ng pamilya na magkumustahan, magbahagi ng kanilang karanasan at mapansin ang pangangailangan ng isa’t isa.

Iginiit ng pastol na ang pagtataguyod ng kapayapaan ay nagsisimula sa loob ng tahanan.

“Peace is not first negotiated in parliaments or signed in treaties. Peace is first learned. And it is learned nowhere more powerfully than in the family,” saad pa ni Bishop Dialogo.

Pinuri ng obispo ang inisyatibo ng family forum na inorganisa ng Ministry on Ecumenism and Interreligious Dialogue, katuwang ang Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, National Committee on the Filipino Family, Uniharmony Partners Manila, at Religions for Peace Philippines, dahil mahalaga ang pagtutulungan sa pagtataguyod ng matatag na pamilya, lalo na sa harap ng mga bagong hamon na dulot ng teknolohiya.

“Ang bawat religion ay puwedeng magtulungan para sa common vision, para sa common goal, at ngayon, ang focus namin ay ’yung focus on helping the family,” ayon kay Bishop Dialogo.

Samantala, sinabi ni Fr. Carlos Reyes, minister ng Ministry on Ecumenism and Interreligious Dialogue ng Archdiocese of Manila at co-founder ng UniHarmony Partners Manila, na hindi sapat ang interreligious dialogue lamang upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap ng mga pamilya.

Sinabi ng pari na kailangan ang sama-samang pagkilos kasama ang mga eksperto sa larangan ng law enforcement, legal profession, medical sector, at iba pang grupo sa lipunan upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap ng mga pamilya.

“Kailangan talagang multidisciplinary ang approach natin dito, hindi lamang interreligious dialogue,” ayon kay Fr. Reyes.

Partikular na binanggit ni Fr. Reyes ang mga usapin ng human trafficking at karahasan laban sa kababaihan at mga bata, na aniya ay maaari nang isagawa at mapalawak sa pamamagitan ng social media.

Nagbuklod sa forum ang mga kinatawan ng iba’t ibang pananampalataya at sektor upang talakayin ang papel ng pamilya sa pagtatatag ng kapayapaan at pagtugon sa mga hamon na kinakaharap ng mga tahanan sa kasalukuyan.

Nagbigay ng keynote address sa pagtitipon si Undersecretary Monina Josefina Romualdez ng Department of Social Welfare and Development (DSWD); National Committee on the Filipino Family (NCFF).

Bukod kay Bishop Dialogo ay nagbigay din ng panayam sa forum si Judge Romeo Tagra ng Regional Trial Court ng Marikina City; si Dr. Renz Christian Argao, Deputy Secretary General, Religions for Peace Philippines; at si Atty. Salma Pir Rasul, ang program director of the Philippine Center for Islam and Democracy.

Nagbahagi rin ng mensahe sa pagtitipon si Elder Stephen Notarte, Area Seventy ng Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 21,440 total reads

 21,440 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 102,613 total reads

 102,613 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 136,062 total reads

 136,062 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 171,360 total reads

 171,360 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 397,188 total reads

 397,188 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top