Mga Pari, mensahero ni kristo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,248 total reads

Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng kanilang sariling kahinaan.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Archbishop Villegas sa kanyang homiliya sa Thanksgiving Mass para sa ika-25 anibersaryo ng pagkapari ni Rev. Fr. Ramon Jade Licuanan, Rector at Parish Priest ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno.

Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagdiriwang na isinagawa kasabay ng Kapistahan ng mga Arkanghel na sina San Miguel, San Gabriel at San Rafael.

Inalala rin ni Archbishop Villegas ang ordinasyon ni Fr. Licuanan at ng kanyang mga kasabay na pari 25 taon na ang nakararaan, kung saan siya mismo ang naggawad ng ordinasyon sa atas noon ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

“Sapagkat alam ko sa sandaling ‘yon, nang yakapin ko sila isa-isa bilang bagong pari, alam ko niyayakap ko ang walang hanggan… I knew I was embracing eternity as I embraced those new priests 25 years ago,” Bahagi ng pagninilay ni Archbishop Villegas.

Ipinaliwanag niya na sa pamamagitan ng Pari ay nararanasan ng mga mananampalataya ang presensya ni Kristo.

“’Di ba tuwing yayakapin nila tayo, alam nating niyayakap tayo ng Diyos? ‘Di ba alam natin na kapag nagsasalita sila ay kinakausap tayo ng Diyos? … Kapag sila ay kasama natin, alam natin si Hesus ang kasama natin?” Dagdag pa ni Archbishop Villegas.

Iniugnay din ng Arsobispo ang pagkapari sa kapistahan ng mga arkanghel, na ang ibig sabihin ay mga mensahero ng Panginoon.

“Ang pari ay messenger, at hindi lamang siya messenger, messenger siya ng pinakamataas, pinakamalalim, at pinakadakilang message sa ating lahat… ang ating Panginoong Hesu-Kristo.” Ayon pa kay Archbishop Villegas.

Gayunman, nilinaw ni Archbishop Villegas na ang mga Pari ay hindi mga anghel na walang kahinaan, sa halip ay pawang mga tao ring maaaring matukso, magkamali, magsisi at muling bumangon sa awa ng Diyos.

“A priest is an angel, but on the other hand, a priest is not an angel because we are made of flesh and bone, and because of that, we can be tempted, we can fall, we can stumble, but by the mercy of God, maaaring bumangon at maaaring magsimulang muli.” Ani Archbishop Villegas.

Sa kanyang pagninilay, sinabi rin ni Archbishop Villegas na ang bawat pari ay maaaring maging tulad ni Gabriel na nagdadala ng Mabuting Balita, ni Miguel na tagapagtanggol laban sa masama, at ni Rafael na kaagapay ng mga nasa kahinaan.

“Subalit walang paring anghel, sapagkat ang bawat pari ay mahina, at sa kanyang kahinaan, pinalalakas, pinagaganda ng Diyos.” Ayon pa kay Archbishop Villegas.

Samantala, nagpasalamat din si Archbishop Villegas kay Fr. Licuanan at sa kanyang mga kasamang pari sa kanilang 25 taon ng paglilingkod sa Simbahan.
“Thank you for being good priests. Thank you for showing us the face of God. Thank you. When we see you, we see God.” Pagtatapos ni Archbishop Villegas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 51,046 total reads

 51,046 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,763 total reads

 147,763 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 192,032 total reads

 192,032 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 215,141 total reads

 215,141 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 288,023 total reads

 288,023 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top