1,812 total reads
Binigyang-diin ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., C.M.F. na ang political power ay hindi dapat ituring na pag-aari ng iisang pamilya kundi isang public trust na ipinagkakatiwala ng sambayanan.
Sa opisyal na paglulunsad ng Dapat Isa Lang (D1L) Movement ng bagong digital signature platform nito na D1L.org, binanggit ni Bishop Ayuban ang pastoral statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP noong Setyembre 25, 2026 na nagsasabing: “Public office must never become a family inheritance. It is a public trust entrusted by the people to serve all.”
Ayon sa Obispo, nakaangkla ang usapin ng paglilingkod sa pamahalaan sa Section 26, Article II ng 1987 Constitution na nagtatakda ng pantay na access sa oportunidad para sa public service at nag-aatas ng pagbabawal sa political dynasties na dapat tukuyin sa pamamagitan ng batas.
“Nearly 40 years have passed—40 years—and this mandate in the 1987 Constitution is yet to be fully realized in our legislation.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Ayuban.
Ayon sa Obispo, higit pa sa pangangalap ng lagda ang layunin ng Dapat Isa Lang dahil hinihikayat nito ang mga mamamayan na pagnilayan kung kanino tunay na nagmumula ang kapangyarihan sa isang demokratikong lipunan.
“And so, ‘Tapat Isa Lang’ is not simply about gathering signatures. It is about asking deeper questions: Kanino ba ang gobyerno? Kanino ba ang kapangyarihan? Sino ba ang may karapatang mamuno?” Dagdag ni Bishop Ayuban.
Nilinaw rin ni Bishop Ayuban na hindi nakatuon ang inisyatiba sa pag-atake sa mga pamilya o indibidwal na nagsisilbi sa pamahalaan, kundi sa sistemang maaaring magpanatili lamang ng political power sa loob ng iisang pamilya.
“It is not an attack on families. Families are at the heart of society. Many families have produced men and women who have served our country with integrity and dedication.” Ayon pa kay Bishop Ayuban.
Binigyang-diin din ng Obispo na hindi tungkulin ng Simbahan na sabihin sa mga mamamayan kung sino ang kanilang ihahalal, kundi ang tulungan silang magkaroon ng sapat na kaalaman at mabuo ang kanilang konsensiya sa pakikilahok sa buhay publiko.
“As stewards, therefore, our role is not to tell people who to elect. Our role is to form consciences, provide truthful information, encourage responsible citizenship, and remind everyone that political participation is part of our responsibility for the common good.” Ani Bishop Ayuban.
Paliwanag ng Obispo na sinusuportahan ng CBCP ang panawagan para sa isang “genuine, meaningful, and effective anti-political dynasty law,” habang hinihikayat ang mga mamamayan na makilahok sa demokratikong proseso nang malaya, mapayapa at responsable.
Para kay Bishop Ayuban, mahalagang maging bahagi ang Simbahan sa paghubog ng konsensiya ng lipunan at sa pagsusuri kung tunay na napaglilingkuran ng mga institusyon ang dignidad ng bawat tao.
“The Church does not only exist to celebrate what is already good in society. The Church also has the responsibility to help society examine its conscience, to ask whether institutions truly serve the dignity of every person, especially those who have less power, little influence, and little access.” Dagdag pa ni Bishop Ayuban.
Hinihikayat ng Obispo ang mga kalahok na gawing pagkakataon ang Dapat Isa Lang upang muling maunawaan ang tunay na kahulugan ng public service.
“May it become an exercise in conscientious citizenship. May it become an education to recover the meaning of public service.” Panawagan ni Bishop Ayuban.
Samantala, iginiit din ng Obispo na ang kapangyarihan sa pamahalaan ay hindi pag-aari ng mga nasa posisyon kundi pananagutang ipinagkakatiwala ng sambayanan.
Paliwanag ni Bishop Ayuban, “Isa lang dapat ang tunay na may-ari ng kapangyarihan at oportunidad—ang sambayanang Pilipino. And those who receive that power do not own it; they are entrusted with it as stewards.”
Para sa Simbahan, ang usapin ng political reform ay nakaugnay sa responsableng pakikilahok ng mamamayan, paghubog ng konsensiya, at pagsusulong ng common good, habang kinikilala ang public office bilang isang pananagutang dapat gamitin para sa kapakanan at kabutihan ng lahat o common good.




