AFP, hindi natitinag sa coercive at aggressive activities ng China sa West Philippine Sea

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 868 total reads

Hinimok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang publiko na huwag panghinaan ng loob sa harap ng patuloy na tensyon at mga insidente ng harassment sa West Philippine Sea, habang ipinagpapatuloy ng pamahalaan ang pagbabantay at pagpapatupad ng karapatan ng Pilipinas sa sariling maritime domain.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Retired Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, AFP Special Spokesperson for the West Philippine Sea na kabilang sa mga insidenteng kinakaharap ng Pilipinas ang pagtatangkang harangin ang mga barkong nagsasagawa ng rotation and resupply mission patungo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Pagbabahagi ni Trinidad, bagama’t maaaring tingnan ang mga insidenteng ito bilang magkakahiwalay na panggugulo, dapat ding makita ang mas malawak na pattern ng mga kilos sa West Philippine Sea kabilang ang presensya ng mga Chinese vessel at marine scientific research activities.

Iginiit ng opisyal na malinaw na nasa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) ang ilang lugar na pinapasok ng mga dayuhang barko.

“Number one, alam po nila na ito ay nasa loob ng ating EEZ. That is around 90 nautical miles west of Palawan. Alam ng lahat ng mga dumadaan ng barko diyan sapagkat nakalagay ‘yan sa mga nautical charts, mga electronic chart. So alam nila. Number two, sinasadya nila. Number three, nais nilang ipatupad ‘yung kanilang non-existent 9-dash line.” Bahagi ng pahayag ni Trinidad sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, sinabi ni Trinidad na hindi kailangang humingi ng pahintulot ang Pilipinas upang magsagawa ng regular na operasyon sa mga lugar kung saan mayroon itong sovereign rights sa ilalim ng international law.

“Ito ay teritoryo natin, ito ay within our exclusive economic zone. Oho. On some areas na may high tide elevation, meron tayong territorial, so we have sovereignty. On the other areas, we have our sovereign rights. Maliwanag po na hindi po natin kailangang magpaalam ni nino man.” Dagdag pa ni Trinidad.

Samantala, kinumpirma rin ng Philippine Coast Guard na noong Oktubre ay nag-deploy ito ng mga barko at eroplano upang hamunin ang Chinese research vessel Tan Suo Yi Hao malapit sa Hubo Reef matapos matukoy na nagsasagawa ito ng marine scientific research sa loob ng Philippine EEZ, kung saan ayon sa DFA, wala rin itong natanggap na kahilingan mula sa China para sa naturang research activity.

Ipinaliwanag ni Trinidad na magkakaugnay ang monitoring ng AFP, Philippine Coast Guard, BFAR, Maritime Police at iba pang ahensya upang mabuo ang tinatawag na “common operative picture” sa maritime domain ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

“We share the information with everybody para malaman at makaroborate, ma-validate o masubstantiate ‘yung mga pumapasok na information.” Ayon pa kay Trinidad.

Para kay Trinidad, mahalagang manatiling matatag ang Pilipinas sa harap ng tinatawag ng AFP na mga “gray zone” o coercive at aggressive activities.

“Number one, ang importante dito, ‘wag tayong mahinaan ng loob. Napakaganda ‘yun ang gusto nilang tibagin. ‘Yung national resolve natin, ika nga, ‘yung will to fight natin.” Ani Trinidad.

Hinimok din ng opisyal ang publiko na patuloy na magtiwala at sumuporta sa mga institusyong may mandato na protektahan ang maritime rights ng bansa, habang pinananatili ang kapayapaan at iniiwasang umabot sa armadong tunggalian ang mga insidente sa West Philippine Sea.

Sa kasalukuyang monitoring ng AFP, 101 Chinese vessels ang naitala sa ilang maritime features sa West Philippine Sea noong Setyembre 2026 na halos doble sa 56 na na-monitor noong Agosto 2026, na ayon kay Trinidad ay nagpapakita ng pagpapatuloy ng mga tinatawag nitong illegal, coercive, aggressive and deceptive activities.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 3,956 total reads

 3,956 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 11,113 total reads

 11,113 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 48,467 total reads

 48,467 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 274,737 total reads

 274,737 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 168,204 total reads

 168,204 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 261,684 total reads

 261,684 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top