Simbahan, hinimok ng PMHA na maging safe space sa dumaranas ng mental health problems

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 759 total reads

Hinimok ng Philippine Mental Health Association (PMHA) ang mga pamilya, komunidad at Simbahan na maging mas maunawain at bukas sa mga taong nakararanas ng mental health concerns, kasabay ng panawagan ni Pope Leo XIV na gawing ligtas na tahanan ang Simbahan para sa mga dumaranas ng ganitong suliranin.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, sinabi ni Ms. Llewelyn Issa Dela Cruz, RGC, RPsy, Program Manager ng PMHA Education Advocacy Department, na kabilang sa mga karaniwang mental health conditions ang depression, anxiety, psychotic disorders at trauma-related conditions.

Aniya, mahalagang matukoy ang pagbabago sa kilos at paggana ng isang tao dahil maaaring senyales ito na kailangan na niya ng suporta.

“Significant change in behavior. So halimbawa, dati masayahin ang kasama mo sa bahay, asawa mo o anak mo, tapos biglang gusto niya mapag-isa, nagkukulong lagi sa kwarto. So parang may kakaiba na.” Bahagi ng pahayag ni Dela Cruz ng Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Dela Cruz, dapat ding bantayan ang pagbabago sa productivity, mood at pakikitungo sa pamilya, trabaho o pag-aaral ng isang indibidwal kung saan hindi kailangan hintayin na lumala pa ang kondisyon bago mag-alok ng tulong.

Ayon kay Dela Cruz, maaaring magsimula sa simpleng pakikinig at pag-alam kung ano ang pinagdaraanan ng isang tao, at kung kinakailangan ay hikayatin siyang kumonsulta sa mental health professional.

“Kaya ‘pag meron tayong napapansin na pagbabago talaga sa ating kapamilya, importante na kamustahin natin sila o tanungin natin doon sila.” Dagdag pa ni Dela Cruz.

Pagbabahagi ni Dela Cruz, malaking hamon pa rin ang access sa mental health services sa bansa, kung saan tinataya aniyang nasa 700 lamang ang psychiatrists at nasa 3,000 ang psychologists sa Pilipinas, habang kulang din ang guidance counselors kumpara sa pangangailangan ng mga paaralan.
Giit ni Dela Cruz, mahalagang hindi lamang mga propesyonal ang gumaganap ng papel sa mental health support kundi maging ang pamilya at komunidad.

“Napakaimportante na tayo mismo sa sarili natin magbigay tayo ng safe space sa ating kaibigan, sa ating kapamilya, kasi hindi naman natin kailangang maging psychiatrist o psychologist para ibigay ang makatutulong sa mental health ng ating kapwa.” Ayon pa kay Dela Cruz.

Maaari aniyang magsimula ang suporta sa pakikinig, pagsama sa simpleng gawain, pag-aalaga sa kalusugan, at paghikayat sa taong humingi ng propesyonal na tulong kung kinakailangan.

“At muli, kung kailangan niyang magkonsulta, ‘wag po tayong mag-atubiling sabihin na nandito ako, magkonsulta tayo, humingi tayo ng tulong, kasi walang masama kapag tayo ay humihingi ng tulong. At sabayan natin ang dasal.” Ani Dela Cruz.

Simbahan bilang safe space

Ang mensahe ni Dela Cruz ay kaugnay na rin ng October 2026 Prayer Intention ni Pope Leo XIV para sa “mental health ministry”, kung saan hiniling ng Santo Papa na maging “open house” ang Simbahan kung saan matatagpuan ng mga nakararanas ng mental health difficulties ang pagtanggap, dignidad, at pag-asa, habang tinutuligsa rin ang stigma at diskriminasyon laban sa mga may mental illness.

Binigyang-diin ni Dela Cruz na mahalagang bahagi rin ng holistic mental health care ang spirituality ng bawat indibidwal.

“Ang mental health, bio, psycho, social, spiritual ang component ng ating mental health, kasama talaga ‘yung ating spirituality. ‘Yung pananampalataya, pagdarasal, source of hope ‘yan ng mga tao.” Dagdag pa ni Dela Cruz.

Sa prayer intention ni Pope Leo XIV, hinihikayat ng Santo Papa ang Simbahan na maging isang komunidad na nakikinig nang hindi nanghuhusga, lumalapit nang walang takot, at sumasama sa halip na nagtataboy sa mga taong may pinagdaraanan.

Kasama rin sa panalangin ng Santo Papa ang mga mental health professionals, pamilya at volunteers na umaalalay sa mga nangangailangan.

Sa bahagi ng Simbahan ang pangangalaga sa mental health ay hindi lamang usapin ng diagnosis o paggamot, kundi bahagi rin ng pagiging isang komunidad na marunong makinig, umunawa, umalalay at magbigay ng pag-asa sa bawat taong dumaranas ng tahimik na sugat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 11,773 total reads

 11,773 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 49,089 total reads

 49,089 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 275,359 total reads

 275,359 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 168,826 total reads

 168,826 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 262,267 total reads

 262,267 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top