Bishop Mangalinao, hinimok ang mga relihiyoso na manindigan para sa katarungan, kapayapaan at kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,093 total reads

Hinimok ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang mga consecrated persons o mga pari, madre at iba pang nag-alay ng buhay sa paglilingkod sa Diyos na maging matatag na saksi ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagtatanggol sa dignidad ng tao, pangangalaga sa kalikasan, pagsusulong ng katarungan at pakikiisa sa mga komunidad na nakararanas ng takot at kawalan ng katiyakan.

Sa kanyang mensahe sa Convention on Mutual Relations 2026 na may temang “Prophetic Witnesses of Peace: Consecrated Persons as Agents of Reconciliation, Justice, and Hope in a Wounded World,” sinabi ni Bishop Mangalinao na hindi madaling isulong ang kapayapaan sa gitna ng mga panganib, hadlang at paghihirap na kinakaharap ng mga naninindigan para sa katotohanan at katarungan.

Nagbabala rin ang obispo na maaaring masyadong maging abala ang mga lider ng Simbahan sa pamamahala ng kanilang mga institusyon at makalimutan ang mas malawak nilang misyon sa lipunan.

“We are not called merely to manage institutions or preserve communities; we are called to make the Kingdom of God visible,” paliwanag ni Bishop Mangalinao.

Binigyang-diin ng obispo na ang pagiging propeta ay hindi panghuhula sa hinaharap. Sa halip, ito ay pakikinig sa Diyos, pag-unawa sa mga nangyayari sa lipunan, pagsasabi ng katotohanan at pagtuligsa sa mga bagay na sumisira sa dignidad ng tao.

Aniya, ang mga panata ng kahirapan, kalinisan at pagsunod ng mga consecrated persons ay dapat magsilbing malinaw na halimbawa ng pamumuhay na taliwas sa kasakiman, pagsasamantala at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Ipinaalala rin ng obispo na ang tunay na kapayapaan ay nakaugat sa sakripisyo ni Kristo at nangangailangan ng tapang at kahandaang magsakripisyo para sa kapwa.

“We cannot fight hatred by cultivating hatred, nor defend dignity by humiliating others,” dagdag ng obispo.

Para kay Bishop Mangalinao, ang pamumuno sa Simbahan ay hindi lamang tungkol sa pamamahala kundi sa pagbuo ng ugnayan, pagtataguyod ng mabuting asal at paggabay sa mga tao batay sa pananampalataya.

Hinimok niya ang mga lider ng Simbahan na pakinggan ang mga napapagod, naiiwan at may ibang pananaw, at bumuo ng tiwala sa kabila ng mga pagkakaiba.

“A culture of communion is a culture of peace,” ayon sa obispo.

Kabilang sa mga dapat isulong ang tapat na pagharap sa mga hindi pagkakaunawaan, malinaw at responsableng paggamit ng kapangyarihan, at pagprotekta sa mga pinakamahihina sa lipunan. Hinikayat din niya ang mga diyosesis na pag-isahin ang kani-kanilang kakayahan at gawain upang mas mahusay na matugunan ang mga hamong kinakaharap ng mga komunidad.

Paninindigan para sa lupa at kalikasan

Partikular na binigyang-diin ni Mangalinao ang karanasan ng Diocese of Bayombong at mga karatig-lugar sa Cagayan Valley kaugnay ng malawakang pagmimina.

Ayon sa obispo, ang pagtatanggol sa mga watershed, lupang sakahan, ilog, lupang ninuno at kabuhayan ng mga taga-kanayunan ay hindi lamang usaping pampolitika kundi usapin din ng pananampalataya, paglilingkod at moral na pananagutan.

“The earth is God’s creation, not merely a commodity,” ani Bishop Mangalinao.

Iniugnay niya ito sa panawagan ni Pope Francis sa encyclical na Laudato Si’ na pakinggan ang daing ng kalikasan at ng mahihirap, lalo na ang mga komunidad na apektado ng pagkasira ng kapaligiran at nanganganib mawalan ng kabuhayan at lupang ninuno.

“True development must serve human dignity, not reduce creation to an economic commodity to be extracted and depleted,” dagdag niya.

Binigyang-diin ng obispo na kailangang manindigan ang Simbahan para sa mga mahihina at tulungan ang mga komunidad na hanapin ang katotohanan, ipaglaban ang kanilang karapatan at magkaroon ng pangmatagalang kabuhayan nang hindi naaabuso ng mga mayayaman at makapangyarihan.

“Peace is not achieved by remaining silent while critical watersheds are ruined or while community defenders are intimidated,” paliwanag ni Bishop Mangalinao.

Para maisakatuparan ito, hinikayat niya ang pagtutulungan ng mga pari, relihiyosong kongregasyon, Basic Ecclesial Communities o maliliit na pamayanang Kristiyano, mga katutubo, eksperto sa batas at agham, at mga grupong kumikilos sa mga komunidad.

Pakikiisa sa mga komunidad na nangangailangan

Ayon kay Mangalinao, hindi laging nangangailangan ng malalaking talumpati ang pagiging saksi ng katotohanan. Kadalasan, mas mahalaga ang aktuwal na pananatili at pakikiisa sa mga taong dumaranas ng paghihirap.

Kabilang dito ang pagsama sa mga pamilyang magsasaka at katutubong nanganganib mawalan ng tirahan at lupa, pakikinig sa mga nasa laylayan ng lipunan, at pagbibigay ng paggabay at suporta sa mga komunidad na apektado ng kaguluhan.

Hinamon din niya ang mga consecrated persons na palakasin ang pagkakaisa, pananagutan at pagtutulungan sa loob ng kanilang mga pamayanan, at gamitin ang kanilang mga kakayahan sa pagsusulong ng kapayapaan, katarungan, karapatang pantao at pangangalaga sa kalikasan.

“The world does not need consecrated persons comfortable in their identity; it needs lives that make the Gospel credible,” ani Mangalinao.

Hinimok niya ang mga relihiyoso na maging matatag na kasama ng mga mahihirap at responsableng tagapangalaga ng kalikasan, at makiisa sa mga komunidad na nangangailangan ng suporta at katarungan.

Sa kanyang pangwakas na panalangin, hiniling ng obispo na matutuhan ng mga tagasunod ni Kristo ang makinig bago humusga, magsabi ng katotohanan nang may pagmamahal, at ipagtanggol ang dignidad ng tao nang may tapang.

Idinalangin din niyang maging mga pamayanang kumakalinga sa mga mahihina at nagtataguyod ng pagkakasundo ang mga komunidad ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 41,750 total reads

 41,750 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 91,914 total reads

 91,914 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 139,785 total reads

 139,785 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 243,734 total reads

 243,734 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 327,700 total reads

 327,700 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top