Bishop Santos, hinimok ang mga mananampalataya na isabuhay at ibahagi ang awa ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,709 total reads

Hinimok ni World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) Episcopal Coordinator for Asia at Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos ang mga kalahok sa Mindanao Apostolic Congress on Mercy na hindi lamang tumanggap ng awa ng Diyos kundi isabuhay at ibahagi ito sa kanilang mga tahanan, parokya at komunidad.

Sa kanyang welcome message sa pagtitipon na ginanap sa Cagayan de Oro City mula Oktubre 21 hanggang 25, 2026, binigyang-diin ng obispo na dapat mauwi sa konkretong pagkilos ang mga aral at biyayang matatanggap ng mga kalahok.

“We gather here to become words of God’s mercy, and we shall return to our communities to become works of God’s mercy. What we receive here must not remain here. The mercy we encounter must become the mercy we share. The grace we experience must become the grace we bring to others,” ani Bishop Santos.

Ipinaliwanag ng obispo na naipakikita ang awa sa tatlong paraan: pagtanggap sa kapwa, pakikiisa sa kanilang pinagdaraanan at pagkilos upang makatulong.

Ayon kay Santos, mahalagang tanggapin ang bawat tao nang walang diskriminasyon, lalo na sa panahong laganap ang paghuhusga, pagbubukod at pagkakahati-hati sa lipunan.

“Mercy opens the door and makes room for another. In a world where people are often judged, excluded, labeled, and divided, we are called to become communities where people can once again experience the dignity of being welcomed and loved,” dagdag niya.

Binigyang-diin din ng obispo na ang awa ay hindi nagtatapos sa pananalangin para sa mga nahihirapan. Kailangan ding samahan at damayan ang mga ito sa kanilang mga pinagdaraanan.

“Mercy does not merely say, ‘I will pray for you.’ Mercy also says, ‘I will walk with you,’” ani Bishop Santos.

Dagdag pa ng obispo, dapat makita ang awa sa aktuwal na pagtulong sa mga nagugutom, mahihirap, may sakit at biktima ng kawalang-katarungan.

“We cannot encounter God’s mercy and remain indifferent to the needs of others. Mercy sees, mercy feels, and mercy does something,” aniya.

Hinikayat din ni Bishop Santos ang mga delegado na maging buhay na saksi ng awa ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang pananalita, pakikiisa at paglilingkod sa kapwa.

“We are not merely recipients of God’s mercy. We are also missionaries of His mercy,” paalala ng obispo.

Ang Mindanao Apostolic Congress on Mercy 2026 ay may temang “Embracing the Waves of Mercy, Trusting the Ocean of Hope.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 51,420 total reads

 51,420 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 100,865 total reads

 100,865 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 148,736 total reads

 148,736 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 252,684 total reads

 252,684 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 336,239 total reads

 336,239 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top