Caritas Philippines, nagpahayag ng pakikiisa sa simbahang katolika sa Nicaragua

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,224 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Caritas Philippines, na humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Simbahang Katolika at mananampalatayang Katoliko sa Nicaragua na dumaranas ng pag-uusig sa ilalim ng kasalukuyang pamahalaan.

Ayon kay Caritas Philippines National President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, makakaasa ang Simbahang Katolika ng Nicaragua sa pakikiisa at pananalangin ng mga Pilipino upang mawakasan na ang nagaganap na kaguluhan at karahasan sa bansa.

“We stand with our brothers and sisters in the Catholic Church in Nicaragua in their time of need,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Pagbabahagi pa ni Obispo, nakababahala ang sitwasyon ng mga lingkod ng Simbahan at mga mananampalataya sa nasabing bansa kung saan patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga Pari na inaaresto ng mga otoridad.

Giit ni Bishop Bagaforo, hindi katanggap-tanggap ang ginagawa ng Nicaraguan government na isang tahasang paglabag sa karapatan ng bawat indibidwal.

“We are deeply troubled by the recent wave of arrests of priests and religious workers in Nicaragua… These actions by the Nicaraguan government are a blatant violation of fundamental rights… a clear attempt to silence dissent and suppress the voice of the Church.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Samantala, nanawagan rin ang Obispo sa international community na isulong ang pagbibigay halaga sa karapatang pantao at tugunan ang nagaganap na kawalang katarungan at karahasan sa bansang Nicaragua.

“We urge the international community to speak out against these injustices and to demand that the Nicaraguan government respect the fundamental rights of all its citizens.” Apela ni Bishop Bagaforo.

Una ng nagpaabot ng pakikiisa at panalangin ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga mamamayan partikular na sa mga mananampalatayang Katolika sa Nicaragua na dumaranas ng pag-uusig sa ilalim ng kasalukuyang pamahalaan.

Partikular na ipinanalangin ng Santo Papa Francisco ang mga lingkod ng Simbahan na inaresto ng mga otoridad sa bansa na kinabibilangan ng 14 na nga Pari,
dalawang seminarista at isang Obispo.

Kabila sa mga ito si Bishop Isidoro del Carmen Mora Ortega ng Diocese of Siuna na inaresto matapos na hayagang ipanalangin si Matagalpa Bishop Rolando Jose Alvares Lagos na una ng hinatulan ng 26-na taong pagkakabibilanggo dahil sa kasong treason.

Una ng iginiit ng kalipunan ng mga Obispo ng Nicaragua na walang kongkretong basehan ang kaso laban kay Bishop Alvarez na purong mga alegasyon at maling paratang lamang na dahilan upang una ng ipawalang sala ang Obispo at ang iba ang mga inakusahan ng iba’t ibang mga kaso ng kasalukuyang pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni President Manuel Ortega.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,563 total reads

 8,563 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,187 total reads

 63,187 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,552 total reads

 148,552 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,289 total reads

 195,289 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,161 total reads

 243,161 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,006 total reads

 344,006 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top