CBCP, nagpapasalamat sa Archdiocese of Zamboanga at local na pamahalaan sa tagumpay ng NYD

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 484 total reads

Nagpapasalamat ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)sa Archdiocese of Zamboanga at sa pamahalaang lungsod ng Zamboanga sa katatapos lamang na National Youth Day.

Ayon kay Fr. Cunegundo Garganta, executive secretary CBCP-Episcopal Commission on Youth malaki ang naging ambag ng pamunuan ni Zamboanga City Mayor Isabel Climaco-Salazar para maging matagumpay ang pagdiriwang partikular na rito ang kaligtasan ng mga nagsidalong kabataan.

“Yun po ang irony of all irony. Inasahan mong mahihirap ang kalagayan ng security pero it turned out everything is well planned. Pagdating sa security ayos lahat wala namang kaming naengkwentro na anumang suliranin. Karaniwan yung mga check point kasi karamihan ay by land. But nonetheless very friendly and peaceful ang kanilang karanasan,” ayon kay Fr. Garganta.

Dagdag pa ng pari; “Yun nga yun isang naging balakid sa marami na magdalawang isip na magparticipate sa Zamboanga.”

Sa pinakahuling, tala 2,026 na kabataan mula sa iba’t ibang lugar ang dumalo bukod pa sa 184 na delegado ng Archdiocese ng Zamboanga na nagsilbi bilang mga facilator ng programa.

Una na ring inihayag ng Santo Papa Francisco ang pagsusulong ng vocational culture para sa mga kabataan para tumimo ang pakikiisa sa pangangalaga ng buhay at ang paglilingkod sa simbahan ng may kasiyahan.

Labing anim din ang kinatawan ng Prelatura ng Marawi na dumalo sa pagdiriwang sa kabila ng katatapos lamang na digmaan sa nasabing lungsod.

Pinatunayan din ng Zamboanga City ang kanilang kahandaan sa pagtanggap at pag-organisa ng malaking pagtitipon matapos na rin ang naganap na Zamboanga siege noong 2013 na umabot sa isang buwang kaguluhan.

Nanatili din umiiral ang batas militar sa Mindanao region kung saan nasasakop ang Zamboanga City dahil na rin sa digmaan noon sa Marawi City, inaasahang magtatapos ang batas militar sa katapusan ng Disyembre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 8,933 total reads

 8,933 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 43,978 total reads

 43,978 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 80,462 total reads

 80,462 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 98,673 total reads

 98,673 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 182,531 total reads

 182,531 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top