Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 62,728 total reads

Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng mga farm lots. Dagdag pa dito ay ang dami rin ng mga developers na bumibili ng mga farmlands at kino-convert ito bilang commercial at residential lands.

Ironic ito kapanalig, dahil habang marami ang nagbebenta ng farm lots, marami ring mga magsasaka ang nanatiling landless hanggang ngayon. Para sa maraming bumibili ng farm lots, hobby lang o bakasyunan ang hanap, pero para sa maraming magsasaka, kabuhayan ito. Dahil sa trend na ito, para bang bumabalik ngayon ang dating panahon na ang maykaya lamang ang may hawak ng lupa, at etsa puwera ang maliliit na agrikultural na manggagawa. Ang ganitong pangyayari ay nagpapawalang-saysay sa agrarian reforms sa bayan.

Kailangan na natin uling masusing pag-aralan ang agrarian reform at ang land policy ng ating ating bayan. Unang una, marami sa mga nabibiyaan ng lupa dahil sa agrarian reform ay naghihirap pa rin – hindi nila kayang isustain ang produksyon dahil malaking halaga ang kailangan. Marami sa mga beneficiaries ay nakatanggap ng mahigit isang hektaryang lupain, at marami sa kanila, kulang ang kaalaman at kakayahan na mas pagyamanin pa ang mga lupang kanilang natanggap. Kailangan pang palakasin ang support services ng Department of Agrarian Reform upang hindi lamang nakatutok sa land disputes kundi pati sa technical, education, and marketing support.

Malaking tulong din sana kung ang private sector ay magbibigay suporta sa mga magsasaka sa pamamagitan ng partnerships- gaya ng pamumuhunan at access to finance para sa mga modernong makinarya at teknolohiya. Maari silang makipag-partner sa mga kooperatiba ng mga magsasaka upang hindi lamang paisa-isang beneficiary ang makikinabang. Kapag may mga ganitong kagamitan ang mga magsasaka, mas lalaki ang kanilang produksyon, at malakihang business ventures ang kanilang magagawa.

Malakihan at mabilisang aksyon ang kailangan nito mula sa ating gobyerno. Unang una, kailangang natin ng matinong national land use policy na magbibigay gabay sa pag-gamit ng kalupaan sa ating bayan at maniniguro na makatarungan ang pag-gamit nito. Kailangan din na mas malawak at komprehensibong support services sa mga magsasaka, na isa sa mga pinakamahirap na sektor sa bayan ngayon. Nasa 30% ang poverty incidence sa kanilang hanay.

Kapanalig, ayon sa Rerum Novarum, indispensable ang cultivation of land para sa lipunan. Sa mga gawaing gaya ito, ang estado o ang bayan ay umuunlad. “Justice therefore demands that the interest of the laborers – gaya ng ating mga magsasaka – should be carefully watched over by the government.” Malaking hamon ito para sa ating pamahalaan, isang hamon na sanay matapang at masipag nilang harapin.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,787 total reads

 38,787 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,518 total reads

 74,518 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,788 total reads

 300,788 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,256 total reads

 194,256 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,203 total reads

 286,203 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bagong mukha ng Boracay

 38,788 total reads

 38,788 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,519 total reads

 74,519 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,789 total reads

 300,789 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,257 total reads

 194,257 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »
Scroll to Top