Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang naitatayo ng ahensya ngayong taon. Dalawang buwan na lang ang natitira bago matapos ang taon ngunit halos 1.3%pa lamang ang naitatayong mga classrooms. Dagdag pa ng kalihim, 822 na silid-aralan ang kasalukuyang itinatayo samantalang 882 ang hindi pa nasisimulan.
Ayon sa Department of Education (o DepEd), ang mabagal na implementasyon ng DPWH ay dahil sa mabigat na workload nito. Nakaapekto rin daw ang mabagal na paglabas ng pondo ng DPWH at pagbabago sa liderato ng ahensya. Pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (o ACT) Philippines, sinasalamin ng kakulangang ito ang tunay na prayoridad ng pamahalaan: habang bilyun-bilyon ang ibinuhos ng DPWH sa maanomalyang flood control projects, pinabayaan naman ang karapatan ng kabataan sa dekalidad na mga imprastrukturang pang-edukasyon. Anila, hindi lamang ito incompetence kundi criminal neglect.
Noong 2014, idineklara ni dating Pangulong Noynoy Aquino na hindi lamang binura ng DepEd ang classroom backlog na minana nito mula sa nakaraang administrasyon. Lumampas pa sa kinakailangang bilang ang mga naitayong silid-aralan. Pero sa datos ng Second Congressional Commission on Education (o EDCOM 2), mula 2014 hanggang 2024, tuluy-tuloy nang nabigo ang pamahalaan sa pag-abot ng taunang target sa pagtatayo ng silid-aralan. Noong 2018, inilipat mula sa DepEd ang mandatong magtayo ng mga silid-aralan sa DPWH. Simula noong naging sole implementing agency ng school building program ang DPWH, lumobo na sa 146,000 ang kulang na silid-aralan sa bansa. Hindi lamang nagkataon ang paglaki ng kakulangang ito kasabay ng mga maanomalyang infrastructure projects ng DPWH sa ilalim ng administrasyong Duterte at Marcos Jr. Ayon kay ACT Chairperson Ruby Bernardo, “Malinaw na matinding pagpapabaya ito ng estado sa sektor ng edukasyon at sa karapatan ng kabataan sa dekalidad na edukasyon.”
Kaya naman, iniutos ng PBBM na ilipat ang paghawak ng pondo at pagtatayo ng silid-aralan sa mga local government units (o LGU) upang mapabilis ang implementasyon at mapunan ang classroom backlog sa buong bansa. Samantala, ang DepEd at DPWH naman ang susubaybay sa implementasyon nito. Maliban sa mga LGUs, binabalak din ng DepEd na makipagtulungan sa Armed Forces of the Philippines Corps of Engineers, mga NGO, at pribadong sektor sa pagtatayo ng mga silid-aralan.
Sa isang conference noong 2024, idiniin ni Pope Francis na ang edukasyon ay karapatan—hindi pribilehiyo—ng bawat bata. Aniya, “Education is an act of hope for a better society.” Pero paano makakamit ng kabataan ang dekalidad na edukasyong magbibigay-daan sa maunlad na lipunan kung labis ang kakulangan sa mga silid-aralan? Paano matatamasa ng kabataan ang karapatan sa edukasyon kung libu-libong estudyante ang nagsisiksikan sa iilang mga silid o ‘di kaya sa covered courts at makeshift classrooms? Tungkulin ng pamahalaang itaguyod ang dekalidad na edukasyon para sa lahat ng mamamayan. Higit pa sa paglipat ng responsabilidad sa pagtatayo ng mga silid-aralan, matugunan din dapat ang iba pang mga isyu sa sektor ng edukasyon gaya ng kakulangan sa mga guro, school personnel, textbooks, at teaching materials, pati na ang mababang sahod ng mga guro. Higit sa lahat, mapanagot dapat ang mga responsable sa kasuklam-suklam na katiwaliang hindi lang kaban ng bayan ang ninanakaw kundi pati ang kinabukasan ng kabataan.
Mga Kapanalig, ang pagkakaroon ng sapat, maayos, at ligtas na mga silid-aralan ay hindi lamang mahalaga sa pagtamo ng karunungan at magandang kinabukasan para sa mga kabataan. Gaya ng turo sa Mga Kawikaan 1:2-3, nagsisilbi rin itong tahanan ng mga aral sa matuwid, matapat, at makatarungang paraan ng pamumuhay—mga aral na higit na kailangang isabuhay ng ating mga lingkod-bayan.
Gospel Reading for October 28, 2025 – Luke 6: 12-16
HE DOESN’T SLEEP
Jesus went up to the mountain to pray, and he spent the night in prayer to God. When day came, he called his disciples to himself, and from them he chose Twelve, whom he also named Apostles: Simon, whom he named Peter, and his brother Andrew, James, John, Philip, Bartholomew, Matthew, Thomas, James the son of Alphaeus, Simon who was called a Zealot, and Judas the son of James, and Judas Iscariot, who became a traitor.
————
Going up the mountain meant being alone. Spending the night in PRAYER to his Father meant he needed badly to talk to him. He needed badly, counsel and strength as he was embarking on the mission his Father gave him, and also having to choose the people who would permanently be with him during his mission and who would continue his mission even after he had gone back to his Father.
When we need to make important decisions in life that will affect us as persons or those that will affect our family, as Christians, it is equally important to seek counsel and strength from God through PRAYER. Mountains may not be available, but we can find places where we can be alone, such as the church, adoration chapels, and even at home when everyone has gone to bed, or early morning when everyone is still asleep. What is so good about God is that HE DOESN’T SLEEP and although there are millions of us who may be praying to him, because he is God, he hears everyone and responds to everyone. All we need is FAITH and TRUST in him.
Let us reflect on this beautiful song written by Ervin Drake and Jimmy Shirl, ONE GOD –
Millions of stars placed in the skies by One God.
Millions of us lift up our eyes to One God.
So many children calling to him
by many a diffrent name.
One father, loving each the same.
Many the ways all of us pray to One God.
Many the path winding their way to One God.
Brothers and sisters there are no strangers
after his work is done.
For your God and my God are one!
Our God, yes your God, and my God are ONE!
Lord Jesus, thank you for teaching us to pray to the Father!
Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang mga kakasuhan dahil sa maanomalyang mga flood control projects.
Ininspeksyon niya kasama ang iba pang miyembro ng ICI at ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang nasabing detention facility dito sa Quezon City. Maayos daw ang bentilasyon ng kulungan. Maliwanag din. Mukha ring matibay. Maaaring hindi raw maging komportable ang mga ipipiit sa nasabing pasilidad pero disente naman ang kanilang paglalagyan. Bawat selda ay may apat na electric fans at limang double deck na higaang nilagyan pa ng kutson. May sarili ring lababo, liguan, at palikuran.
Ganito ang sitwasyong nais din nating makita sa iba pang bilangguan sa ating bansa—maluwag, malinis, at kumpleto ang mga pangangailangan ng mga tinatawag nating persons deprived of liberty (o PDL). Alam naman nating lahat na hindi makatao ang kalagayan ng mga kapatid nating bilanggo.
Sa isang report ng International Committee of the Red Cross ngayong 2025, lumalabas na malaking dahilan ang overcrowding o pagsisiksikan sa mga kulungan ng pagkalat ng mga nakahahawang sakit. May mahigit 400 na kulungan ang pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (o BJMP), at kung kukuwentahin ang average congestion rate ng mga ito, lumalabas na overpopulated ang mga piitan ng kawanihan ng 296%! Katumbas ito ng halos tatlong beses na kapasidad ng mga kulungan. Kung ang isang pasilidad ay para lamang sa isandaang PDL, halimbawa, lumalabas na may tatlong daang bilanggo rito. Nagsisiksikan silang parang mga sardinas.
Pinalalalâ pa ito ng kakulangan sa mga pasilidad at kagamitan para mapanatiling malinis ng mga PDL ang kanilang sarili. Problema rin ang tubig. Kung may magkasakit, hindi kaagad nalalapatan ng kaukulang lunas dahil wala namang tauhan sa mga klinika sa loob. Dahil sa kawalan ng maayos na sistema ng pagre-record ng estado ng kalusugan ng mga PDL, mahirap i-monitor kung nagagamot ba sila nang maayos o malaman kung anu-ano ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga bilanggo.
Literal na nabubulok sa kulungan ang mga kapatid nating PDL dahil napakabagal din ng takbo ng kanilang mga kaso. Marami sa mga bilanggo ay pinagtitiis sa kulungan habang hinihintay kung kailan diringgin sa korte ang kanilang kaso. Taon nga ang binibilang ng iba. Doon na sila tumatanda. Madalas nga, nakakulong ang mga PDL kahit wala namang conviction o hatol ng korte. May mga pagkakataon ding mas mahaba pa ang panahon ng pagkakakulong ng PDL kaysa sa parusang katapat ng kasong kanyang kinasangkutan. Noong Agosto, napabalita nga ang kaso ng isang overstaying na babae sa Correctional Institution for Women. Nakulong siya nang 23 na taon para sa kasong 30 na araw lamang ang parusa!
Noong Linggo, ginunita ng ating Simbahan ang Prison Awareness Sunday. Isa iyong okasyon para anyayahan ang mga Katoliko na maging instrumento ng habag at awa ng Panginoon para maibalik ang dignidad at pag-asa sa buhay ng mga kapatid nating nagkasala sa batas. Paalala nga ni Bishop Leopoldo Jaucian ng Bangued, Abra, pinuno ng CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, “Ang ginagawa natin sa [mga PDL] ay ginagawa din natin sa Panginoon.” Kaya kung hinahayaan nating maging kalunus-lunos ang kalagayan ng mga PDL sa kulungan, pinahihirapan at sinasaktan din natin ang Panginoon. Wika nga sa Mga Hebreo 13:3, “Alalahanin ninyo ang mga nakabilanggo, na parang kayo’y nakabilanggo ring kasama nila.”
Mga Kapanalig, kaya naman pala ng gobyernong magpatayo ng disenteng bilangguan para sa mga kurap at tunay na magnanakaw. Bakit hindi ito magawa para sa mga karaniwang PDL? Bakit hanggang sa pagkakabilanggo, talo pa rin ang maliliit at mahihirap?
Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 28 October 2025
Tuesday, Feast of St. Simon & St. Jude, Apostles
Ephesians 2:19-22 ><))))*> + ><))))*> + ><))))*> Luke 6:12-16
Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 20 March 2025.
Brothers and sisters: You are no longer strangers and sojourners, but you are fellow citizens with the holy ones and members of the household of God built upon the foundation of the Apostles and prophets, with Christ Jesus himself as the capstone. Through him the whole structure is held together and grows into a temple sacred in the Lord; in him you are also being built together into a dwelling place of God in the Spirit (Ephesians 2:19-22).
How lovely to hear
those words of St. Paul
in these times of great divisions
among us not only in politics
but in almost every topic!
What is most painful,
O Lord Jesus Christ is how
some among us have become
numb and callous of each other,
unmindful of things they say
especially of those suffering
and in pain; with the little cellphone
each of us holding so addictively
the whole day, we have created our
own self-centered world
totally unmindful of others.
On this Feast of your
two great Apostles,
St. Simon and St. Jude
who were poles apart
in their differences
as persons and backgrounds,
may we realize that we are not
"strangers and sojourners"
but are" fellow citizens",
and "members of the
household of God" in you,
Jesus Christ who is at the center
of this household as cornerstone.
Help us, Lord Jesus,
to imitate Sts. Simon and Jude
who built up your Church,
your household of God here on earth;
fill our hearts with the zeal
and ardent love for you
and your Church like Simon
called the Zealot:
in this time when Catholics
in the country are declining
in numbers as well as in professing
their faith, may we have the enthusiasm
to make you known, Jesus,
in our loving actions of witnessing;
grant us also the strength,
clarity and courage like that of
St. Jude Thaddeus in dealing with
the many contradictions of the world
we live in today as Catholics and
Christians:
"But you, beloved,
build yourselves up on your
most holy faith; pray in the Holy Spirit;
keep yourselves in the love of God;
wait for the mercy of our Lord Jesus
Christ unto eternal life.
And convince some,
who doubt..." (Jude 20-22).
Bless us, dearest Jesus,
through the help St. Simon and
St. Jude, to rediscover
the beauty of our Christian
faith and of our Catholic Church
by working hard to build it up
without tiring through our silent
and peaceful witnessing
of the Gospel.
Amen.
Fr. Nicanor F. Lalog II
Our Lady of Fatima University
Valenzuela City
Ang tunay na biyaya ay hindi laging nasa taas—madalas, ito’y nasa mga marunong yumuko. Sa katahimikan ng puso at sa kababaang-loob, mas malinaw nating naririnig ang tinig ng Diyos. Ang mapagpakumbaba ay hindi nagpapababa ng sarili, kundi nagbubukas ng daan upang tumaas ang kabutihan, kapatawaran, at pagmamahal sa kapwa.
Gospel Reading for October 27, 2025 – Luke 13: 10-17
NOT UNREASONABLE AND PETTY
Jesus was teaching in a synagogue on the sabbath. And a woman was there who for eighteen years had been crippled by a spirit; she was bent over, completely incapable of standing erect. When Jesus saw her, he called to her and said, “Woman, you are set free of your infirmity.” He laid his hands on her, and she at once stood up straight and glorified God. But the leader of the synagogue, indignant that Jesus had cured on the sabbath, said to the crowd in reply, “There are six days when work should be done. Come on those days to be cured, not on the sabbath day.” The Lord said to him in reply, “Hypocrites! Does not each one of you on the sabbath untie his ox or his ass from the manger and lead it out for watering? This daughter of Abraham, whom Satan has bound for eighteen years now, ought she not to have been set free on the sabbath day from this bondage?” When he said this, all his adversaries were humiliated; and the whole crowd rejoiced at all the splendid deeds done by him.
————
Indeed, it was something to rejoice about – someone bound by the devil for 18 years had been set free! And yes, the Sabbath, or the Day of the Lord, is the best day for rejoicing. The Jews, especially the Pharisees and scribes imposed so many don’ts on a Sabbath, making worship complicated and burdensome, when they themselves were unable to do what they taught.
Did Jesus purposely cure on a Sabbath in order to correct what they made people believe and follow? Maybe. Perhaps, this is what he means when he says in Matthew 5: 17 – “Do not think that I came to abolish the Law or the Prophets; I did not come to abolish but to fulfill.”
Among others, it was because of this that he drew their ire which led to his crucifixion and death. Today, we benefit from Jesus’ great sacrifice. Today, we know exactly what the Lord’s Day is, and the kind of God we have: NOT UNREASONABLE AND PETTY.
Lord, may our celebration of your day, always be a pleasing and loving offering to you!
Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel Bellen Samar sa Guinobatan, Albay. Apat na tama ng kalibre .45 na baril ang tinamo ng mamamahayag. Kinabukasan, tuluyan na siyang binawian ng buhay. Si Samar ay 54 na taóng gulang.
Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin natutukoy ng mga imbestigador ang motibo sa likod ng pagpatay kay Samar. Pero para sa Albay chapter ng National Union of Journalists of the Philippines (o NUJP), dapat isaalang-alang ng mga imbestigador ang trabaho ni Samar bilang isang broadcaster. Kilala si Samar na kritiko ng kasalukuyang gobernador ng Albay na si Noel Rosal. Host si Samar ng isang radio program na umeere sa TV at mga pangunahing istasyon ng radyo sa probinsya. Sa mga programang iyon, ipinararating niya ang kanyang komentaryo sa provincial government at iba pang usaping pulitikal. Maaanghang na mga puná rin ang ipino-post niya sa social media. Kilala nga si Samar bilang “Mr Bull’s Eye”.
May nakikitang pattern ang mga grupo ng lokal na mamamahayag sa mga pag-atake sa mga local media practitioners sa Bicol. Ang Albay chapter ng NUJP ay nakapagtala na nga ng maraming kaso ng panggigipit, pananakot, at red-tagging sa mga mamamahayag mula 2023. Labimpito ang sinampahan ng kasong cyber libel. Dalawa na rin ang pinapatay, at karagdagan nga sa listahan si Samar. Sa pagmo-monitor naman ng grupong KARAPATAN, mahigit 400 na dokumentadong kaso ng panggigipit, pananakot, panliligalig o harassment, at red-tagging ang naiulat na sa Bicol simula nang manungkulan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Para sa NUJP at KARAPATAN, lantarang inaatake ang kalayaan sa pamamahayag o press freedom sa Bicol.
Bakit mahalaga ang press freedom?
Una, isa ito sa mga saligan ng demokrasya. Binibigyan nito ang mga mamamayan—sa pamamagitan din ng mga mamamahayag—na isiwalat ang totoo, magbahagi ng opinyon, at panagutin ang mga nasa poder. (Tandaan lamang natin na ang kalayaang ito ay dapat na nakabatay sa tama at totoong impormasyon—hindi sa paninira at malisya.)
Pangalawa, ang pagtatanggol sa kalayaan sa pamamahayag ay pagtatanggol din sa ating karapatan sa impormasyon at katotohanan. Bilang mga mamamayan, karapatan nating malaman kung ano ang totoo, lalo na sa mga isyung panlipunan at pampulitika na nakaapekto sa ating buhay. Bahagi ito ng tinatawag nating transparency.
Pangatlo, ang pag-atake sa mga mamamahayag at ang anumang tangkang patahimikin sila ay hindi lamang paglimita sa mga karapatan ng mga indibidwal. Pinahihina rin nito ang kakayahan nating mga mamamayan na bantayan at pigilan ang pang-aabuso at pagnanakaw ng mga nasa gobyerno.
Tinitiyak ng press freedom na naririnig ang boses ng mamamayan. Ilang araw nga pagkatapos niyang maging bagong Santo Papa, nanawagan si Pope Leo XIV na palayain na ang mga mamamahayag na ikinulong dahil sa pag-uulat nila ng mga totoong nangyayari at dahil sa pagtataguyod ng natatanging biyaya ng malayang pamamahayag. May mga pahayag ang ating Simbahan na maaaring salungat sa pananaw na ito ni Pope Leo XIV, pero malinaw ang turo ng Santa Iglesia: hindi natin makakamit ang kabutihang panlahat o common good kung itinatago ang katotohanan—katotohanang inaalam, sinusuri, at isinisiwalat ng mga mamamahayag.
Mga Kapanalig, hindi natin maiaalis na kahit sa larangan ng media, may mga mamamahayag na hindi tapat sa tungkulin nilang pangalagaan at palaganapin ang katotohanan. Biased, ‘ika nga. Pero huwag nating idadamay ang mga tunay na naghahatid ng tamang balita at nagtataguyod ng katotohanan. Huwag nating idamay ang mga “[ipinahahayag] nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran,” sabi nga sa Mga Kawikaan 31:9. Stop shooting the messenger!
Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 27 October 2025
Monday in the Thirtieth Week of Ordinary Time, Year I
Romans 8:12-17 <*{{{{>< + ><}}}}*> Luke 13:10-17
Jesus was teaching in a synagogue on the sabbath. And a woman was there who for eighteen years had been crippled by a spirit; she was bent over, completely incapable of standing erect. When Jesus saw her, he called to her and said, “Woman, you are set free of your infirmity.” He laid his hands on her, and she at once stood up straight and glorified God (Luke 13:10-13).
What a lovely story
for this Monday, Jesus,
when many of us
got the blues so to speak:
many of us are like
that woman at the synagogue
"bent over",
"bowed down"
and for the longest time
have seen only the dirty,
hard ground below;
the reasons are varied, Lord:
many of us are bowed down
due to sins and evil,
pains and hurts and trauma
some from people we trusted
and loved, mistakes and missed
opportunities, and so many others
that have enslaved and crippled
us for so long like
that woman you
have healed;
you know so well
how much we have wanted
to break free from these long years
of bowed down posture so that
we may rise and straighten up our lives
to look up to you in the sky,
to feel the warmth of the sun,
savor the beauty of creation.
On this Monday,
let us take to heart
the words of St. Paul
that we are not debtors
to the flesh... that we received
a spirit of adoption to cry
"Abba, Father!"
(Romans 8:12,15).
For those living
"bowed down" in pain
and shame, arouse them,
Jesus with the warmth of the
Holy Spirit, to rejoice
in our new life in you.
Amen.
Gospel Reading for October 26, 2025 – Luke 18: 9-14
UTTER FOLLY
Jesus addressed this parable to those who were convinced of their own righteousness and despised everyone else. “Two people went up to the temple area to pray; one was a Pharisee and the other was a tax collector. The Pharisee took up his position and spoke this prayer to himself, ‘O God, I thank you that I am not like the rest of humanity — greedy, dishonest, adulterous — or even like this tax collector. I fast twice a week, and I pay tithes on my whole income.’ But the tax collector stood off at a distance and would not even raise his eyes to heaven but beat his breast and prayed, ‘O God, be merciful to me a sinner.’ I tell you, the latter went home justified, not the former; for whoever exalts himself will be humbled, and the one who humbles himself will be exalted.”
———-
It is UTTER FOLLY to think we are pure and look down on others who we think are impure just because they are unlike us in our practice of religion. Religious rituals, duties or sacrifices are meant to enhance our faith experience, and Religion cannot be used to prove that we are better than others. It even obliges us to remain humble and always seek the loving mercy of God because we acknowledge that we are always in need of his forgiveness and we are always in need of sustenance from him.
In Matthew 9: 13, Jesus says, “Go and learn what this means: ‘I desire mercy, and not sacrifice.’ For I have not come to call the righteous, but sinners.” If we believe we are sinless, then we do not need Jesus because he is the Saviour. So, unless we accept that we too are sinners and are in need of salvation, how can we be saved?
Lord, help us practice religion humbly and sincerely!
Sir 35:12-14, 16-18
The reading highlights Sirach’s perspective on justice and the care for the needy. He emphasizes the importance of honest dealings as a reflection of God’s justice, noting Yahweh’s sensitivity to the poor, widows, and orphans, “the anawim”, especially in patriarchal society where a man’s presence was crucial. Sirach stresses the dispositions of dependence and prayer among the disadvantaged, with Yahweh acting as their defender and judge. Hebrew law prioritized justice and the rights of all, with Yahweh as their advocate.
2 Tim 4:6-8, 16-18
Paul writes from his likely Roman imprisonment, feeling his death is near after his first trial (vv16ff). He describes his life as a sacrifice (v6), using athletic imagery, and reflects on completing his work (Acts 9:15) with faith intact and victory assured. The crown of righteousness (v8) symbolizes sanctification, granted at Christ’s return—the parousia, when rewards and punishments are given. Little is known about his adversary Alexander (vv14f). Paul states he was abandoned during his defense, with only the Lord standing by him (v16). Nevertheless, God’s support ensured a successful trial (v17), and He will protect him to reach his heavenly home (v18).
Luke 18:9-14
The gospel presents two parables on prayer. The first emphasizes perseverance; the second highlights the inner attitude needed for prayer, exemplified by a childlike spirit. Self-righteousness hampers discipleship and God’s reign (v9; 5:32; 15:7). The Pharisee’s prayer is self-serving, comparing himself to others and boasting about religious deeds like fasting and tithing, representing religious authority. Conversely, the tax collector, seen as a social outcast, admits his sinfulness, seeks forgiveness, and demonstrates humility. This contrast mirrors the story of the sinful woman and Pharisee (7:36-50). The parable underscores God’s justice, where the tax collector’s humility leads to justification, distinguishing it from Pauline ontological justification. God judges the conduct, recognizing the tax collector’s dependence and repentance, while the Pharisee’s self-reliance is lacking. Jesus concludes with a note on God’s reversal of fortunes (v14).
Avoiding self-righteousness is difficult, as conversations often turn self-serving. Self-preservation includes seeking recognition, which never fully vanishes. Jesus repeatedly warns us, emphasizing humility in Luke’s gospel. Those who appear favorably are sinners and outlaws because they understand their need for God and turn to Him. May we all have the stance of the “anawim of Yahweh” who has no one but God to rely on. For “the Lord hears the cry of thr poor”, (Ps 34). Amen.
30th Sunday of the Year Cycle C
Prison Awareness Sunday
Sir 35.12-14,16-18 2 Tim 4:6-8.15-18 Lk 18:9-14
Ngayon Linggo po sa buong bansa natin ay ang Prison Awareness Sunday. Pinapaalaala po sa atin ang kalagayan ng ating mga bilanggo. Kahit na nasa bilangguan sila, hindi nawawala ang kanilang dangal bilang tao. Niligtas pa rin sila ni Jesus; kapatid at kamag-anak pa rin natin sila. Gusto ni Jesus na kilalanin natin siya sa pamamamagitan nila. Kaya nga sinabi ni Jesus: “Mapalad kayo kasi ako ay nasa bilangguan at dinalaw ninyo ako.” Sa sistema ng korte at kapulisan ngayon, hindi lahat ng nasa bilanggo ay mga makasalanan. Marami ang nasa piitan kasi sila ay napagbintangan, hindi sila naipangtatanggol kasi wala silang pera at walang kakilala. Pero alam naman natin na ang mayayaman, ang mga kilalang pamilya ay hindi nabibilanggo kahit na marami silang ninakaw sa bayan, kahit marami silang pinapatay kasi may mga abogado sila, kasi nabibili nila ang ilang pulis at ang ilang husgado. Kung sila ay mahusgahan man, nagpapanggap silang may sakit at sa halip na ipadala sa kulungan, pinapadala sa ospital. Nasaan ang katarungan?
Kaya magandang balita ang napakinggan natin sa ating unang pagbasa. “Sinabi ng Diyos: Ako ay ang Diyos ng katarungan. Wala akong kinikilala na paborito.” Hindi siya nabibili o matatakot ninuman. At pinapakinggan niya ang daing ng mga mahihirap at mga inaapi. Kaya ang panalangin ng mga mababang tao at nagsisikap na maging tapat sa kanya ay kanyang pinapakinggan. Tumatagos sa alapaap ang dasal ng mga taong mababa ang loob.
Ito rin ang talinhaga ni Jesus na ating narinig sa ating ebanghelyo. Sinabi na ni Jesus ang dahilan ng kanyang talinhaga. Ito ay para sa mga tao na akala nila na sila ay matuwid at dahil dito kinukutya nila ang ibang mga tao. Ang mga pariseo sa panahon ni Jesus ay ang mga tao na nagsisikap na maging tapat sa kanilang pagsunod sa mga batas ng Diyos. Hindi naman ito masama. Hindi naman masama na ang pariseo sa ating talinhaga ay nag-aayuno ng dalawang beses kada lingo, na siya ay nagbibigay ng ikapu sa lahat na natatanggap niya. Ang masama ay dahil dito, ang tingin niya sa kanyang sarili ay iba na siya sa lahat na hindi nakakagawa nito. Iba na siya sa mga tao, lalo na sa publikano na nandoon sa likod ng templo na nagdarasal.
Ang mga publikano ay ang grupo na mga tao na ang hanap buhay nila ay mangulekta ng buwis para sa mga Romano na siyang sumasakop sa kanila mula sa kanilang kababayan na mga Hudyo. Kaya ang turing sa kanila ay mga traydor. At ito ay hanap buhay nila, kaya pinapasobrahan nila ang kinukolekta at dito sila kumikita. Isang uri ito ng korapsyon. Kaya masasamang tao ang turing ng mga Hudyo sa kanila. Kinikilala ng publikano sa ating ebanghelyo na hindi siya maayos na tao, kaya nandoon siya sa likod ng templo, hindi man makatingin sa altar, at panay ang dagok sa kanyang dibdib. Ang dasal niya ay: “O Diyos, maawa ka sa akin na isang makasalanang tao.” Mas tumagos sa langit ang dasal niya kaysa dasal ng taong matuwid at mapagmataas dahil sa kanyang katuwiran.
Ang punto ni Jesus ay hindi ang matuwid at ang makasalanan. Ang punto ni Jesus ay ang nagmamayabang at ang nagpapakumbaba. Kahit na tayo ay makasalanan pero dahil dito tayo ay nagpapakumbaba, katanggap tanggap tayo sa Diyos. Kahit na tayo ay matuwid at gumagawa ng mabuti pero dahil dito mapagmayabang naman, hindi papansinin ang ating dasal. Kaya ang mabubuting tao ay hindi tumigil sa kanilang kabutihan, at ginagamitin ito upang lalong makatulong sa iba upang dalhin ang iba sa Diyos at hindi upang maging tanyag at sikat. Hindi nakukuha ang pansin ng Diyos ng ating katanyagan.
Tingnan po natin ang mga pinipili at kinikilingan ng Diyos sa Bibliya. Sino ba naman si Abraham, isang matandang dayuhan na walang anak? Si Jose ay itinatwa ng kanyang mga kapatid at ipinagbili bilang alipin. Si Moises ay isang matanda na takas mula sa kanyang kababayan. Si David ay isang batang pastol ng mga tupa na hindi nga pinansin ng kanyang tatay mismo noong ipinatawag ang kanyang pamilya ni Samuel. Si Maria ay isang probinsyanang dalagita sa isang lugar, sa Nazaret, na hindi kilala. Si Jose ay isang ordinaryong karpentero. Ang mga ito ay ilan sa mga taong tinawag ng Diyos at may malaking misyon sila para sa ating kaligtasan, pero sila ay maliliit na mga tao. Hindi ginagamit ng Diyos ang mga hari, ang mga mayayaman, ang mga pantas, ang mga may pangalan para sa kanyang gawain. Hanggang ngayon ganito kumilos ang Diyos. Kaya huwag tayong magmayabang. Oo, gumawa tayo ng kabutihan pero huwag nating ipagmayabang ang ating kabutihan at ang ating ginawa. Sa Diyos lamang ang kapurihan at ang kadakilaan.
Kung tayo man ay nakagawa ng masama, iyan ay hindi nangangahulugan na wala na tayong kwenta sa mata ng Diyos. Siya ay mahabagin at mapagpatawad. Ano mang kasamaan at kahinaan natin ay gamitin natin upang tanggapin na maliit tayo sa mata ng Diyos, na sa ganang ating sarili lang hindi tayo makakatayo. Kaya itaas natin ang ating kamay sa Diyos na nagmamakaawa. “Sagipin mo ako Panginoon. Itayo mo ako.” At nandiyan ang Diyos. Pinapakinggan niya ang daing ng mga mahihirap at mga inaapi.
May second collection po tayo ngayon para sa ating prison ministry, para makatulong sa mga kapatid natin na bilanggo.
Lord My Chef Sunday Recipe for the Soul, 26 October 2025
Thirtieth Sunday in Ordinary Time, Cycle C
Sirach 35:12-14, 16-18 ><}}}}*> 2 Timothy 4:6-8, 16-18 ><}}}}*> Luke 18:9-14
Photo by author, Alberione Center, Araneta Ave., QC, 11 September 2025.
We got our inspiration anew for this Sunday’s reflection from the blog of Sr. Renee Yann, RSM whom we follow at WordPress (https://lavishmercy.com/2025/10/18/pride-of-place-2/). Her blogs are so wonderfully written with reflections so deep, inspiring and uplifting.
In her recent blog, Sr. Renee tells of their parishioner they fondly called “Mamie” who sat on the same seat in their church they called “Pride of Place” for forty years until her death. And for a good reason. Despite her many trials and sufferings in life, Mamie never failed in helping those in need in their community.
Photo by author, Carmel of the Holy Family Monastery, Guiguinto, Bulacan, 25 September 2025.
As told by Sr. Renee’s dad, Mamie had always sat in the same pew through the Depression as she struggled to keep her grocery opened; after the death of her husband in an accident, Mamie never missed their Sunday Masses seated at the same spot – in fact, she was at the same pew on a Sunday Mass when her son was killed at Pearl Harbor. It was actually their community who “proudly awarded” the seat as a “pride of place” to Mamie following her life of Christian witnessing.
“Pride of Place” isn’t always something physical like a pew in church. More often it’s a moral or spiritual position that’s granted to us by others after we pay moral dues. These dues include trustworthiness, sacrifice, contribution, and wisdom…“Pride of Place” doesn’t come automatically with power or position. It comes with respect. Unfortunately, not every parent, boss, teacher, pastor, elder, president, or champion deserves it. It must be earned and kept as a trust. (https://lavishmercy.com/2025/10/18/pride-of-place-2/).
The story reminded me of our own “pride of place” in the church, of people always occupying the same pew or spot during the Mass that they are amazed how we priests get to know them simply with their “seating arrangement” like their coming late or being absent!
Photo by author, Carmel of the Holy Family Monastery, Guiguinto, Bulacan, 25 September 2025.
But, what struck me most with Sr. Renee’s piece is the spiritual meaning of “pride of place” which refers actually not to where we sit but where we stand. That standing is more than physical but spiritual and moral in nature. Where we stand is about our stance or conviction not only on issues but about our faith and relationship with God expressed in our dealings with others exactly what our gospel tells us this Sunday.
“Two people went to the temple area to pray; one was a Pharisee and the other was a tax collector. The Pharisee took up his position and spoke this prayer to himself, ‘O God, I thank you that I am not like the rest of humanity — greedy, dishonest, adulterous —- or even like this tax collector. I fast twice a week, and I pay tithes on my whole income.’ But the tax collector stood off at a distance and would not even raise his eyes to heaven but beat his breast and prayed, ‘O God, be merciful to me a sinner.’ I tell you, the latter went home justified, not the former; for whomever exalts himself will be humbled, and the one who humbles himself will be exalted” (Luke 18:10-14).
Painting by French artist James Tissot, “The Pharisee and the Tax Collector” (1886-1894) from commons.wikimedia.org.
For the second straight Sunday, we hear another teaching of Jesus about faith expressed in prayers in another parable only Luke has.
Last Sunday we reflected that to persist in prayer is not about wearing God down but of allowing our hearts to clarify our desires until we silently surrender to what God knows is best for us which is salvation or “justification”. See how we find that word again – justified – as the key to this parable at its end when Jesus declared that it was the prayer of the publican that was heard for “he went home justified”.
The object of every prayer is God because prayer is a relationship, not just a ritual. To be filled with God is what holiness is, not being sinless. In fact, holiness is finding our sinfulness before God. And that is the essence of our parable this Sunday.
That is why Jesus directs our attention in the “where” when we pray – not just the location when we pray but our “place” in that relationship with God who is our very foundation. When all we see is our self in prayer like in any relationship, it means it is a monologue, a one-way street. Worst, it is an indication of the absence of God, even of others because the pray-er is so preoccupied with his or her very self!
Photo by the author at the Wall of Jerusalem, May 2017.
The Pharisee was clearly not in God even if he were in front of the temple. His very self was very far from God and all he had was his bloated ego. He may be a very pious person but not really good at all for he has no space for God and for others. He is a very closed man without any room for others. Remember, Luke said that “Jesus addressed this parable to those who were convinced of their own righteousness and despised everyone else” (Lk.18:9).
The tax collector, on the other hand, may be physically far outside the temple but was the one actually nearest to God with his self-acceptance and admission of sins, of his need for God. He was closest to God because he was more open with God and with others by admitting his true self.
Prayer is more than entering a church or a prayer room, or finding our most suitable spot or space to pray. Prayer is being one with God, one in God. Prayer is losing our very self in God. The question now is, “where are we when we pray?
I have always loved this photo by friend from GMANews, Ms. JJ Jimeno who took this while she was praying inside the UP-Diliman Adoration Chapel in May 2019; she aptly captioned it as “losing one’s head in prayer.” True!
First, we become one with God in prayer when we admit our sinfulness, when we confess our sins to him, and own them without any “ifs” and “buts”. God always comes to those who truly open themselves to him by emptying themselves of their sins and inadequacies.
The tax collector was justified in his prayer more than the Pharisee because in confessing his sins, he admitted his need for God. He knew very well his place, so unlike the Pharisee who felt God owes him so much!
Second, we are in God in prayer when we are humble and have the conviction to leave everything behind and go down with God into the lowest point because one is so confident of the efficacy of prayer like what Ben Sirach tells us in the first reading.
The one who serves God willingly is heard; his petition reaches the heaven. The prayer of the lowly pierces the clouds; it does not rest till it reaches its goal (Sirach 35:16-17).
Most often in life, friendships and relationships are kept when we are willing to take the lower stance, not necessarily admitting fault or guilt in any misunderstanding because being lowly indicates the person’s need for the other person and of one’s love to work on that relationship despite its fragility. I tell couples that when they quarrel, the first who must first make the move to greet the other person is not the guilty one but the one with most love and self to give.
Third, we are in God in prayer when there is an offering daily of one’s self to God. It is not enough to be lowly and sorry for our sins in prayer. It has to be sustained because prayer is a discipline like any sport as St. Paul tells us in the second reading, calling us to persevere and endure until the end for Jesus Christ “who shall award us with the crown of righteousness in heaven.”
We are all sinners forgiven and beloved by God. When we find our right place in God in prayer, then we also find him. And meet him. Amen. Have a blessed week ahead into November! Fr. Nicanor F. Lalog II, Our Lady of Fatima University, Valenzuela City ([email protected])
Photo by author, Carmel of the Holy Family Monastery, Guiguinto, Bulacan, 25 September 2025.
Gospel Reading for October 25, 2025 – Luke 13: 1-9
WASTING AWAY
Some people told Jesus about the Galileans whose blood Pilate had mingled with the blood of their sacrifices. He said to them in reply, “Do you think that because these Galileans suffered in this way they were greater sinners than all other Galileans? By no means! But I tell you, if you do not repent, you will all perish as they did! Or those eighteen people who were killed when the tower at Siloam fell on them— do you think they were more guilty than everyone else who lived in Jerusalem? By no means! But I tell you, if you do not repent, you will all perish as they did!”
And he told them this parable: “There once was a person who had a fig tree planted in his orchard, and when he came in search of fruit on it but found none, he said to the gardener ‘For three years now I have come in search of fruit on this fig tree but have found none. So cut it down. Why should it exhaust the soil?’ He said to him in reply, ‘Sir, leave it for this year also, and I shall cultivate the ground around it and fertilize it; it may bear fruit in the future. If not you can cut it down.’”
————
According to Erik Erikson, a world renowned psychoanalyst, a person has 8 stages of psychosocial development, each with a conflict to be resolved. Stage 7: Generativity vs. Stagnation from 40 to 65 years of age, is when adults focus on creating or nurturing things that will have a positive impact on the world or family. Stage 8: Integrity vs. Despair from 65 years of age until death, is when older adults reflect on their lives and may feel either a sense of fulfillment or regret.
Imagine, if at Stage 7, we have not created or nurtured things that will have a positive impact on the world or family, when we reach Stage 8, what would we be reflecting on? We will most likely have the sense of regret. We are no longer in a position to go back and make amends because the opportunity is no longer there, what with aging and everything that goes with it. It is not surprising that there are those of us who are not happy as we age. “I wish I …” will become our mantra.
When we go through life WASTING AWAY the graces and blessings we receive from God each day, through self indulgence rather than contributing to the propagation of goodness in this world, we are like the fig tree in today’s reading – exhausting the soil and fit to be cut down!
Lord, may our life always be a pleasing offering of love for you and everything you created!
Gospel Reading for October 24, 2025 – Luke 12: 54-59
INFLEXIBILITY
Jesus said to the crowds, “When you see a cloud rising in the west you say immediately that it is going to rain–and so it does; and when you notice that the wind is blowing from the south you say that it is going to be hot–and so it is.
You hypocrites! You know how to interpret the appearance of the earth and the sky; why do you not know how to interpret the present time? “Why do you not judge for yourselves what is right?
If you are to go with your opponent before a magistrate, make an effort to settle the matter on the way; otherwise your opponent will turn you over to the judge, and the judge hand you over to the constable, and the constable throw you into prison. I say to you, you will not be released until you have paid the last penny.”
————
A lot of us have a certain kind of INFLEXIBILITY. We are not willing to believe or try anything unless it is tried and tested. This is why manufacturers of products spend a lot on advertisments. You will even be surprised that some sellers who advertise on Facebook will pay you to just “like” or give a good review of their product .
INFLEXIBILITY cannot be helpful when it comes to Spirituality because in the spiritual realm, or when we relate to God, there is no fixed way of talking and listening to him. It is unlike a product that is easy to grasp and is predictable. With God, we need to look beyond what we see in front of us. We need to look with deep faith at events that happen to us everyday so we may be able to interpret signs from God. The deeper our faith and trust in God, the easier it will be to interpret signs from him.
Lord, we thank you for signs that tell us how much you love us every moment of our lives!
Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 24 October 2025
Friday in Twenty-Ninth Week of Ordinary Time, Year I
Romans 7:18-25 <*((((>< + ><))))*> Luke 12:54-59
Lord Jesus Christ,
today I join St. Paul
in his cry,
“Miserable one
that I am!"
for deep in my heart
I am your slave
O Lord,
of righteousness,
of what is good
but what I do
and follow is sin
like your warning
in the gospel,
"the spirit is willing
but the flesh is weak".
So, then, I discover the principle that when I want to do right, evil is at hand. For I take delight in the law of God, in my inner self, but I see in my members another principle at war with the law of my mind, taking me captive to the law of sin that dwells in my members (Romans 7:21-23).
Not only every day
but so many times each day
I experience this inner clash
within me, sometimes good prevails
and there are times sin prevails.
How I wish I could sit
with St. Paul to discuss this
as I imagine his own agony
in fighting sin and evil desires
within; how reassuring
and inspiring to learn
how everyone goes through
this internal warfare.
Like St. Paul,
may I have the courage
to recognize and embrace,
accept and own this internal
strife between good and evil;
reconcile me, dear Jesus
in you who dwells within me;
let me recognize and
read your signs of presence,
of salvation,
of integration
within me and through
my community so that
in the end,
like St. Paul I may
declare, "It is no longer
I who live, but Christ
who lives in me"
(Galatians 2:20).
Amen.