Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 31,556 total views

Homily June 9, 2024
10th Sunday of Ordinary Time Cycle B
Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35

Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May ilan na dumadating dahil may problema silang isinasangguni kay Jesus. Narinig natin ngayon na dumating din ang ina at mga kamag-anak ni Jesus dahil sa nababahala sila sa mga balita na nakararating sa kanila. Hindi na raw nakapapahinga si Jesus at hindi nga siya makakain dahil sa mga tao. Baka naman nasiraan na siya ng bait dahil sa hindi napapangalagaan ang sarili. Concerned sila sa kanya.

May ilan ding dumating na galing pa sa Jerusalem. Sila ay mga eskriba, mga experts sa mga Batas at mga Kasulatan. Marahil sila ay pinadala ng mga religious leaders mula sa Jerusalem upang imbistigahan si Jesus. Nasaksihan nila na nakapagpapagaling siya at nakapapalayas ng demonyo. Hindi nila ito maitatatwa. Dahil sa hindi nila matanggap si Jesus ay pinadala ng Diyos, ang interpretasyon na ibinigay nila ay: Nakapapalayas siya ng demonyo kasi siya mismo ay inaalihan ni Beelzebul, ang prinsipe ng mga demonyo. Kumalat ang ganitong akusasyon laban kay Jesus kaya kailangan magpaliwanag siya sa mga tao.

Kung si Satanas ay nagpapalayas kay Satanas, di ibig sabihin nag-aaway-away na ang mga demonyo. Kung nag-aaway-away na sila, di nanghihina na sila at pabagsak na ang kanilang kaharian. Pero hindi ganyan ang nararanasan ng mga tao. Malakas pa rin ang kasamaan. Kaya bakit nakakapalayas si Jesus ng demonyo? Kasi siya ay mas malakas kaysa demonyo. Walang laban sa kanya ang kasamaan.
Tinupad ni Jesus ang pangako ng Diyos noong unang magkasala ang tao noong panahon ng ating unang mga magulang. Nalaman ng Diyos na sumuway ang tao sa kanya kasi nagtatago na siya sa Diyos. Lumalayo na ang tao sa kanya, ayaw nang makisama sa kanya. Noon, magkasama-sama pa silang namamasyal sa jarden ng paraiso. Ngayon nahihiya na siyang lumapit sa Diyos kasi hubad siya. Noong tinanong siya ng Diyos kung sumuway siya sa kanyang utos, hindi niya masabi na ganoon nga. Sa halip sinisi niya ang babaeng ginawa ng Diyos na maging partner niya. Noong tinanong naman ng Diyos ang babae, sinisi naman nito ang ahas. Dito nakikita natin ang resulta ng kasalanan: nahihiya na tayo sa Diyos, ayaw na nating lumapit sa kanya, at dumadating din ang sisihan.
Ang bawat kasalanan ay nagdadala din ng masamang resulta. Ito na ang parusa ng kasalanan. Ang parusa ay ang pag-aaway ng babae at ng ahas, at ang pag-aaway ng kanilang mga binhi. Sa bandang huli masasaktan ang sakong ng binhi ng babae pero dudurugin naman nito ang ulo ng ahas. Pagdating ni Jesus, dahil sa kanyang kapangyarihan na mas malakas kaysa kapangyarihan ng demonyo, nakakapalayas siya ng mga demonyo. Ito na ang Magandang Balita; nandito na ang paghahari ng Diyos. Magwawakas na ang kaharian ng kasamaan.

Ano ang kasalanan na laban sa Espiritu Santo na walang kapatawan na binanggit ni Jesus? Ito ay ang kasalanan ng pagtanggi sa Magandang Balita. Kaya ng Diyos na patawarin ang lahat ng kasalanan. Pero hindi namimilit ang Diyos. Mapapatawad lang ang handang tumanggap ng patawad. Ang ayaw kumilala na nandito na ang Diyos at kumikilos na ang Espiritu Santo ay hindi mapapatawad kasi sinasarhan na nila ang kanilang sarili sa Magandang Balita. Sa halip na kilalanin na nandito na ang Magandang Balita, na natatalo na ang kasamaan, tinatawag pa nila si Jesus na siya mismo daw ang demonyo. Paano mapapatawad ang ganyang tao? Pero may mga taong ganyan, na binabalewala si Jesus at hindi naniniwala sa kaligtasan na dala niya. Hindi nila kinikilala na makasalanan sila. Hindi sila humihingi ng kapatawaran. Paano sila mapapatawad?

Talagang generous si Jesus. Hindi lang siya nagbibigay ng kapatawaran, inuugnay pa niya tayo sa kanyang buhay. Hindi na iba ang tingin niya sa mga taong nakikinig sa kanya at sumusunod sa kanyang salita. Tinuturing pa niya silang kapamilya niya, na kanyang ina at mga kapatid. Ang kaugnayan kay Jesus ay hindi lang iyong kaugnayan na nanggaling sa dugo, na kadugo siya. Ang umuugnay sa atin kay Jesus ay ang Salita ng Diyos, ang kalooban ng Ama. Kung ito ay tinatanggap natin at isinasabuhay natin, nagiging kamag-anak tayo ni Jesus.

Si Maria ay talagang malapit kay Jesus. Siya ang nagsilang sa kanya. Mula sa kanyang laman ay nagkaroon si Jesus ng laman. Kinuha ni Jesus ang kanyang pagkatao kay Maria. Pero ipinaglihi ni Maria si Jesus dahil sa tinanggap niya ang kalooban ng Diyos sa kanya sa pamamagitan ng balita ng archangel Gabriel. Sinabi niya: “Mangyari sa akin ayon sa iyong sinabi.” Tinanggap ni Maria ang Salita ng Diyos sa kanyang isip at sa kanyang puso kaya ang Salita ng Diyos ay nagkaroon ng laman sa kanyang sinapupunan. Kaya nga wala ng taong mas malapit kay Jesus kaysa kay Mama Mary. Ina siya ni Jesus sa laman at Ina siya ni Jesus kasi tinanggap niya at namumuhay siya ayon sa kalooban ng Diyos.

Maraming Magandang Balita ang ating napakinggan ngayon. Magandang Balita: natalo na si Satanas. Dinurog na ang kanyang ulo. Magandang Balita: mas malakas si Jesus kaysa anumang kasamaan. Siya ang dumurog sa ulo ni Satanas. Pinapalayas niya ang mga demonyo. Kaya kung kakampi na natin si Jesus hindi tayo matatalo ng kasamaan. Kaya kahit na nababalitan natin na laganap ang kasamaan – mga digmaan sa Ukraine at sa Gaza, mga espiyang Chinese sa Bamban at sa Cavite, mga nagtataasang bilihin – malalampasan natin ang mga ito. Hindi magwawagi ang kasamaan. Magandang Balita: maaari tayong magkaroon ng mahigpit na kaugnayan kay Jesus, mas mahigpit pa kaysa maging kamag-anak niya sa laman. Ito ay sa pamamagitan ng pakikinig, pagtanggap at pagsasabuhay ng kalooban ng Diyos. Basta gawin natin ang gusto ng Diyos, nagiging kamag-anak natin si Jesus. Hindi niya pababayaan ang nabibilang sa kanya!

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 32,238 total views

 32,238 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 38,462 total views

 38,462 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 47,155 total views

 47,155 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 61,923 total views

 61,923 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 69,043 total views

 69,043 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 2,167 total views

 2,167 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 3,477 total views

 3,477 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 6,207 total views

 6,207 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 7,392 total views

 7,392 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 8,872 total views

 8,872 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 11,283 total views

 11,283 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 14,568 total views

 14,568 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 17,002 total views

 17,002 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 18,862 total views

 18,862 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 21,172 total views

 21,172 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 27,299 total views

 27,299 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 25,428 total views

 25,428 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 27,711 total views

 27,711 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 30,617 total views

 30,617 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 29,763 total views

 29,763 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top