Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 446 total reads

23rd Sunday in Ordinary Time Cycle A
Ez 33:7-7 Rom 13:8-10 Mt 18:14-20

Huwag kayong magkaroon ng anumang utang kanino man liban sa utang na tayo’y magmahalan.

Iyan ang sinulat ni San Pablo. Ang utang ay isang sagutin. Iyan ay dapat bayaran. Huwag dapat tayo magkaroon ng anumang utang para wala tayong babayaran. Pero may isang sagutin na dapat natin palaging bayaran – iyan ay ang magmahal. Ang ibig sabihin nito na ang pagmamahal ay isang obligasyon na dapat gampanan, ito ay parang isang utang na dapat bayaran. Tandaan natin na ang pinakautos sa atin bilang mga Kristiyano ay: Mahalin mo ang Diyos nang higit sa lahat at mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili. Kung hindi natin ginagawa ito, may pagkukulang tayo; may kasalanan tayo. Dapat nating punan ang ating pagkukulang!

Oo, dapat nating mahalin ang Diyos sapagkat tayo ay galing sa kanya at minahal niya tayo ng buong-buo. Ganoon na lang ang pag-ibig niya sa atin na ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang anak para sa atin. Ganoon na lang ang pag-ibig ng Anak ng Diyos sa atin na namatay siya para sa atin. Kaya hindi ba nararapat man lamang na mahalin natin siya nang higit sa lahat?

May obligasyon din tayo na mahalin ang ating kapwa, pati na nga ang ating kaaway. Ito ay ang utos ni Jesus. Kung hindi natin sinusunod ang utos ni Jesus, hindi natin siya mahal. Sinabi ni Jesus na makikilala tayo na mga alagad niya sa ating pagmamahal sa bawat isa.

Hindi natin madaling maintindihan ang pag-ibig bilang isang obligasyon o bilang utos kasi sa kaisipan ng marami ang pag-ibig ay nakasalalay lamang sa damdamin. It is all in the feeling. At hindi natin nauutusan ang feeling. Nadadala lang tayo ng damdamin. Basta na lang ito dumadating. Oo, may feeling nga sa pagmamahal pero hindi ito ang pinaka-elemento o pinakamahalagang bahagi ng pagmamahal. Alam naman natin na ang feeling ay hindi tumatagal. Hindi ito maaaring maging basehan ng ating buhay at ng ating pangmatagalang relasyon. Hindi permanente ang feeling. Hindi ito maaasahan. May isa akong pinsan na nabulagan dahil sa pag-ibig. Sinuway niya ang kanyang nanay. Hindi siya nakapagtapos ng kanyang pag-aaral. Nagpakasal sa lalaki na wala namang maayos na ugali. Hindi nga nagtagal ang kanilang pagsasama. Naghiwalay din sila. Natanim sa isip ko ang ipinagtapat niya sa akin: kung noon, ganoon ko siya minahal na iniwan ko ang lahat alang-alang sa kanya, ngayon ganyaan na lang ang pagkamuhi ko sa kanya na ayaw ko manlang siyang makatabi. Hindi maaasahan ang pag-ibig na nasa damdamin lang bilang basehan ng ating relasyon.

Ang pagmamahal ay hindi isang damdamin lang. Ito ay isang desisyon. Ito ay nanggagaling sa ating kalooban. Ginugusto nating umibig, kaya ang magmahal ay maaaring iutos, kasi magagawa natin ito kung kailan at kung kanino natin ito ibibigay. Dinidisisyunan ko na hindi ako magagalit sa kanya, na pagbibigyan ko siya, na tutulungan ko siya, na papatawarin ko siya. Ito ay nadidisisyunan. At ito ay pag-ibig! Kaya nga kailangan ng control sa sarili para magmahal nang tunay. Kailangan ng sapat na maturity para umibig.

Sinulat ni San Pablo: “Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya’t ang pag-ibig ay ang kabuuan ng kautusan.” Kung umiibig tayo, ginagawa na natin ang mga kautusan ng Diyos. Hindi tayo gumagawa ng masama, bagkus gumagawa pa tayo ng mabuti sa iba. Kaya ang umiibig ay hindi nagsisinungaling. Hindi niya ninanakawan ang kanyang minamahal. Hindi niya ito sinisiraan. Ginagalang niya ito. Hindi ba iyan ang mga utos ng Diyos?

Kasama ng pagmamahal sa kapwa ay ang pagtulong sa kanya na hindi siya mapasama. May maraming bagay sa buhay natin na alam natin, pero may mga bagay din sa ating buhay na hindi natin alam pero nakikita ng iba. Nakikita ng iba na may muta tayo pero hindi natin ito nakikita. Alam ng iba na may bad breath tayo pero madalas hindi natin ito nalalaman. Nararanasan ng iba na may ugali tayo na magaspang sa ating pagkilos o sa ating pananalita pero maaaring para sa atin natural na lang ito, pero nakaka-offend na pala tayo sa iba. Kaya kung talagang concerned tayo sa ating kapwa, sasabihin natin sa kanya na may muta siya, na may bad breath siya, o nakakasakit ang kanyang pananalita. Kaya bahagi ng pagmamahal ay magbigay ng warning o magtuwid sa kapwa.

Iyan ang ibig sabihin ni propeta Ezekiel ng bantay. Noong panahon ng Lumang Tipan, ang mga lunsod ay pinapaikutan ng muog upang maligtas mula sa mga kaaway. Mayroon silang mataas na tore sa muog kung saan nakatayo ang bantay at nagmamasid sa kapaligiran. Kung may nakita siyang kaaway sa dumadating, hinihipan niya ang kanyang trumpeta. Kapag narinig ng mga nasa paligid ang tunog ng trumpeta, magsisitakbuhan sila papasok sa lunsod at sasarhan ang pintuan. Hindi na sila mahuhuli ng mga kaaway. Ligtas na sila. Ang hindi kumilos ay mahuhuli ng kaaway at ginagawang alipin.
Ang propeta ay ang bantay ng kanyang bayan. May mga pinararating ang Diyos bilang babala sa mga tao. Dapat sabihin ito ng propeta sa mga tao upang sila ay magbago at hindi mapahamak. Kung hindi niya sasabihin sa kanila, ang mga tao ay mamamatay dahil sa kanilang pagsuway o pagpapabaya, pero ang propeta rin ay mananagot sa kanilang pagkapahamak. Siya rin ay paparusahan. Pero kung nagbigay ang propeta ng warning at hindi nakinig ang pinagsabihan, paparusahan ang nagkasala dahil sa kanyang kasamaan pero ang propeta ay maliligtas. Hindi siya parurusahan kasi nagbigay siya ng nararapat na babala.

Tayong lahat, ang bawat isa sa atin ay may tungkulin ng isang bantay. Kung may gumagawa ng masama, lalo na kung masama laban sa atin, dahil sa ating pagmamahal sa kapwa, may tungkulin tayong ipaalam sa kanya ang kanyang pagkakamali. Baka naman hindi niya namamalayan ang kanyang kasamaan. Hindi natin alam, sa ating pagtawag ng kanyang pansin, baka magbago na siya. Pero kung ayaw maniwala sa iyo, magsama ka ng isa o dalawa na makapagpapatotoo sa sinabi mo. Kung ayaw pa ring maniwala, sabihin na sa buong kapulungan. Kung ayaw pa rin magbago, ituring na siyang hindi ninyo kasama. Idedma mo na. May proseso na dapat nating sundin.

Nakakalungkot na iba ang kaugalian nating mga Pilipino. Kapag gumagawa ng masama ang isang tao, ayaw nating sabihin ito sa kanya, siguro nahihiya o natatakot tayo. Kaya sinasabi natin sa iba. Kaya pinag-uusapan na siya ng mga tao at hindi niya alam kung bakit. Kung hindi man, imarites sa iba, o kaya umiiwas na lang tayo sa kanya at dinededma natin siya. Kaya nagtataka siya bakit iniiwasan na siya ng mga kasama. Wala tayong lakas ng loob na konprontahin siya, na sabihin sa kanya nang derechahan kung ano ba ang napapansin natin. O minsan pa, kinukonsinte na lang natin siya sa kanyang kamalian.

Madalas namin ito maranasan bilang mga pari o leader ng simbahan. Dahil sa mataas ang tingin o paggalang sa mga pari, walang tumutuwid sa amin. Kung masakit si Father magsalita sa sermon o kung hindi naghahanda si Father ng sermon, walang nagsasabi sa kanya. Umiiwas na lang tayo. Hindi na tayo nagsisimba. O pinag-uusapan na lang natin siya. O basta na lang nagagalit sa kanya. Pero kung tayong lahat ay nagiging bantay sa bawat isa, nagbibigay tayo ng comments, pinapaabot natin ang ating obserbasyon. Sa ganoong paraan, nakakatulong tayo na mag-improve ang bawat isa at mas maging mabubuti sa ating mga gawain. Iyan ang sagutin ng taong nagmamahal. Ibig niyang maging maayos ang kanyang kapwa. Huwag tayong manahimik sa harap ng kasamaan o pagkakamali. Makiisa tayo sa pagtanggal ng kasamaan. Pagsabihan natin at ituwid ang nagkakamali o gumagawa ng masama. Ginagawa natin ito dahil mahal natin siya!

Ngayong buwan ng September ay Month of Creation. Ito ay pagkakataon ng pagpapahalaga sa ating Inang kalikasayan. Magpasalamat tayo sa Diyos sa magandang kalikasan na binigay sa atin, lalo na dito sa Palawan. Pangalagaan din natin ito. Huwag natin itong hayaang masira sa ngalan daw ng kaunlaran. Ang kaunlaran na isinusulong nila, tulad ng pagmimina, o pagtatayo ng mga buildings sa tabi ng dagat, o pagqua-quarry ng mga ilog, o pagtitibag ng bundok para sa mga resorts, ay kaunlaran lamang nila, at hindi ng mga tao kasi mapapasama ang marami sa pagkasira ng kalikasan. Huwag tayong magwalang kibo. Maging bantay tayo at ibunyag natin ang warning sa mga masasamang balak na ito. Ang kalikasan ay para sa lahat at hindi lang para sa iilan na may pera at may connection. May tungkulin tayo na pangalagaan ang kalikasan. Lahat tayo ay bantay dagat at bantay gubat. Bantay tayo para sa Inang Kalikasan!

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 42,313 total reads

 42,313 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 196,315 total reads

 196,315 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 230,988 total reads

 230,988 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 246,888 total reads

 246,888 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 283,376 total reads

 283,376 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 290,287 total reads

 290,287 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily August 30, 2026

 11,867 total reads

 11,867 total reads 22nd Sunday in Ordinary Time Cycle A Jer 20:7-9 Rom 12:1-2 Mt 16:21-27 Sinabi si San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Huwag kayong

Read More »

Homily August 23, 2026

 14,813 total reads

 14,813 total reads 21st Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 22:19-23 Rom 11:33-36 Mt 16:13-20 Nauuso ngayon ang paggawa ng mga survey upang malaman ang

Read More »

Homily August 16, 2026

 21,079 total reads

 21,079 total reads 20th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 56:1.6-7 Rom 11:13-15.29-32 Mt 15:21-28 Noong kapanahunan ng Lumang Tipan, ang mga Hudyo ay mapangmata

Read More »

Homily August 9, 2026

 29,321 total reads

 29,321 total reads 19th Sunday in Ordinary Time Cycle A 1 Kgs 19:9.11-13 Rom 9:1-5 Mt 14:22-33 Siguro naman gusto nating makipagtagpo sa Diyos? Siyempre Oo,

Read More »
Scroll to Top