Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 729 total reads

Isa sa matitinding suliranin ng maraming mga bansa ngayon ay ang isyu ng katiyakan sa pagkain o food security. Sa buong mundo, maraming bansa ang humahanap ng paraan upang ito ay maresolba, dahil kung hindi, maaari itong magdulot ng gutom sa maraming mamamayan sa mga  mga mahihirap na bansa. Maski ang Pilipinas ay maaaring maapektuhan nito.

Ayon sa isang pag-aaral ng World Bank, isa sa mga dahilan ng food insecurity ay ang domestic food price inflation. Mataas pa rin kasi ang antas nito sa buong mundo. Ayon sa mga datos nito noong January 2023 at April 2023, mataas pa sa 5% ang inflation sa karamihan sa mga low at middle income countries samantalang sa mga upper middle income countries, umaabot pa ng double digits ang antas ng inflation. Ang mga  bansang pinaka-naapektuhan ng mataas na inflation ay nasa Africa, North America, Latin America, South Asia, Europe, at Central Asia.

Dito sa ating bansa, batay sa pagsusuri ng World Food Programme (WFP), isa sa sampung pamilya sa ating bansa ay food insecure. Tatlong rehiyon sa ating bansa ang maituturing na pinaka food insecure sa bansa – ito ay ang BARMM, Region VIII, and XII, na tatlo sa pinakamahirap na rehiyon sa ating bayan. Ang BARMM, kapanalig, umaabot pa ng 30% ang antas ng food insecurity.

Para matugunan ang isyu ng kawalan ng katiyakan sa pagkain, maraming pamilyang Filipino apektado nito ay gumagawa ng kanya-kanyang diskarte. Marami sa kanila, utang ang unang panangga laban dito. Manghihiram sila sa mga kapamilya, kaibigan, at kakilala para may pambili ng pagkain. Marami ring mga pamilya, tinitipid ang pagkain para lamang magkaroon ng laman ang tiyan. Halimbawa, sinaing lang ay sumasapat na para sa kanila, sabayan na lang ng konting toyo o asin, para magkalasa. Sa mahal kasi ng bilihin at sa dami ng kailangang bayarin, nagkakasya na lamang sila dito.

Kapanalig, kailangan matugunan na ang isyu ng food security sa lalong madaling panahon. Ang gutom, kapanalig, ay malaki ang epekto sa buhay ng tao, pati na rin sa kinabukasan ng pamilya, komunidad, at bayan. Kailangan natin lagi maalala na ang walang katiyakan sa pagkain at ang kalusugan ng bayan ay magkatuwang. At kapag kalusugan ang usapan, hindi lamang dapat laman -tyan ang kayang ibigay ng lipunan sa mga naghihirap nitong mga pamilya. Kailangan maitaas din natin ang nutritional value ng pagkain.

Kapanalig, hindi lamang lip service ang ating tugon sa isyu ng katiyakan sa pagkain. Kailangan natin ng aksyon, gaya ng pagprayoridad sa mga mahihirap na rehiyon sa bansa kung saan mataas ang antas ng gutom, kahirapan, at kawalan ng trabaho. Ang pag-prayoridad sa mga pinakamahirap ay dapat natural sa atin dahil tayo ay mga katuwang ng Diyos sa pagpapalaganap ng pagmamahal sa ating mundo. Bilang Katoliko, tayo ay tinatawag na magmamahal ng ating kapwa, lalo na silang pinakamahina sa ating lipunan. Ayon nga sa Justicia in Mundo, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan, tayo ay tinatawag na ibahagi ang presenysa ng Diyos at Simbahan sa pamamagitan ng pagmamahal sa maralita, api, at nanaghoy.

Sumainyo ang Katotohanan.

Tao, dapat pangalagaan ng simbahan at hindi AI

 427 total reads

 427 total reads Nagbabala ang isang pari na maaaring maging mas “artipisyal” ang tao kaysa sa artificial intelligence kung hindi mapangangalagaan ang kanyang pagkakakilanlan, dignidad at

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 100,975 total reads

 100,975 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 135,652 total reads

 135,652 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 159,141 total reads

 159,141 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 195,627 total reads

 195,627 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 207,493 total reads

 207,493 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 100,976 total reads

 100,976 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 135,653 total reads

 135,653 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 159,142 total reads

 159,142 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 195,628 total reads

 195,628 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top