265 total views
Hinamon ng isang Obispo ang mga kandidato na maging tapat at iwasan na ang pambobola sa pangangampanya.
Ayon kay Iligan Bishop Elenito Galido, kung talagang may sinseridad ang mga kandidato para sa kapakanan ng bayan dapat lamang maging tapat sila sa kanilang kakayahan.
Inihayag si Bishop Galido na magkakaroon lamang ang bansa ng isang makatotohanan at mapayapang halalan kung magiging tapat lamang ang mga kandidato.
“Iyong ating mga candidates maraming mga sinasabi at maraming kabutihan na kailangang ipahayag, walang masama na gusto nila magawa pero ang importante that should be seen on their works. Words can be deceptive and we asked for their sincerity really, the sincerity to serve the people and the nation,” pahayag ni Bishop Galido sa Radio Veritas
Nanawagan naman si Bishop Galido sa mga botante na maging tapat din sa pagboto at huwag ibenta ang kanilang boto sa sinumang kandidato.
“Pinaalala ko ngayon sa mga voters kailangan talagang you have really to design and be honest in electing the right person, the right person with human and Christian values. Ipinapaalala ko palagi vote buying my vote is not for sale, your vote is not for sale at tsaka yung paggamit ng violence at armas sa mga partidong lumalahok sa election”.paalala ng Obispo
Inihayag din ni Bishop Galido na sa kabila na pagiging election hotspot ng Lanao del Norte ay nanatiling maayos at tahimik pa rin ang pangangampaya sa lalawigan.
Nabatid na mula sa 286-na mga lungsod na itinuturing na election hotspot ng Philippine National Police, 47-bayan at 7-siyudad ay nasa Mindanao.