BAGSAK ANG MAHIHIRAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 376,211 total reads

Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado?

Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo sa world market… tinatayang 1.34-milyong Pilipino ang lalong masasadlak sa kahirapan. Ito ay base sa kasalukuyang simulation ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) sa kasalukuyang presyo ng lokal na mga produktong petrolyo.

Sinasabi ng PIDS, kapag umabot sa 145-dollar kada bariles ang halaga ng langis., 3.5-milyong Pilipino ang magugutom.

Kapag patuloy pa sa pagtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo, tataas ang antas ng kahirapan sa 15.3-percent hanggang 16.3-porsiyento.

Dahil sa sobrang taas ng halaga ng mga produktong petrolyo… 16.2-percent ng mahihirap na pamilyang Pilipino ay nawalan ng “purchasing power” kumpara sa mayayaman na 3.4-percent lamang.

Kapanalig, sa kasalukuyang oil crisis… kahit ang mga Pilipinong walang sasakyan ay apektado. Kapag tumaas ang presyo ng langis., taas ang presyo ng bigas, karne,gulay,isda.., lahat ng pangunahing bilihin.

Wala nang mura ngayon., ang 50-pesos mo, hindi na makakabili ng isang kilong bigas, kahit 1-fourth ng isang kilong pikamurang isda. Ang mahihirap ang pinaka-apektado, ang mahihirap lalo pang humihirap. Sinasabi ng PIDS ang mga Pilipinong malapit sa poverty line., sila ang babagsak!

Ang pinaka-apektado sa kasalukuyan ay ang mga Pilipinong nasa kanayunan na nakadepende ang kabuhayan sa pagsasaka, tulad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Visayas, Bicol region at Mindanao.

Ano ang gagawin ng gobyerno Kapanalig? Sa kasalukuyan, alam na ng pamahalaan ang 6.5-milyong vulnerable households tulad ng minimum wage earners, person with disabilities, mga driver na nararapat bigyan ng social protection.

Ang malaking problema sa hinaharap, kung tuluyang malugmok sa kahirapan ang sinasabing vulnerable groups, lalu silang mahihirapang makabangon.

Kapanalig, sinasabi ng EXODUS “22:20-26”- You shall not oppress the poor or vulnerable. God will hear their cry.

Iginiit ni St. John Paul II sa ika-100 taong anibersaryo ng Centesimus Amus: “Love for others, and in the first place love for the poor, in whom the Church sees Christ himself, is made concrete in the promotion of justice.”

Kapanalig, sa kasalukuyan… kulang pa ang ginagawang “social intervention” ng administrasyon ni PBBM upang tugunan., sagipin ang mga mahihirap na Pilipino sa “shockwave” na dulot ng oil price crisis.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 6,987 total reads

 6,987 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 79,774 total reads

 79,774 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 166,273 total reads

 166,273 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 209,308 total reads

 209,308 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 258,724 total reads

 258,724 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 6,989 total reads

 6,989 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 79,776 total reads

 79,776 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 166,275 total reads

 166,275 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 209,310 total reads

 209,310 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »
Scroll to Top