317 total views

Homiliya Para sa Linggo ng Corpus Christi, ika-11 ng Hunyo 2023, Jn 6:51-58

Minsan, umattend ako ng house blessing. Humingi ng permission ang pamilya sa bishop na magmisa sa bahay para makasimba ang mga kapamilya nilang maysakit at bedridden. Ang parish priest ang nagmisa, sa reception ako inimbita. E dahil napaaga nang kaunti ang dating ko, inabot ko pa ang Misa sa bahagi ng “Ama Namin”.

Ang pinagdausan ng Misa ay ang sala ng bahay, pero langhap na langhap na ang mga bagong lutong putahe na sinisimulan nang i-serve sa mesa. Ipinwesto pa naman ang altar sa direksyon na malapit sa buffet table. Nakatutok ang pari sa Misa pero nakaharap ang mga tao sa Mesa. Habang nagkokomunyon, natatanaw ng mga tao ang masasarap na pagkain. Nakakagutom.

Pagkatapos ng post-communion prayer nag-anointing of the sick pa ang pari kaya medyo na-delay pa nang konti. Pagkatapos niyang magbigay ng final blessing, ang sabi ng pari: “Tapos na ang Misa, tayo na sa mesa!” Ay ang lakas ng sagot ng mga nagsimba: “SALAMAT SA DIYOS!”; may kasama pang palakpakan.

Sa araw na ito ng pyestang Corpus Christi, pagnilayan natin ang kaugnayan ng Misa sa Mesa. Sa sulat ni San Pablo sa chapter 11 ng 1 Corinthians, ang tawag sa Misa ay “Paggunita sa Huling Hapunan.” Nakapaloob pa pala ito noong una sa regular na hapunan o kainan. Sa verses 20-21, malalaman natin kung paano ito nahiwalay. Sabi ni San Pablo, “Kapag nagtitipon kayo upang ipagdiwang ang Banal na Hapunan, hindi tama ang ginagawa ninyo, dahil kapag oras na ng kainan hindi kayo naghihintayan, kaya ang ibaʼy busog at lasing na, at ang iba namaʼy gutom.”

Sabi pa niya sa v. 22, “Wala ba kayong sariling bahay upang doon kumain at uminom? Sa ginagawa ninyoʼy nilalait ninyo ang pagtitipon ng Dios at hinihiya ang mga mahihirap. Hindi kapuri-puri ang ganyan.” Ayun, mula noon nahiwalay na ang paggunita ng huling hapunan sa regular na hapunan.

Pero totoo namang ang buong Misa ay pagsasalo sa Mesa, di ba? Kaya nga sa loob ng mga simbahan natin, ang center of attraction ay ang altar at ambo, na tinatawag ni Pope Benedict na dalawang mesa ng Misa: ang Mesa ng Salita ng Diyos at ang Mesa ng Eukaristiya. Ang Liturgy of the Eucharist ay kasunod ng Liturgy of the Word—parang bang extension ng pagsasalo sa unang mesa—mula sa pagsasalo sa Salita ng Diyos, tungo sa pagsasalo sa Salitang ito na nagkatawang-tao kay HesuKristo, ang Anak ng Diyos na nag-alay ng sarili bilang pagkaing pantubos. Kapag tinatanggap natin siya, tayo at siya ay nagiging iisa. Nagiging kabahagi tayo ng “Katawan ni Kristo”—ang samahan ng mga alagad, at sa atin nagpapatuloy ang pagkakatawang-tao ng Diyos.

Tutukan muna natin ang MESA NG SALITA. Sa ating unang pagbasa, ito raw ang dahilan kung bakit ang ibinigay na pagkain ng Diyos sa Israel nang tawirin nila ang disyerto ay MANNA. Parang “survival food”, kumbaga, pantawid gutom. Kakainin mo kahit hindi masarap para lang malamnan ang tiyan. Kaya pala tinawag na “bread of affliction” o “tinapay ng pagdurusa” ang manna at may mga panahon na ayaw na nila itong kainin dahil namimiss na nila ang dating kinakain nila sa Ehipto.

Sa verse 3 ng binasa natin sa chapter 8 ng Book of Deuteronomy, sabi ni Moises, “Tinuruan kayong magtiis ng gutom at pagkatapos, binigyan niya kayo ng ‘manna’ – isang klase ng pagkain na hindi pa ninyo natitikman, maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon para ituro sa inyo na hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salita ng Panginoon.”

Ito ang background ng daily bread o “pagkaing pang-araw-araw” na hinihingi natin kapag dinarasal natin ang Ama Namin. Ang tinutukoy pala ay SALITA NG DIYOS bilang pantawid natin sa disyerto ng buhay dito sa mundo. At ito naman ang punto ng ating Gospel reading—ang naging batayan ng turo ng simbahang Katolika tungkol sa pangalawang Mesa: Mesa ng Eukaristiya.

Ang tinutukoy na “tinapay ng buhay” ay ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao kay Hesukristo. Siya ang ipinagkaloob sa daigdig bilang mannang pantawid, ang Salitang alok ng Diyos bilang “pagkaing nagbibigay ng buhay na walang hanggan”. Siya ang Tinapay ng buhay na bumaba, na higit pa daw sa mannang tinanggap ng Israel sa disyerto. Naitawid nga sila patungong Lupang Pangako, pero nangamatay pa rin sila. Ang tinutukoy na tinapay mula sa langit ay ang magtatawid sa atin patungo sa paghahari ng Diyos, sa buhay na walang hanggan.

Sa pamamagitan ng pagkakaloob niya ng sariling laman at dugo bilang kordero ng Paskwa, ang pagkaing pantawid, ibig niya na siya at tayo ay magkaisa. Kaya ang tawag natin sa pagtanggap natin sa Eukaristiya ay COMMUNION, pakikipagkaisang-puso at diwa kay Kristo. Upang maganap ito, siya ang naging kordero ng Diyos na nagsilbing pantubos sa kasalanan ng mundo.

Siya ang pumalit sa korderong kinatay at pinagsaluhan ng bayang Israel nang gabing iyon ng unang Paskwa, nang dumaan ang anghel ng kamatayan at naligtas ang mga Israelita dahil sa dugo ng kordero na ipinahud sa mga pintuan. Iyun ang naging hudyat ng kanilang pagtakas sa Ehipto at pagtawid sa mga balakid at agwat tulad ng dagat na pula at sa disyerto.

Sa bagong Paskwa ng Kordero ng Diyos ang pinaka-agwat o balakid na kailangang tawirin ng lahat ng tao ay ang kasalanan at kamatayan. At ang destinasyon na lupang pangako ay ang Kaharian ng Diyos. Ang pantawid ay walang iba kundi si Kristo mismo, ang buhay niya, ang katawan at dugo niya. Siya ang paring taga-alay, siya rin ang korderong iniaalay. Ang sinumang nakikipagkaisa sa kanyang ay dapat ring matutong makipagkaisa sa kapwa alagad—sa pag-aalay ng sarili, laman at dugo.

Sa pagtanggap natin kay Kristo, siya at tayo ay nagiging iisa. Sabi nga ni San Pablo sa ating 2nd reading: “Ang kalis ng pagpapala na atin ipinagpapasalamat, hindi ba ito pakikilahok sa dugo ni Kristo? At ang tinapay na ating pinagsasaluhan, hindi ba ito pakikilahok sa katawan ni Kristo?” Tayo ay nagiging bahagi ng buhay na katawan ni Kristo na nagpapatuloy sa kanyang gawain pagtubos sa mundo, pantawid ng sangkatauhan tungo sa buhay na walang-hanggan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 45,719 total views

 45,719 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 51,137 total views

 51,137 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 57,844 total views

 57,844 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 72,637 total views

 72,637 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 78,793 total views

 78,793 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AWAKENING

 903 total views

 903 total views Homily for Tuesday of the 6th Week of Easter, 07 May 2024, Jn 16:5-11 Pope Francis, in his dialogue with parish priests, told a story about a man who had a conversion experience and told the then archbishop how it happened and how he believed that he was being called by the Lord

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SINASAMBA KITA

 1,287 total views

 1,287 total views Homiliya para sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay, Ika-5 ng Mayo 2024, Juan 15:9-17 (Pista ng Mahal na Ina ng Grasya) Kagagaling namin sa Roma, sa International Synodal Consultation for Parish Priests. Ang huling araw ang pinakahinihintay ng mga pari—ang audience with the Holy Father. Habang nakapila kami, isa-isa kaming sinasabihan ng audience

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WALANG PINAPANIGAN?

 12,240 total views

 12,240 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23 Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya. Madalas pa ring mangyari ang ganyan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“TEN COMMITMENTS”

 11,072 total views

 11,072 total views Homily for Wed of the Third Week of Lent, 6 March 2024, Mt 5:17-19 May nakilala akong isang app developer. May binabalak daw siyang gawin na kakaibang app, idodonate daw niya sa Catholic Church if we are interested: “Online Confession App”. Gagawin daw niyang user-friendly. Automatic daw, magla-log-in lang ang penitent at may

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAY IT FORWARD

 11,058 total views

 11,058 total views Homily for Tuesday of the Third Week of Lent, Mt 18:21-35 Today’s Gospel reminds me of the old version of the Lord’s Prayer. I am referring in particular to that part in the prayer that says “And forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” The old version says,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOU ARE THE MAN!

 11,057 total views

 11,057 total views Homily for Friday of the 2nd Week of Lent, 1 March 2024, Mt 21:33-43, 45-46 Today’s Gospel reading reminds me of that story in the 2nd book of Samuel chapter 11 about the sin of David. Remember that passage about David having an affair with Bathsheba, the wife of his soldier Uriah? How

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BANGUNGOT

 11,060 total views

 11,060 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, 29 Pebrero 2024, Lukas 16:19-31 “Bangungot” ang tawag natin sa masamang panaginip. “Nightmare” sa English. Parang bangungot ang dating ng kuwento ng mayaman sa ebanghelyo. Sorry, wala siyang pangalan. Obvious ang “bias” ng awtor—ang may pangalan sa kuwento ay ang mahirap, ang busabos na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOUR WILL BE DONE

 11,062 total views

 11,062 total views Homily for Wednesday of the Second Week of Lent, 28 February 2024, Mt 20:17-28 The two disciples in today’s Gospel remind me of that dancing girl in the story of the beheading of John the Baptist. Remember that scene when the drunken governor of Gailee, Herod Antipas, after being so pleased with the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“Ang Pagbabagong-Anyo ng Bayang Filipino”

 11,065 total views

 11,065 total views Naisip na ba ninyo, kung hindi naganap ang EDSA PPR, ano na kaya ang nangyari sa ating bayan mula sa araw na iyon ng Feb 25, 1986? Kung walang mga milyong tao na pumagitna sa mga armadong puwersa ng gubyerno at puwersa ng mga nagrebelde, baka umagos nang husto ang dugo sa EDSA.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 14,373 total views

 14,373 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 14,365 total views

 14,365 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 14,366 total views

 14,366 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 14,330 total views

 14,330 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KAPANGYARIHAN NG SALITA

 22,906 total views

 22,906 total views Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39 Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 18,039 total views

 18,039 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top