Pagdamay sa mga manggagawa at tsuper, tiniyak ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,829 total reads

Tiniyak ng Simbahan ang patuloy nitong pakikiisa at pagdamay sa mga manggagawa at tsuper na humaharap sa mga pagsubok sa kanilang kabuhayan dulot ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo at suspension sa 85-pisong wage increase para sa mga minimum wage earners.

Ayon kay Radyo Veritas President Father Roy Bellen, sa kagyat na tulong na naibibigay sa mga nangangailangan, higit na mahalaga ang pagkakaisa, pagtutulungan at pagdamay sa kapwa.

Binigyang-diin ni Father Bellen na sa bawat pagsubok, mahalagang harapin ang bawat araw nang may tiwala sa awa at biyaya ng Diyos, dahil sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga tao at pagkalinga ng Diyos, sama-samang malalampasan ang anumang hamon.

“We might say, “Father mga ilang araw lang naman yan tulong mo. Ilang linggo nga even” pero, di matagal yan. Ang mahalaga po, we lived each day, one day at a time, with God’s grace and God’s Mercy. Sa huli po, we realise na yung grasya ng Diyos, tumutubo sa atin, yung tulungan, yung atin pong damayan and through all this, God will see us through. Sabi nga, ano mang pagsubok, pag meron pong tulungan ng tao at merong awa at grasya ng Diyos, ano mang bagay po, ating malalamanpasan, sama-sama,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas.s

Iginiit naman ni Father Noel Gatchalian, National Capital Region Chairman ng Church People Workers Solidarity o CWS, na mahalagang maging konkretong pagpapakita ng pananampalataya ang pagtulong sa mga manggagawa, partikular sa mga public utulity drivers na sapat lamang ang kinikita sa kabila ng malalaki nilang pananagutan sa pamilya.

Ayon kay Father Gatchalian, dapat higit na bigyang-pansin ang mga mahihirap, naaapi at higit na nangangailangan, sa halip na ituon lamang ang tulong sa mga taong kilala o may kapangyarihan dahil anitong paninindigan ay kaakibat ng aral ng Rerum Novarum ni Pope Leo XIII, na nagbibigay-diin sa dignidad ng paggawa at sa pananagutan ng lipunan na pangalagaan ang kapakanan at karapatan ng mga manggagawa, lalo na ng mga nasa mahirap na kalagayan.

” Ito nga po ang mga pagkakataong dapat natin silang tulungan. Sapagkat, alam naman natin na walang yumayaman na tsuper, na driver. Sapat lamang ang kanilang kinikita at napakalaki ng kanilang pananagutan. May anak, pamilya. Kaya nga itong pagkakataong ito na bilang simbahan, bilang mananampalataya sa Diyos, ipakita natin ang ating sampalayata sa pamamagitan ng pagtulong sa gawang konkreto. Ayan ang ating isakatuparan. Madalas, kagustuhan natin na tayo at tumulong sa mga kilala, sa mga may kapangyarihan ngunit ito ay higit sa lahat; sinabi nga ng Santo Papa, ang pangunahing pag hiling natin sa mga mahihirap, yan ang dapat nating tularan. Kung paano binibigyan ng pagpapahalaga ang mga naaapi, mga nahihirapan at may panganga ilangan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr. Gathalian.

Ito ang mensahe ng mga Pastol ng Simbahan sa ikalawang Krusada sa Pasada ng Radyo Veritas sa Hospicio de San Jose sa pakikipagtulungan ng Radyo Veritas, ASA Philippines, Church People Workers Solidarity at Daughters of Charity, Kabilang sa mga benepisyaryo ang 66 na jeepney drivers at 30 tricycle drivers, na nakatanggap ng tulong upang maibsan ang kanilang gastusin sa araw-araw na paghahanapbuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 49,285 total reads

 49,285 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,099 total reads

 146,099 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 190,368 total reads

 190,368 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 213,477 total reads

 213,477 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 286,469 total reads

 286,469 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 28,333 total reads

 28,333 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top