Pagpapalawak sa operasyon ng Semirara Mining, kinondena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 350 total views

Ikinababahala ng Alyansa Tigil Mina ang pag-amiyenda ng Department of Environment and Natural resources (DENR) sa Environmental Compliance Certificate (ECC) ng Semirara Mining and Power Corporation upang dagdagan pa ang kanilang produksyon.

Ayon kay Jaybee Garganera, national coordinator ng grupo, dapat tingnan ng ahensya ang kasalukuyang kalagayan ng lalawigan, kung saan labis ng nalugmok sa pagkasira ang kapaligiran.

Dagdag pa ni Garganera, sa pagpapatuloy at pagpapalawak ng operasyon ng pagmimina ay lalong matutuluyan ang pagkasira ng isla.

“Isang maling desisyon yan, kasi yung kasalukuyang operasyon ng Semirara Coal Mines ay risky na at nagdadala na ng malakihan at seryosong kasiraan doon sa isla, yung pag-approve ng dagdag na volume at dagdag na laki ng approve mining area ay magdadagdag lang ng kasiguruhan na masisira talaga yung isla.” Pahayag ni Garganera sa Radyo Veritas.

Taong 2013, una nang nagkaroon ng landslide sa minahan na kumitil ng buhay ng limang tao at sinundan pa ito ng pitong minerong nasawi, mula rin sa landslide noong ika-18 ng Hulyo 2015.

Samantala, ngayong Hunyo, naaprubahan ang pagpapalawak ng minahan mula sa 300 hectares na Molave Pit o West Panian ay magiging 400 hectares na ito, at ang dating 8.9 million cubic meters na reservoir capacity ay gagawing 10 million cubic meters.

Sa Laudato Si ni Pope Francis, mariin nitong kinokondena ang mga mapaminsalang industriya na nagdudulo ng pagkasira ng kalikasan at labis na paghihirap sa maliliiit na mga komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 60,403 total views

 60,403 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 82,513 total views

 82,513 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 158,392 total views

 158,392 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 158,003 total views

 158,003 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 202,117 total views

 202,117 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top