Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, HULYO 7, 2024

SHARE THE TRUTH

 41,043 total views

Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Ezekiel 2, 2-5
Salmo 122, 1-2a. 2bkd. 3-4

Mata nami’y nakatuon
sa awa ng Panginoon.

2 Corinto 12, 7-10
Marcos 6, 1-6

Fourteenth Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 2, 2-5

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Noong mga araw na iyon, nilukuban ako ng Espiritu at itinayo ako upang pakinggan ang isang tinig na nagsasabi: “Tao, susuguin kita sa Israel, sa bansang suwail. Pagkat mula sa kanilang ninuno, naghihimagsik na sila sa akin hanggang ngayon. Matigas ang kanilang ulo at walang pitagan. Kaya puntahan mo sila at sabihin mong ito ang ipinasasabi ng Panginoong Diyos. Sa makinig sila o sa hindi — pagkat matigas nga ang kanilang ulo — malalaman nilang may isang propeta sa gitna nila.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 122, 1-2a. 2bkd. 3-4

Mata nami’y nakatuon
sa awa ng Panginoon.

Ang aking pangmasid doon nakapukol,
sa luklukang trono mo, O Panginoon.
Tulad ko’y aliping ang inaasahan
ay ang amo niya para matulungan.

Mata nami’y nakatuon
sa awa ng Panginoon.

Kaya walang humpay ang aming tiwala,
hanggang ikaw, Poon, sa ami’y maawa.
Mahabag ka sana, kami’y kaawaan,
labis na ang hirap naming tinataglay.

Mata nami’y nakatuon
sa awa ng Panginoon.

Kami’y hinahamak ng mga mayaman,
matagal na kaming laging inuuyam
ng mapang-aliping palalo’t mayabang.

Mata nami’y nakatuon
sa awa ng Panginoon.

IKALAWANG PAGBASA
2 Corinto 12, 7-10

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, para hindi ko ipagyabang ang kamangha-manghang pahayag ng Diyos sa akin, ako’y binigyan ng isang kapansanan sa katawan na nagsisilbing pamalo ni Satanas upang huwag akong magpalalo. Tatlong beses kong idinalangin sa Panginoon na alisin ito, ngunit ganito ang kanyang sagot, “Ang tulong ko’y sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” Kaya’t buong galak na ipagmamapuri ko ang aking kahinaan upang palakasin ako ng kapangyarihan ni Kristo. Dahil kay Kristo, walang halaga sa akin kung ako ma’y mahina, kutyain, pahirapan, usigin, at magtiis. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako malakas.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Lucas 4, 18

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Kristo ay sinugo
upang sa dukha’y magturo,
magpalaya sa bilanggo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 6, 1-6

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, si Hesus ay nagtungo sa sariling bayan, kasama ang kanyang mga alagad. Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, nagturo siya sa sinagoga. Nagtaka ang maraming nakarinig sa kanya at nagtanong, “Saan niya nakuha ang lahat ng iyan? Anong karunungan itong ipinagkaloob sa kanya? Paano siya nakagagawa ng mga kababalaghan? Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago, Jose, Judas, at Simon? Dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba?” At siya’y ayaw nilang kilanlin. Kaya’t sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang propeta’y iginagalang ng lahat, liban lamang ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at mga kasambahay.” Hindi siya nakagawa ng anumang kababalaghan doon, maliban sa pagpapatong ng kanyang kamay sa ilang maysakit upang pagalingin ang mga ito. Nagtaka siya sapagkat hindi sila sumampalataya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Malinaw na palatandaan ng pagmamahal ng Diyos sa Kanyang bayan ang mga propeta. Kailangan natin sila ngayon tulad noong una. Ipanalangin natin ang lahat ng tinatawag sa ganitong uri ng paglilingkod sa ating panahon:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin!

Nawa’y ang Simbahang Katolika ay maging tapat, maging walang takot o pag-aalinlangan sa kanyang tungkulin bilang propeta sa daigdig. Manalangin tayo!

Nawa’y ang mensahe ng mga propeta noong araw ay maiangkop sa ating kalagayan ngayon at mapagbunga ng pagbabalik-loob at kabutihan. Manalangin tayo!

Nawa’y lumago ang tunay na propesiya sa Simbahan at kilalanin ng kanyang mga pinuno at mga mananampalataya. Manalangin tayo!

Nawa’y ang mga nahirang sa paglilingkod bilang propeta ngayon ay di mangamba sa hamon
sa kanilang misyon o sa banta ng pagtatakwil. Manalangin tayo!

Nawa’y ang mga nahirang sa paglilingkod bilang propeta ay mamuhay nang alinsunod sa mensaheng kanilang ipinangangaral. Manalangin tayo!

Nawa’y lahat ng tumatanggap ng Sakramento ng Pagpapahid ng Langis, kasama ng kanilang mga mahal sa buhay, ay makapagkamit ng kapangyarihan ng Panginoon at maging tanda nawa sila ng habag at pag-asa para sa lahat. Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, padalhan Mo kami ng marami at karapat-dapat na mga propeta para malinaw naming makilala ang Iyong kalooban at tupdin itong tapat sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.

Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Eat Healthy This Christmas 2024

 2,969 total views

 2,969 total views Ang panahon ng Adbiyento o Advent season ay panahon ng paghihintay, paghahanda at pasasalamat.. Kapanalig, inihahanda natin ang ating PUSO upang tanggapin ng may kagalakan ang panginoong Hesu Kristo na tumubos sa ating mga kasalanan. Pinakamahalaga sa Advent season ay ang pagkakaroon natin ng “spiritual nourishment” hindi ang kagalagakan na dulot ng mga

Read More »

Pagpapanagot kay VP Sara

 21,996 total views

 21,996 total views Mga Kapanalig, dalawang impeachment complaints na ang isinampa laban kay VP Sara Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang impeachment ay isang legal na proseso ng pagpapatalsik mula sa puwesto ng isang lingkod bayan. Bahagi ito ng checks and balances kung saan pinananagot ng lehislatura ang mga kapwa nila lingkod-bayan sa ehekutibo at

Read More »

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 17,352 total views

 17,352 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 26,062 total views

 26,062 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 34,821 total views

 34,821 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

𝐒𝐭. 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐞𝐬 𝐨𝐟 𝐑𝐨𝐦𝐞

 84,540 total views

 84,540 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐚𝐢𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐅𝐚𝐢𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟗 • 𝐒𝐭. 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐞𝐬 𝐨𝐟 𝐑𝐨𝐦𝐞 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 Saint Frances of Rome, you loved God with all your heart and served Him at every stage of your life. Please pray for me, that I may learn how to serve God within

Read More »

𝐒𝐭. 𝐉𝐨𝐡𝐧 𝐨𝐟 𝐆𝐨𝐝

 84,559 total views

 84,559 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐚𝐢𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐅𝐚𝐢𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟖 • 𝐒𝐭. 𝐉𝐨𝐡𝐧 𝐨𝐟 𝐆𝐨𝐝 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 𝘚𝘢𝘪𝘯𝘵 𝘑𝘰𝘩𝘯 𝘰𝘧 𝘎𝘰𝘥, 𝘺𝘰𝘶 𝘴𝘵𝘳𝘶𝘨𝘨𝘭𝘦𝘥 𝘪𝘯 𝘮𝘢𝘯𝘺 𝘸𝘢𝘺𝘴 𝘵𝘩𝘳𝘰𝘶𝘨𝘩𝘰𝘶𝘵 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘪𝘧𝘦. 𝘛𝘩𝘳𝘰𝘶𝘨𝘩 𝘪𝘵 𝘢𝘭𝘭, 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘨𝘢𝘷𝘦 𝘶𝘱 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘥𝘦𝘴𝘪𝘳𝘦 𝘵𝘰 𝘴𝘦𝘳𝘷𝘦 𝘎𝘰𝘥 𝘢𝘯𝘥 𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳𝘴. 𝘗𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘱𝘳𝘢𝘺 𝘧𝘰𝘳 𝘮𝘦, 𝘦𝘴𝘱𝘦𝘤𝘪𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘐

Read More »

𝐒𝐭. 𝐂𝐨𝐥𝐞𝐭𝐭𝐞

 84,554 total views

 84,554 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐚𝐢𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐅𝐚𝐢𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟔 • 𝐒𝐭. 𝐂𝐨𝐥𝐞𝐭𝐭𝐞 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 𝘐 𝘢𝘴𝘬 𝘺𝘰𝘶 𝘵𝘰 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘳𝘤𝘦𝘥𝘦 𝘧𝘰𝘳 𝘮𝘦 𝘣𝘦𝘧𝘰𝘳𝘦 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘢𝘴𝘬 𝘩𝘪𝘮 𝘵𝘰 𝘧𝘶𝘭𝘧𝘪𝘭𝘭 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘮𝘰𝘴𝘵 𝘶𝘳𝘨𝘦𝘯𝘵 𝘥𝘦𝘴𝘪𝘳𝘦 𝘰𝘧 𝘮𝘺 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵 𝘪𝘧 𝘪𝘵 𝘪𝘴 𝘩𝘪𝘴 𝘸𝘪𝘭𝘭. 𝘐 𝘢𝘴𝘬 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘐 𝘮𝘢𝘺 𝘤𝘰𝘯𝘤𝘦𝘪𝘷𝘦 𝘢 𝘩𝘦𝘢𝘭𝘵𝘩𝘺 𝘣𝘢𝘣𝘺

Read More »

𝐒𝐭. 𝐎𝐥𝐢𝐯𝐚

 84,574 total views

 84,574 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐚𝐢𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐅𝐚𝐢𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟓 • 𝐒𝐭. 𝐎𝐥𝐢𝐯𝐚 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 𝘖 𝘚𝘢𝘪𝘯𝘵 𝘖𝘭𝘪𝘷𝘪𝘢, 𝘱𝘢𝘵𝘳𝘰𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘰𝘧 𝘗𝘢𝘭𝘦𝘳𝘮𝘰 𝘢𝘯𝘥 𝘱𝘳𝘰𝘵𝘦𝘤𝘵𝘰𝘳 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘱𝘰𝘰𝘳, 𝘐 𝘢𝘴𝘬 𝘧𝘰𝘳 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘳𝘤𝘦𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘐 𝘮𝘢𝘺 𝘧𝘰𝘭𝘭𝘰𝘸 𝘪𝘯 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘧𝘰𝘰𝘵𝘴𝘵𝘦𝘱𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘭𝘪𝘷𝘦 𝘢 𝘭𝘪𝘧𝘦 𝘥𝘦𝘥𝘪𝘤𝘢𝘵𝘦𝘥 𝘵𝘰 𝘎𝘰𝘥. 𝘔𝘢𝘺 𝘐 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘵𝘳𝘦𝘯𝘨𝘵𝘩

Read More »

𝐒𝐭. 𝐂𝐚𝐬𝐢𝐦𝐢𝐫

 84,495 total views

 84,495 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐚𝐢𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐅𝐚𝐢𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟒 • 𝐒𝐭. 𝐂𝐚𝐬𝐢𝐦𝐢𝐫 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 𝘊𝘢𝘴𝘪𝘮𝘪𝘳 𝘢𝘯𝘥 𝘢𝘭𝘭 𝘵𝘩𝘦 𝘚𝘢𝘪𝘯𝘵𝘴, 𝘪𝘯 𝘛𝘩𝘺 𝘮𝘦𝘳𝘤𝘺, 𝘨𝘳𝘢𝘯𝘵 𝘶𝘴 𝘩𝘦𝘢𝘭𝘵𝘩 𝘢𝘯𝘥 𝘱𝘦𝘢𝘤𝘦, 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘢𝘭𝘭 𝘢𝘥𝘷𝘦𝘳𝘴𝘪𝘵𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘦𝘳𝘳𝘰𝘳 𝘪𝘴 𝘳𝘦𝘮𝘰𝘷𝘦𝘥, 𝘛𝘩𝘺 𝘊𝘩𝘶𝘳𝘤𝘩 𝘮𝘢𝘺 𝘴𝘦𝘳𝘷𝘦 𝘛𝘩𝘦𝘦 𝘪𝘯 𝘧𝘳𝘦𝘦𝘥𝘰𝘮 𝘢𝘯𝘥 𝘴𝘢𝘧𝘦𝘵𝘺, 𝘵𝘩𝘳𝘰𝘶𝘨𝘩 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘢𝘮𝘦 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘊𝘩𝘳𝘪𝘴𝘵,

Read More »

𝐒𝐭. 𝐀𝐠𝐧𝐞𝐬 𝐨𝐟 𝐁𝐨𝐡𝐞𝐦𝐢𝐚

 84,518 total views

 84,518 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐚𝐢𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐅𝐚𝐢𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟐 • 𝐒𝐭. 𝐀𝐠𝐧𝐞𝐬 𝐨𝐟 𝐁𝐨𝐡𝐞𝐦𝐢𝐚 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 𝘈𝘭𝘮𝘪𝘨𝘩𝘵𝘺 𝘦𝘵𝘦𝘳𝘯𝘢𝘭 𝘎𝘰𝘥, 𝘸𝘩𝘰 𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘪𝘥𝘴𝘵 𝘰𝘧 𝘱𝘢𝘨𝘢𝘯 𝘥𝘢𝘳𝘬𝘯𝘦𝘴𝘴, 𝘩𝘢𝘷𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘵𝘪𝘤𝘶𝘭𝘢𝘳 𝘤𝘢𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘧𝘢𝘪𝘵𝘩𝘧𝘶𝘭 𝘴𝘦𝘳𝘷𝘢𝘯𝘵 𝘚𝘢𝘪𝘯𝘵 𝘈𝘨𝘯𝘦𝘴, 𝘱𝘳𝘦𝘴𝘦𝘳𝘷𝘦𝘥 𝘩𝘦𝘳 𝘪𝘯 𝘪𝘯𝘯𝘰𝘤𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘨𝘢𝘷𝘦 𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘳𝘰𝘸𝘯 𝘰𝘧 𝘮𝘢𝘳𝘵𝘺𝘳𝘥𝘰𝘮 𝘪𝘯 𝘠𝘰𝘶𝘳 𝘨𝘭𝘰𝘳𝘺,

Read More »

𝐒𝐭. 𝐑𝐨𝐬𝐞𝐧𝐝𝐨

 84,530 total views

 84,530 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐚𝐢𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐅𝐚𝐢𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟏 • 𝐒𝐭. 𝐑𝐨𝐬𝐞𝐧𝐝𝐨 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 𝘖𝘩, 𝘚𝘢𝘪𝘯𝘵 𝘙𝘶𝘥𝘦𝘴𝘪𝘯𝘥, 𝘣𝘦𝘢𝘤𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘧𝘢𝘪𝘵𝘩 𝘢𝘯𝘥 𝘷𝘪𝘳𝘵𝘶𝘦, 𝘎𝘶𝘪𝘥𝘦 𝘶𝘴 𝘵𝘩𝘳𝘰𝘶𝘨𝘩 𝘭𝘪𝘧𝘦’𝘴 𝘵𝘳𝘪𝘢𝘭𝘴 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘸𝘪𝘴𝘥𝘰𝘮 𝘱𝘶𝘳𝘦, 𝘐𝘯 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘧𝘰𝘰𝘵𝘴𝘵𝘦𝘱𝘴, 𝘸𝘦 𝘴𝘦𝘦𝘬 𝘴𝘰𝘭𝘢𝘤𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘨𝘳𝘢𝘤𝘦, 𝘈𝘴 𝘸𝘦 𝘫𝘰𝘶𝘳𝘯𝘦𝘺 𝘵𝘩𝘳𝘰𝘶𝘨𝘩 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘦𝘢𝘳𝘵𝘩𝘭𝘺 𝘳𝘢𝘤𝘦. 𝘠𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘪𝘧𝘦, 𝘢

Read More »

𝐒𝐭. 𝐑𝐨𝐦𝐚𝐧𝐮𝐬

 84,515 total views

 84,515 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐚𝐢𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐅𝐚𝐢𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟐𝟗 • 𝐒𝐭. 𝐑𝐨𝐦𝐚𝐧𝐮𝐬 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 𝘎𝘳𝘢𝘯𝘵, 𝘸𝘦 𝘣𝘦𝘴𝘦𝘦𝘤𝘩 𝘠𝘰𝘶, 𝘢𝘭𝘮𝘪𝘨𝘩𝘵𝘺 𝘎𝘰𝘥, 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘣𝘺 𝘵𝘩𝘦 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘳𝘤𝘦𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘉𝘭𝘦𝘴𝘴𝘦𝘥 𝘙𝘰𝘮𝘢𝘯𝘶𝘴, 𝘠𝘰𝘶𝘳 𝘔𝘢𝘳𝘵𝘺𝘳, 𝘸𝘦 𝘮𝘢𝘺 𝘣𝘦 𝘧𝘳𝘦𝘦𝘥 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘢𝘭𝘭 𝘣𝘰𝘥𝘪𝘭𝘺 𝘪𝘭𝘭𝘴, 𝘢𝘯𝘥 𝘤𝘭𝘦𝘢𝘯𝘴𝘦𝘥 𝘪𝘯 𝘮𝘪𝘯𝘥 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘢𝘭𝘭 𝘦𝘷𝘪𝘭 𝘵𝘩𝘰𝘶𝘨𝘩𝘵𝘴. 𝘛𝘩𝘳𝘰𝘶𝘨𝘩 𝘰𝘶𝘳 𝘓𝘰𝘳𝘥 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘊𝘩𝘳𝘪𝘴𝘵,

Read More »

𝐒𝐭. 𝐆𝐫𝐞𝐠𝐨𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐍𝐚𝐫𝐞𝐤

 84,518 total views

 84,518 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐚𝐢𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐅𝐚𝐢𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟐𝟕 • 𝐒𝐭. 𝐆𝐫𝐞𝐠𝐨𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐍𝐚𝐫𝐞𝐤 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 𝘋𝘪𝘴𝘱𝘦𝘭, 𝘢𝘭𝘭-𝘣𝘦𝘴𝘵𝘰𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘎𝘰𝘥, 𝘮𝘺 𝘴𝘩𝘢𝘮𝘦𝘧𝘶𝘭 𝘴𝘢𝘥𝘯𝘦𝘴𝘴. 𝘓𝘪𝘧𝘵, 𝘮𝘦𝘳𝘤𝘪𝘧𝘶𝘭 𝘎𝘰𝘥, 𝘮𝘺 𝘶𝘯𝘣𝘦𝘢𝘳𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘣𝘶𝘳𝘥𝘦𝘯. 𝘍𝘰𝘳 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘳𝘦 𝘨𝘭𝘰𝘳𝘪𝘧𝘪𝘦𝘥 𝘣𝘺 𝘢𝘭𝘭 𝘤𝘳𝘦𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯, 𝘧𝘰𝘳𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘢𝘯𝘥 𝘦𝘷𝘦𝘳. 𝘈𝘮𝘦𝘯.

Read More »

𝐒𝐭. 𝐕𝐢𝐜𝐭𝐨𝐫 𝐨𝐟 𝐏𝐥𝐚𝐧𝐜𝐲

 84,511 total views

 84,511 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐚𝐢𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐅𝐚𝐢𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟐𝟔 • 𝐒𝐭. 𝐕𝐢𝐜𝐭𝐨𝐫 𝐨𝐟 𝐏𝐥𝐚𝐧𝐜𝐲 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 𝘎𝘰𝘥 𝘢𝘯𝘥 𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘰𝘷𝘪𝘯𝘨 𝘍𝘢𝘵𝘩𝘦𝘳, 𝘸𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘯𝘬 𝘺𝘰𝘶 𝘧𝘰𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘨𝘪𝘧𝘵 𝘰𝘧 𝘢 𝘯𝘦𝘸 𝘥𝘢𝘺. 𝘏𝘦𝘭𝘱 𝘶𝘴 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘬 𝘵𝘩𝘦 𝘸𝘢𝘺 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘬𝘴. 𝘎𝘳𝘢𝘯𝘵 𝘶𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘢𝘣𝘪𝘭𝘪𝘵𝘺 𝘵𝘰 𝘴𝘦𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘧𝘰𝘤𝘶𝘴 𝘰𝘶𝘳 𝘢𝘵𝘵𝘦𝘯𝘵𝘪𝘰𝘯

Read More »

𝐒𝐭. 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐚𝐧𝐮𝐬

 84,508 total views

 84,508 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐚𝐢𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐅𝐚𝐢𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟐𝟒 • 𝐒𝐭. 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐚𝐧𝐮𝐬 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 𝘖 𝘎𝘰𝘥, 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘸𝘩𝘰𝘮 𝘧𝘢𝘪𝘵𝘩 𝘥𝘳𝘢𝘸𝘴 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘦𝘷𝘦𝘳𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘸𝘦𝘢𝘬𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘴𝘵𝘳𝘦𝘯𝘨𝘵𝘩, 𝘨𝘳𝘢𝘯𝘵, 𝘵𝘩𝘳𝘰𝘶𝘨𝘩 𝘵𝘩𝘦 𝘦𝘹𝘢𝘮𝘱𝘭𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘱𝘳𝘢𝘺𝘦𝘳𝘴 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘔𝘢𝘳𝘵𝘺𝘳𝘴 𝘔𝘰𝘯𝘵𝘢𝘯𝘶𝘴, 𝘓𝘶𝘤𝘪𝘶𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘢𝘯𝘪𝘰𝘯𝘴, 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘸𝘦 𝘮𝘢𝘺 𝘴𝘩𝘢𝘳𝘦 𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘢𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘥 𝘙𝘦𝘴𝘶𝘳𝘳𝘦𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘺𝘰𝘶𝘳

Read More »

𝐒𝐭. 𝐏𝐨𝐥𝐲𝐜𝐚𝐫𝐩

 84,537 total views

 84,537 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐚𝐢𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐅𝐚𝐢𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟐𝟑 • 𝐒𝐭. 𝐏𝐨𝐥𝐲𝐜𝐚𝐫𝐩 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 𝘚𝘵. 𝘗𝘰𝘭𝘺𝘤𝘢𝘳𝘱, 𝘺𝘰𝘶 𝘭𝘪𝘷𝘦𝘥 𝘪𝘯 𝘢 𝘴𝘰𝘤𝘪𝘦𝘵𝘺 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘸𝘢𝘴 𝘩𝘰𝘴𝘵𝘪𝘭𝘦 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘊𝘩𝘳𝘪𝘴𝘵𝘪𝘢𝘯 𝘍𝘢𝘪𝘵𝘩. 𝘔𝘢𝘯𝘺 𝘸𝘦𝘳𝘦 𝘣𝘦𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘪𝘭𝘭𝘦𝘥 𝘧𝘰𝘳 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘍𝘢𝘪𝘵𝘩, 𝘣𝘶𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘤𝘰𝘶𝘳𝘢𝘨𝘦𝘰𝘶𝘴𝘭𝘺 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘪𝘯𝘶𝘦𝘥 𝘴𝘦𝘳𝘷𝘪𝘯𝘨 𝘎𝘰𝘥 𝘢𝘯𝘥 𝘏𝘪𝘴 𝘊𝘩𝘶𝘳𝘤𝘩. 𝘗𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘣𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘺 𝘱𝘦𝘵𝘪𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘣𝘦𝘧𝘰𝘳𝘦

Read More »

𝐒𝐭. 𝐏𝐞𝐭𝐞𝐫 𝐃𝐚𝐦𝐢𝐚𝐧

 84,527 total views

 84,527 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐚𝐢𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐅𝐚𝐢𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟐𝟏 • 𝐒𝐭. 𝐏𝐞𝐭𝐞𝐫 𝐃𝐚𝐦𝐢𝐚𝐧 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 𝘏𝘦𝘭𝘱 𝘶𝘴 𝘵𝘰 𝘪𝘮𝘪𝘵𝘢𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘰𝘧 𝘠𝘰𝘶 𝘩𝘦 𝘴𝘩𝘰𝘸𝘦𝘥 𝘪𝘯 𝘩𝘪𝘴 𝘴𝘦𝘳𝘷𝘪𝘤𝘦 𝘵𝘰 𝘠𝘰𝘶 𝘢𝘴 𝘢 𝘉𝘦𝘯𝘦𝘥𝘪𝘤𝘵𝘪𝘯𝘦 𝘮𝘰𝘯𝘬 𝘢𝘯𝘥 𝘢𝘣𝘣𝘰𝘵. 𝘚𝘵. 𝘗𝘦𝘵𝘦𝘳 𝘋𝘢𝘮𝘪𝘢𝘯, 𝘺𝘰𝘶 𝘤𝘩𝘰𝘴𝘦 𝘵𝘰 𝘦𝘯𝘵𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘉𝘦𝘯𝘦𝘥𝘪𝘤𝘵𝘪𝘯𝘦 𝘳𝘦𝘭𝘪𝘨𝘪𝘰𝘶𝘴 𝘰𝘳𝘥𝘦𝘳 𝘴𝘰 𝘵𝘩𝘢𝘵

Read More »

𝐒𝐭. 𝐉𝐚𝐜𝐢𝐧𝐭𝐚 𝐌𝐚𝐫𝐭𝐨

 94,806 total views

 94,806 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐚𝐢𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐅𝐚𝐢𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟐𝟎 • 𝐒𝐭. 𝐉𝐚𝐜𝐢𝐧𝐭𝐚 𝐌𝐚𝐫𝐭𝐨 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 𝘖𝘩 𝘭𝘪𝘵𝘵𝘭𝘦 𝘑𝘢𝘤𝘪𝘯𝘵𝘢, 𝘭𝘰𝘰𝘬 𝘬𝘪𝘯𝘥𝘭𝘺 𝘶𝘱𝘰𝘯 𝘵𝘩𝘦𝘴𝘦 𝘱𝘳𝘢𝘺𝘦𝘳𝘴. 𝘗𝘳𝘢𝘺 𝘧𝘰𝘳 𝘶𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘸𝘦 𝘮𝘢𝘺 𝘣𝘦 𝘩𝘶𝘮𝘣𝘭𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘨𝘦𝘯𝘵𝘭𝘦 𝘰𝘧 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵 𝘢𝘴 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘦𝘳𝘦 𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘰𝘯 𝘦𝘢𝘳𝘵𝘩. 𝘖𝘯 𝘦𝘢𝘳𝘵𝘩 𝘺𝘰𝘶 𝘣𝘦𝘩𝘦𝘭𝘥 𝘖𝘶𝘳 𝘉𝘭𝘦𝘴𝘴𝘦𝘥 𝘔𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘪𝘯

Read More »

𝐒𝐭 𝐂𝐨𝐧𝐫𝐚𝐝 𝐨𝐟 𝐏𝐢𝐚𝐜𝐞𝐧𝐳𝐚

 55,401 total views

 55,401 total views 𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐒𝐚𝐢𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐃𝐚𝐲: 𝐀 𝐁𝐞𝐚𝐜𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐅𝐚𝐢𝐭𝐡 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟏𝟗 • 𝐒𝐭 𝐂𝐨𝐧𝐫𝐚𝐝 𝐨𝐟 𝐏𝐢𝐚𝐜𝐞𝐧𝐳𝐚 𝐏𝐑𝐀𝐘𝐄𝐑 𝘓𝘰𝘳𝘥 𝘎𝘰𝘥, 𝘠𝘰𝘶 𝘢𝘭𝘰𝘯𝘦 𝘢𝘳𝘦 𝘩𝘰𝘭𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘯𝘰 𝘰𝘯𝘦 𝘪𝘴 𝘨𝘰𝘰𝘥 𝘸𝘪𝘵𝘩𝘰𝘶𝘵 𝘠𝘰𝘶. 𝘛𝘩𝘳𝘰𝘶𝘨𝘩 𝘵𝘩𝘦 𝘪𝘯𝘵𝘦𝘳𝘤𝘦𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘚𝘵. 𝘊𝘰𝘯𝘳𝘢𝘥 𝘩𝘦𝘭𝘱 𝘶𝘴 𝘵𝘰 𝘭𝘪𝘷𝘦 𝘪𝘯 𝘴𝘶𝘤𝘩 𝘢 𝘸𝘢𝘺 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘸𝘦 𝘮𝘢𝘺 𝘯𝘰𝘵 𝘣𝘦 𝘥𝘦𝘱𝘳𝘪𝘷𝘦𝘥

Read More »
Scroll to Top