Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 129,167 total reads

Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa ating Senado. Ang pangunahing trabaho nito ay ang mag-imbestiga ng mga katiwalian, korapsyon, at maling gawain ng mga opisyal ng gobyerno.

Nagpapatawag ang komite ng mga pagdinig o hearings hindi para magpakulong ng tao (dahil trabaho iyon ng mga hukuman katulad ng Sandiganbayan), kundi “in aid of legislation.” Ibig sabihin, ginagawa ang mga pagdinig upang makita kung may mga butas sa kasalukuyang batas at makagawa ng mga bagong batas para maiwasan ang korapsyon sa hinaharap.

May kapangyarihan din ang Blue Ribbon Committee na utusan ang sinumang opisyal o testigo na humarap sa pagdinig at magdala ng mga dokumento. Kung ang isang testigo ay magsinungaling, umiwas sa tanong, o tumangging sumipot nang walang sapat na dahilan, maaari siyang ikulong ng komite sa mismong pasilidad ng Senado. 

Pagkatapos ng mga imbestigasyon, naglalabas ang komite ng isang committee report. Dito nakasulat ang kanilang mga natuklasan at ang rekomendasyon kung sinu-sinong opisyal ang dapat kasuhan ng Ombudsman o ng Department of Justice.

Sa pagpapalit ng liderato sa Senado kamakailan, nagpalit din ng komposisyon ang mga komite, kabilang ang Blue Ribbon Committee. Naihalal na chairperson nito si Senadora Pia Cayetano. Makakasama niya bilang mga vice chairpersons sina Senador Jinggoy Estrada at Senador Rodante Marcoleta. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na kasama ang dalawa sa mga sangkot umano sa katiwalian sa mga flood control projects

Sa katunayan, nagsumite kamakailan ang DOJ sa Office of the Ombudsman ng isang resolusyon na inirerekomendang sampahan ng mga kasong graft at plunder si Senador Jinggoy Estrada. Ang graft at plunder ay parehong mga krimen na may kinalaman sa korapsyon. Ang graft ay ang paggamit ng posisyon o impluwensya para makakuha ng pabor, pribilehiyo, o pera para sa kanyang sarili o para sa ibang tao. Nangyayari naman ang plunder kapag ang isang opisyal ng gobyerno ay nagkamal ng kayamanan sa pamamagitan ng paulit-ulit na mga korap na gawain. Siyempre, itinatanggi ni Senador Estrada ang mga alegasyong ito.

Natuklasan namang may kaugnayan si Senador Marcoleta sa mag-asawang contractor na sina Pacifico at Sarah Discaya. Ang kanyang asawa kasi ay nakaupo bilang “independent, non-executive director” ng Stronghold Insurance at Milestone Guaranty and Assurance na nag-isyu ng milyong-milyong pisong halaga ng tinatawag na surety bonds para sa mga proyekto ng St. Gerrard Construction, ang kompanya ng mga Discaya. Dahil sa ugnayang ito, inakusahan ng mga kritiko at kapwa-mambabatas si Senador Marcoleta ng pagkakaroon ng conflict of interest. Ito rin ang sinasabing dahilan kung bakit masigasig na ipinaglaban ni Senador Marcoleta na mapasailalim sa Witness Protection Program at mabigyan ng immunity ang mga Discaya kapalit ng kanilang mga ibinubunyag. Mariing itinanggi ni Senador Marcoleta na pinoprotektahan niya ang mga Discaya para sa personal na interes.

Mga Kapanalig, kung nasa Blue Ribbon Committee ang dalawang senador, makakaasa ba tayo ng isang patas na komite sa patuloy na pag-iimbestiga nito sa flood control scandal kung saan dawit ang kanilang mga pangalan? Sa lente ng mga panlipunang turo ng Simbahan, ang korapsyon ay paghamak sa kabutihang panlahat o common good. Sa paglalagay ng dalawang taong iniuugay sa katiwalian sa komiteng bubusisi sa katiwalian, hindi malayong personal na interes ang kanilang protektahan. Paalala pa nga sa Mateo 6;24, “walang… makakapaglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa.” Kanino kayang interes ang mangingibabaw kina Senador Estrada at Marcoleta sa pag-upo nila sa Blue Ribbon Committee? Iyan ang susubaybayan natin.

Sumainyo ang katotohanan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 11,606 total reads

 11,606 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 50,011 total reads

 50,011 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 68,221 total reads

 68,221 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 152,549 total reads

 152,549 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 189,328 total reads

 189,328 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan, hindi bayad

 11,607 total reads

 11,607 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 50,012 total reads

 50,012 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 68,222 total reads

 68,222 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 152,550 total reads

 152,550 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »
Scroll to Top