Online counterfeit trade, wawakasan ng IPOPHL

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,822 total reads

Pinalakas ng Intellectual Property Office of the Philippines o IPOPHIL ang paglaban sa pamimirata o merkado ng pagbebenta ng mga pekeng produkto sa online platforms.

Kasunod ito ng positibong resulta ng limang taong pagpapatupad sa ‘E-Commerce Memorandum of Understanding o MOU’ katuwang ang ibat-ibang ahensya.

Ayon sa IPOPHL, naging mas mabilis at mas epektibo ang pagtutulungan sa pagitan ng mga rights holders, kabuoan ng industriya, at e-commerce platforms sa pagtugon sa mga reklamo kaugnay ng online counterfeiting dahil ilan sa mga lumagda sa kasunduan ang nag-ulat ng mahigit tatlong ulit na pagtaas sa bilang ng mga counterfeit listings na naalis noong 2025 kumpara sa nakaraang taon.

Dahil sa tagumpay ng programa, kinikilala na rin ito bilang isang posibleng ehemplo para sa iba pang mga bansa sa na kasama sa Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Region.

“Rights holders called for measures to address persistent challenges, including the need for stronger seller verification systems and stricter action against repeat infringers employing increasingly sophisticated tactics. They likewise raised concerns over trademark infringement and the complexities of cross-border enforcement, underscoring the need for more harmonized approaches across jurisdictions,” ayon sa mensaheng pinadala ng IPOPHIL sa Radyo Veritas.

Dumalo sa pinakahuling review ng MOU ang mga kinatawan mula sa Indonesia, Lao PDR, Myanmar, Singapore, at Timor-Leste upang pag-aralan ang karanasan ng Pilipinas sa paglaban sa online counterfeit trade.

Ayon naman kay IPOPHIL Deputy Director General Nathaniel Arevalo na patuloy na kinikilala ng mga kasaping bansa ng ASEAN ang inisyatibong ito bilang isang pinakamahusay na pamamaraan upang sugpuin ang bentahan ng mga pekeng produkto sa internet, sa kasalukuyan, ang Pilipinas rin ang namumuno sa ASEAN Network of IP Rights Enforcement Experts o ANIEE.

Tinalakay rin sa pulong ang pagpapalawak ng saklaw ng MOU mula sa simpleng pagtanggal ng mga online listings tungo sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas, mas matatag na seller verification system, at mas pinaigting na consumer education upang mabawasan ang paglaganap ng mga pekeng produkto sa merkado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 145,418 total reads

 145,418 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 203,584 total reads

 203,584 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 340,089 total reads

 340,089 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 452,069 total reads

 452,069 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 106,302 total reads

 106,302 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »
Scroll to Top