Tularan ang birheng Maria sa pagpapalaganap ng pananampalataya at paglilingkod sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,526 total reads

Manalangin sa higit na paggabay ng Mahal na Birheng Maria upang mapalapit sa Panginoong Hesukristo at maisulong ang kapayapaan.

Ito ang pagninilay ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. sa misang pinangunahan kasama ang mga Pari mula sa Diocese of Cubao para sa Episcopal Coronation ng Imahen ng Our Lady of the Sacred at kauna-unahang Cubao Grand Marian Procession na idinaos sa Most Redeemer Parish sa Brixton Hills Quezon City.

Ayon kay Bishop Ayuban, ang tunay na debosyon kay Maria ay laging umaakay sa mga mananampalataya patungo sa kanyang Anak at nagtuturo ng pagmamahal sa Diyos at kapwa.
“Mama Mary gives way because she does not draw people to herself, she draws people to Christ, her Son. There is no Marian devotion that does not lead us to Jesus because the surest way to reach the Lord s through His Mother,” ayon sa pagninilay ni Bishop Ayuban.

Ayon pa sa Obispo, si Maria ang huwaran ng pakikiisa sa gawain ng kaligtasan dahil sa pamamagitan ng kanyang matapat na pagtugon sa kalooban ng Diyos.
Hinikayat ng Obispo ang mga deboto na tularan ang Mahal na Ina bilang katuwang sa pagpapalaganap ng pananampalataya at paglilingkod sa kapwa, lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Kasabay ng pagdiriwang ang paggunita ng Dakilang Kapistahan ng Santisima Trinidad, kung saan ipinaalala ni Bishop Ayuban na ang Diyos ay isang komunyon ng pag-ibig at pagkakaisa kaya nanawagan siya sa mga mananampalataya na isabuhay ang pagkakabuklod bilang isang pamayanan ng pananampalataya at maging tunay na saksi ng pag-ibig ng Diyos sa mundo.

“Pwede tayong magbigay na hindi tayo nagmamahal. Pero hindi tayo pwedeng nagmamahal na hindi nagbibigay. That’s why God so loved the world… He gave His only begotten Son, not to condemn, but to save,” bahagi pa ng pagninilay ni Bishop Ayuban.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, inihayag din ng Obispo ang hangaring maging isang “Diocese Amante de Maria” o Diyosesis na umiibig at may malalim na debosyon sa Mahal na Birhen, kasabay ng panawagang gawing tradisyon ang taunang pagdiriwang upang patuloy na mapanibago ang pananampalataya ng sambayanan.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng Simbahan ang mga mananampalataya na tularan ang kababaang-loob, pananampalataya, at pagsunod ni Maria bilang landas tungo sa mas malalim na pakikipag-isa kay Hesukristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 10,459 total reads

 10,459 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 48,938 total reads

 48,938 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 67,146 total reads

 67,146 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 151,476 total reads

 151,476 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 188,326 total reads

 188,326 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 19,162 total reads

 19,162 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top