Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Linggo, Setyembre 8, 2024

SHARE THE TRUTH

 7,113 total views

Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Isaias 35, 4-7a
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

Santiago 2, 1-5
Marcos 7, 31-37

Twenty-third Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Isaias 35, 4-7a

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob:
“Huwag kang matakot,
lakasan mo ang iyong loob,
darating na ang Panginoong Diyos,
at ililigtas ka sa mga kaaway.”
Ang mga bulag ay makakikita,
at makaririnig ang mga bingi;
katulad ng usa, ang pilay lulundag,
aawit sa galak ang mga pipi.
Mula sa gubat ay bubukal ang tubig
at ang mga batis dadaloy sa ilang;
ang umuusok na buhanginan ay
magiging isang lawa,
sa tigang na lupa ay babalong ang tubig.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

o kaya: Aleluya.

Ang maaasahang lagi’y Panginoon,
panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

Pinalaya niya ang mga nabihag;
isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapi ay itinataas,
ang mga hinirang niya’y nililingap.

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

Isinasanggalang ang mga dayuhang
sa lupain nila’y doon tumatahan;
tumutulong siya sa balo’t ulila,
masamang balangkas pinipigil niya.

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

Walang hanggang Hari, ang Diyos na Poon!
Nabubuhay lagi ang Diyos mo, Sion!

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

IKALAWANG PAGBASA
Santiago 2, 1-5

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago

Mga kapatid, bilang sumasampalataya sa ating Panginoong Hesukristo, ang dakilang Panginoon, huwag kayong magtatangi ng tao. Halimbawa: pumasok sa inyong kapulungan ang isang lalaking nakasingsing ng ginto at nakadamit nang magara, at isa namang dukha na panay sulsi ang damit. Kung asikasuhin ninyong mabuti yaong magara ang damit at sabihin sa kanya, “Dito kayo maupo,” at sabihin naman sa dukha, “Tumayo ka na lang diyan,” o kaya’y, “Sa sahig ka na lang maupo,” nagtatangi na kayo at humahatol nang mali.

Tingnan ninyo, mga kapatid kong minamahal! Hinirang ng Diyos ang mga dukha sa sanlibutan upang maging mayaman sa pananampalataya at maging kasama sa kahariang ipinangako niya sa mga umiibig sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 4, 23

Aleluya! Aleluya!
Ipinangaral ni Hesus
ang paghahari ng Diyos.
Sakit ay kanyang ginamot.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 7, 31-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, pagbabalik ni Hesus mula sa lupain ng Tiro, dumaan siya sa Sidon, at nagtuloy sa Lawa ng Galilea, matapos tahakin ang lupain ng Decapolis. Dinala sa kanya ang isang lalaking bingi at utal at ipinamanhik nila na ipatong sa taong ito ang kanyang kamay. Inilayo muna siya ni Hesus sa karamihan, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, lumura at hinipo ang dila nito. Tumingala si Hesus sa langit at nagbuntong-hininga, at sinabi sa tao, “Effata,” ibig sabihi’y “Mabuksan!” At nakarinig na ito, nawala ang pagkautal at nakapagsalita na nang malinaw. Sinabi ni Hesus sa mga tao na huwag ibalita ito kaninuman; ngunit kung kailan sila pinagbabawalan ay lalo naman nilang ipinamamalita ito. Sila’y lubhang nanggilalas, at ang wika, “Anong buti ng lahat ng kanyang ginawa! Nakaririnig na ang bingi, at nakapagsasalita ang pipi!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Sa kabila ng mga biyayang dulot ng makabagong agham at teknolohiya, nakararanas pa rin tayo ng kakulangan at limitasyon sa lahat ng aspeto ng ating buhay. Kailangan pa rin natin ang mapagligtas na pamamagitan ng Diyos sa ating buhay.

Panginoon, dinggin Mo kami!

Para sa Simbahang Katolika: Nawa’y magtagumpay siya sa pagtataguyod ng pangmatagalang kapayapaan at tapat na pakikipagkasundo sa mga bansa. Manalangin tayo!

Para sa mga pinanghihinaan ng loob at waring napapabayaan ng lahat: Nawa’y makatagpo sila ng malinaw na tanda ng pagkalinga ng Diyos. Manalangin tayo!

Para sa mga may kapansanang pisikal: Nawa’y makadama sila ng pagtanggap at pagmamahal sa kanilang mga kamag-anak at pasanin nila ang kanilang krus nang may buong pananalig. Manalangin tayo!

Para sa mga kabingihang espirituwal at moral: Nawa’y buksan ng biyaya ng Diyos ang kanilang mga kalooban sa pagtanggap ng mensahe ng Mabuting Balita at tumugon sila sa mga daing ng kanilang kapwa. Manalangin tayo!

Para sa mga kautalang espirituwal at moral: Nawa’y makatagpo sila kay Hesus ng lakas ng loob na magpahayag ng katotohanan, manindigan sa tama, at isumpa ang masama. Manalangin tayo!

Upang tayong lahat ay matutong makinig sa panaghoy ng kalikasan at sa pagtangis ng lahat ng biktima ng mga trahedya sa kalikasan at hagupit ng pagbabago ng klima, at nang lahat ay matuto ring mangalaga para sa daigdig na kinalalagyan natin. Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, panghi- hinaan kami ng loob kung wala Ka, ngunit kung kasama Ka namin, may magagawa kaming mga kadakilaan. Pagalingin Mo kami ngayon sa aming mga pangamba, kahinaan, at kapintasan nang kami’y mabuhay sa Iyong presensiya nang may pinasiglang kalooban. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Holiness Is Not Boring

 12,216 total views

 12,216 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 24,671 total views

 24,671 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 35,951 total views

 35,951 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 46,617 total views

 46,617 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 77,118 total views

 77,118 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 20,326 total views

 20,326 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 20,557 total views

 20,557 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 21,034 total views

 21,034 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 13,741 total views

 13,741 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 13,850 total views

 13,850 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top