Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, DISYEMBRE 26, 2022

SHARE THE TRUTH

 1,771 total views

Kapistahan ni San Esteban, Unang Martir

Mga Gawa 6, 8-10; 7, 54-59
Salmo 30, 3kd-4. 6 at 8ab. 16bk at 17

Poon, sa mga kamay mo,
habilin ko ang buhay ko.

Mateo 10, 17-22

Feast of Saint Stephen, first martyr (Red)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 6, 8-10; 7, 54-59

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, pinagpala ng Diyos si Esteban at pinuspos ng kapangyarihan, anupat gumawa siya ng maraming himala at kababalaghan sa harapan ng madla. Nakipagtalo sa kanya ang ilang kasapi sa sinagoga ng mga Pinalaya, na binubuo ng mga Judiong taga-Cirene, taga-Alejandria, taga-Cilicia, at taga-Asia. Ngunit wala silang magawa sa karunungan ni Esteban na kaloob ng Espiritu.

Nang marinig ito ng mga bumubuo ng Sanedrin, sila’y nagngalit dahil sa matinding galit kay Esteban. Ngunit si Esteban na puspos ng Espiritu Santo, ay tumingin sa langit at nakita ang maningning na liwanag sa paligid ng Diyos, at si Hesus na nasa kanyang kanan. “Bukas ang kalangitan,” sabi niya, “at nakikita ko ang Anak ng Tao na nasa kanan ng Diyos.” Tinakpan nila ang kanilang tainga at nagsigawan; pagkatapos, sabay-sabay silang dumaluhong sa kanya. Kinaladkad nila si Esteban hanggang sa labas ng lungsod upang batuhin. Hinubad ng mga saksi ang kanilang mga kasuotan at iniwan sa isang binatang nagngangalang Saulo. At pinagbabato nila si Esteban, na nananalangin naman ng ganito: “Panginoong Hesus, tanggapin mo ang aking espiritu.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 30, 3kd-4. 6 at 8ab. 16bk at 17

Poon, sa mga kamay mo,
habilin ko ang buhay ko.

Tanging kublihan ko, ako ay ingatan;
Tagapagtanggol ko’t aking kaligtasan.
Tagapagtanggol ko at aking kanlungan,
ayon sa sabi mo, ako’y patnubayan.

Poon, sa mga kamay mo,
habilin ko ang buhay ko.

Sa mga kamay mo habilin ko’y buhay ko,
Tagapagligtas kong tapat at totoo.
Magbubunyi ako, magsasayang tunay,
sa ‘yong pag-ibig na walang katapusan.

Poon, sa mga kamay mo,
habilin ko ang buhay ko.

Laban sa kaaway ay ipagtatanggol mo;
at sa umuusig sa sinumang tao.
Itong iyong lingkod, sana ay lingapin,
ingatan mo ako’t iyong pagpalain;
iligtas mo ako at iyong sagipin,
tanda ng pag-ibig na di nagmamaliw!

Poon, sa mga kamay mo,
habilin ko ang buhay ko.

ALELUYA
Salmo 117, 26a at 27a

Aleluya! Aleluya!
Sa Diyos nagliwanag tayo,
ang pinagpalang totoo
sa ngalan n’ya’y naparito.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 10, 17-22

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo, sapagkat may mga taong magkakanulo sa inyo sa mga hukuman; at hahagupitin nila kayo sa mga sinagoga. Dahil sa akin, ihaharap kayo sa mga gobernador at mga hari, at magpapatotoo kayo sa harapan nila at ng mga Hentil. Kapag nililitis na kayo, huwag kayong mabalisa tungkol sa sasabihin ninyo o kung paano ninyo sasabihin. Pagdating ng oras, ito’y ipagkakaloob sa inyo. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.

“Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang kapatid upang ipapatay; gayun din ang gagawin ng ama sa kanyang anak. Lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang, at papapatay. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin; ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
San Esteban

Sa gitna ng panahon ng pagsasaya dahil sa Pagsilang ng ating Tagapagligtas, ipinaaalala sa atin ng Simbahan ang krus na inilalarawan ng pag-aalay ni San Esteban ng kanyang sarili. Samahan natin siya sa ating pananalangin para sa ating kapwa.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng buhay, dinggin mo kami.

Tulad ni San Esteban, nawa’y maihatid natin ang kagalakan ng Pagkakatawang-tao ng Diyos kahit sa gitna ng mga pagsubok at pag-uusig na nararanasan natin araw-araw, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y makita ang pasasalamat sa pagsilang ni Jesus sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap na itaguyod at igalang ang buhay at dangal ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Tulad ni San Esteban nawa’y pagkalooban tayo ng biyaya at lakas na maging matatag sa pananampalataya hanggang sa wakas, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang taglayin ang kagalakan at pagtitiwala sa gitna ng mga ligalig ng buhay na ito, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa pananampalataya, nawa’y tumanggap ng kanilang gantimpala sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng kaluwalhatian at kapangyarihan, sa pamamagitan ng mga panalangin ni San Esteban, ipagkaloob mo nawa ang mga kahilingang idinudulog namin sa iyo sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 7,529 total views

 7,529 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 18,809 total views

 18,809 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 29,624 total views

 29,624 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 60,191 total views

 60,191 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 72,367 total views

 72,367 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 19,548 total views

 19,548 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 19,779 total views

 19,779 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 20,255 total views

 20,255 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 13,176 total views

 13,176 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 13,285 total views

 13,285 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top