1,631 total views
Kapistahan ni Apostol San Juan,
Manunulat ng Mabuting Balita
1 Juan 1, 1-4
Salmo 96, 1-2. 5-6. 11-12
Sa Panginooโy magalak
ang masunuriโt matapat.
Juan 20, 2-8
Feast of Saint John, Apostle and Evangelistย (White)
UNANG PAGBASA
1 Juan 1, 1-4
Ang simula ng unang sulat ni Apostol San Juan
Mga pinakamamahal, sumusulat kami sa inyo tungkol sa kanya na sa simula paโy siya na, ang Salita na nagbibigay-buhay. Narinig namin siya at nakita, napagmasdan at nahipo ng aming mga kamay. Nahayag ang Buhay. Nakita namin siya at pinatotohanan sa inyo. At ipinangangaral namin sa inyo ang Buhay na walang hanggan na kasama ng Ama, at nahayag sa amin. Ipinahahayag nga namin sa inyo ang aming nakitaโt narinig, upang makasama namin kayo sa pakikiisa sa Ama at sa kanyang Anak na si Hesukristo. Sinusulat namin ito upang malubos ang ating kagalakan.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 96, 1-2. 5-6. 11-12
Sa Panginooโy magalak
ang masunuriโt matapat.
Ang Poon ay maghahari, magalak ang kalupaan!
Lahat kayong mga pulo ay magsaya at magdiwang!
Ang paligid niyaโy ulap na lipos ng kadiliman,
kaharian niyaโy tapat at salig sa katarungan.
Sa Panginooโy magalak
ang masunuriโt matapat.
Yaong mga kabundukaโy natutunaw, parang pagkit,
sa harapan ng dakilang Panginoon ng daigdig.
Sa langit ay nahahayag yaong kanyang katuwiran,
sa lupa ay makikita ang kanyang kadakilaan.
Sa Panginooโy magalak
ang masunuriโt matapat.
Sa tapat ang pamumuhay ay sisinag ang liwayway,
sa dalisay namang puso maghahariโy kagalakan.
Ang matuwid ang gawain ay galak ang masusumpong,
sa maraming kabutihang ginawa ng Panginoon;
ang ginawa niyang itoโy dapat nating gunitain,
at sa Poon ay iukol ang papuring walang maliw!
Sa Panginooโy magalak
ang masunuriโt matapat.
ALELUYA
Aleluya! Aleluya!
Mga tapat na apostol
ay nagpupuri sa Poon
sa langit habang panahon.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 20, 2-8
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Madilim-dilim pa nang araw ng Linggo, patakbong pumunta si Maria Magdalena kay Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Hesus, at sinabi sa kanila, โKinuha sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala!โ Kayaโt si Pedro at ang nasabing alagad ay nagpunta sa libingan. Kapwa sila tumakbo ngunit si Pedroโy naunahan ng kasamang alagad. Yumuko ito at sumilip sa loob. Nakita niyang nakalagay ang mga kayong lino, ngunit hindi siya pumasok. Kasunod niyang dumating si Simon Pedro at tuluy-tuloy itong pumasok sa libingan. Nakita niya ang mga kayong lino, at ang panyong ibinalot sa ulo. Hindi ito kasama ng mga kayong lino, kundi hiwalay na nakatiklop sa isang tabi. Pumasok din ang alagad na naunang dumating; nakita niya ito at siyaโy naniwala.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Disyembre 27
Apostol San Juan, Manunulat ng Mabuting Balita
Tinagurian si Juan bilang โmahal na alagadโ sapagkat siya ang tapat at malapit sa puso ni Kristo. Tumatawag tayo sa Diyos na Nagkatawang-tao, โang Salitang buhayโ na inihayag sa kanyang Ebanghelyo.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ni Jesus, basbasan mo kami.
Ang Simbahan nawaโy maging masigasig sa kanyang apostolikong misyon na ipinagkatiwala sa kanya ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawaโy magsikap isunod ang ating kalooban sa kalooban ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Tulad ni apostol San Juan, tayo nawaโy magkaroon ng malalim na pagkakilala kay Jesus sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga katotohanan ng ating pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawaโy magkaroon ng lakas ng loob na sumunod kay Kristo sa krus at sa libingang walang laman, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawaโy makibahagi sa maamong pagmamahal ni San Juan kay Maria na ating ina, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama ng Salitang Nagkatawang-tao, habang nagdiriwang kami sa pagsilang ng iyong Anak, dinggin mo nawa kami sa mga kahilingang inilalapit namin sa iyo, kaisa ng mahal na alagd na aming huwaran sa buhay-Kristiyano. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.