Linggo, Mayo 17, 2026

SHARE THE TRUTH

 100 total views

Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat (A)

Mga Gawa 1, 1-11
Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.

Efeso 1, 17-23
Mateo 28, 16-20

Solemnity of the Ascension of the Lord (White)
World Communication’s Sunday

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 1, 1-11

Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Mahal na Teofilo:

Isinalaysay ko sa aking unang aklat ang lahat ng ginawa at itinuro ni Hesus buhat sa pasimula hanggang sa araw na siya’y umakyat sa langit. Bago siya umakyat, tinagubilinan niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo ang mga apostol na kanyang hinirang. Pagkatapos ng kanyang pagbabata, maraming ulit siyang napakita sa kanila. Sa gayon, napatunayang siya’y buhay. Napakita sya sa kanila sa loob ng apatnapung araw at nagturo tungkol sa paghahari ng Diyos. At samantalang siya’y kasama-sama pa nila, kanyang tinagubilinan sila: “Huwag muna kayong aalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo roon ang ipinangako ng Ama na sinabi ko na sa inyo. Nagbinyag nga sa tubig si Juan, ngunit di na magtatagal at bibinyagan kayo sa Espiritu Santo.”

Kaya’t nang magkasama-sama si Hesus at ang mga alagad, nagtanong ang mga ito, “Panginoon, itatatag na ba ninyong muli ang kaharian ng Israel?” Sumagot siya, “Ang mga panahon at sandali ay itinakda ng Ama sa kanyang sariling kapangyarihan, at hindi na kailangan pang malaman ninyo kung kailan iyon. Ngunit bibigyan kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.” Pagkasabi nito, siya’y iniakyat sa langit samantalang nakatingin sila sa kanya; at natakpan siya ng ulap.

Habang sila’y nakatitig sa langit, dalawang lalaking nakaputi ang biglang tumayo sa tabi nila. “Mga taga-Galilea,” sabi nila, “Bakit kayo narito’t nakatingala sa langit? Itong si Hesus na umakyat sa langit ay magbabalik tulad ng nakita ninyong pag-akyat niya.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.

o kaya: Aleluya!

Magdiwang ang lahat ng mga nilikha,
pumalakpak kayong may awit at tuwa,
bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!
Ang Diyos na Poon, Kataas-taasan,
ay dakilang haring dapat katakutan,
Siya’y naghahari sa sangkatauhan.

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.

Umakyat sa trono ang Panginoong Diyos,
hatid ng tambuling malakas ang tunog;
masayang sigawan ang ipinansuob.
Purihin ang Diyos, siya ay awitan,
awitan ang hari, siya’y papurihan!

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.

Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa,
awita’t purihin ng mga nilikha!
Maghahari siya sa lahat ng bansa,
magmula sa tronong banal at dakila.

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.

IKALAWANG PAGBASA
Efeso 1, 17-23

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid:
Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Hesukristo, ang dakilang Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Ito’y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang, at ang walang hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga nananalig sa kanya. Ang kapangyarihan ding iyon ang muling bumuhay kay Kristo at nagluklok sa kanya sa kalangitan, sa kanan ng Diyos. Kaya’t nasa ilalim ng kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan. Higit ang kanyang pangalan kaysa lahat ng pangalan, hindi lamang sa panahong ito kundi pati sa darating. Ipinailalim ng Diyos sa kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng bagay, at siya ang ginawang ulo ng Simbahan. Ito ang katawan ni Kristo, ang kapuspusan niya na pumuspuspos sa lahat-lahat.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 28. 19a. 20b

Aleluya! Aleluya!
Humayo’t magturo kayo
palaging kasama ako
hanggang sa wakas ng mundo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 28, 16-20

Ang wakas ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, ang Labing-isang alagad ay nagpunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Hesus. Nang makita nila si Hesus, siya’y sinamba nila, bagamat may ilang nag-alinlangan. Lumapit si Hesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa Lupa. Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat (A)

Pinasigla ng pagbabalik ni Hesus sa tahanan ng Ama, tayo ay lumapit sa Diyos na atin ding Ama, at idulog ang ating mga hinaing at panalangin. Ating sabihin: Ama namin sa langit, pakinggan Mo kami.

Ama namin sa langit, pakinggan Mo kami.

Para kay Papa Leon XIV, mga obispo at mga pari. Matatag, masipag at buong kabanalan nawa nilang pumunuan ang Simbahan upang manatili silang karapat-dapat na kahalili ng mga apostol. Manalangin tayo.

Para sa ating mga binyagan, higit yung mga inuusig sa kanilang pananampalataya. Maipahayag nawa natin ang ating pananalig kay Kristong Muling Nabuhay na laging sumasaatin, hanggang sa huli nating hininga. Manalangin tayo.

Para sa lahat ng kabataan. Maging matatag nawa sila sa kanilang pananampalataya kay Hesus na Muling Nabuhay at masigasig na isabuhay ang katotohanan nito. Manalangin tayo.

Para sa mga media practitioners at vloggers, gamitin nawa nila ng responsable ang mga talento nilang kaloob ng Diyos sa komunikasyon sa pag-ulat ng katotohanan at ‘di fake news.

Ama, sa maringal na Pag-akyat ng Iyong Anak na si Hesus sa langit, pakinggan mo ang aming mga panalangin at patatagin kami sa aming pagsisikap na mahalin Siya at ipangalat ang Kanyang turo. Hinihiling naming ito sa ngalan ni Hesus na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 4,191 total views

 4,191 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 128,602 total views

 128,602 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 172,179 total views

 172,179 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 253,354 total views

 253,354 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Mayo 20, 2026

 145 total views

 145 total views Miyerkules sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Bernardino ng Siena, pari Mga Gawa 20, 28-38 Salmo 67, 29-30.

Read More »

Martes, Mayo 19, 2026

 145 total views

 145 total views Martes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 20, 17-27 Salmo 67, 10-11. 20-21 Tanang mga kaharian, ang Poong D’yos ay

Read More »

Lunes, Mayo 18, 2026

 145 total views

 145 total views Lunes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan I, papa at martir Mga Gawa 19, 1-8 Salmo 67,

Read More »

Sabado, Mayo 16, 2026

 101 total views

 101 total views Sabado sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 18, 23-28 Salmo 46, 2-3. 8-9. 10 Hari ng sangkalupaan D’yos na

Read More »

Biyernes, Mayo 15, 2026

 7,200 total views

 7,200 total views Paggunita kay San Isidro, magsasaka Mga Gawa 18, 9-18 Salmo 46, 2-3. 4-5. 6-7 Hari ng sangkalupaan D’yos na Makapangyarihan. Juan 16, 20-23a

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top