Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LUNES, SETYEMBRE 18, 2023

SHARE THE TRUTH

 3,397 total views

Lunes ng Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

1 Timoteo 2, 1-8
Salmo 27, 2. 7. 8-9

Ang Poon ay papurihan,
ako’y kanyang tinulungan.

Lucas 7, 1-10

Monday of the Twenty-fourth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Timoteo 2, 1-8

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, una sa lahat, ipinakikiusap kong paabutin ninyo sa Diyos ang inyong kahilingan, panalangin, pamanhik, at pasasalamat para sa lahat ng tao. Gayun din ang gawin ninyo para sa mga hari at mga maykapangyarihan upang makapamuhay tayo nang tahimik at payapa, marangal at may kabanalan. Ito ang mabuti at nakalulugod sa Diyos na ating Tagapagligtas na ang ibig ay maligtas ang lahat ng tao at makaalam ng katotohanan. Sapagkat iisa ang Diyos at iisa ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Kristo Hesus na naghandog ng kanyang buhay upang tubusin ang lahat. Siya ang katunayan ng banal na layunin ng Diyos at nahayag sa takdang panahon. Dahil dito, ako’y hinirang na mangangaral, apostol at tagapagturo ng pananampalataya at ng katotohanang ito sa mga Hentil. Katotohanan ang sinasabi ko, hindi ako nagsisinungaling.

Ibig kong ang mga lalaki sa lahat ng dako’y manalanging may malinis na kalooban, walang hinanakit o galit sa kapwa.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 27, 2. 7. 8-9

Ang Poon ay papurihan,
ako’y kanyang tinulungan.

Pag ako’y humingi sa iyo ng tulong, ako ay pakinggan,
taas ang kamay ko na dumadalangin sa templo mong banal.

Ang Poon ay papurihan,
ako’y kanyang tinulungan.

Ang Poon ang aking tagapagsanggalang, aking kalakasan,
kaya naman ang aking pagtitiwala ay sa kanya lamang.
Nagagalak ako sa kanyang ginawang pagtulong sa akin,
kaya naman ako ay laging aawit, siya’y pupurihin.

Ang Poon ay papurihan,
ako’y kanyang tinulungan.

Siya ang sanggalang ng bayang hinirang, kanyang iingatan,
ililigtas niya at ipagtatanggol ang haring hinirang.
Pagpalain sila, ingatan mo, Poon, sila’y iyong kawan,
iligtas mo sila’t nang di mapahamak ang mga hinirang;
bilang pastol nila, iyong kalingain sila habang buhay!

Ang Poon ay papurihan,
ako’y kanyang tinulungan.

ALELUYA
Juan 3, 16

Aleluya! Aleluya!
Kaylaki ng pagmamahal
ng Diyos sa sanlibutan
kaya’t Anak n’ya’y ‘binigay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 7, 1-10

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nang maituro ni Hesus sa mga tao ang kanyang aral, siya’y pumasok ng Capernaum. Doo’y may isang kapitang Romano na may aliping mahal sa kanya. May sakit ang aliping ito at nasa bingit ng kamatayan. Nang mabalitaan ng kapitan ang ginagawa ni Hesus, nagpasugo siya sa ilang matatanda sa mga Judio upang ipakiusap kay Hesus na puntahan at pagalingin ang alipin. Nang makita nila si Hesus, taimtim silang nakiusap sa kanya, “Siya’y karapat-dapat na pagbigyan ninyo sapagkat mahal niya ang ating bansa,” wika nila. “Ipinagpatayo pa niya tayo ng isang sinagoga.” Kaya’t sumama sa kanila si Hesus. Nang malapit na siya sa bahay, ipinasalubong siya ng kapitan sa kanyang mga kaibigan at ipinasabi ang ganito: “Ginoo, huwag na po kayong magpakapagod. Hindi ako karapat-dapat na puntahan ninyo sa aking tahanan. Ni hindi rin po ako karapat-dapat na humarap sa inyo. Ngunit magsalita po lamang kayo at gagaling na ang aking alipin. Sapagkat ako’y isang taong nasa ilalim ng mga nakatataas na pinuno, at may nasasakupan din po akong mga kawal. Kung sabihin ko sa isa, ‘Humayo ka!’ siya’y humahayo; at sa iba, ‘Halika! siya’y lumalapit; at sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ ito’y ginagawa niya.” Namangha si Hesus nang marinig ito, at humarap sa makapal na taong sumusunod sa kanya. Sinabi niya, “Kahit sa Israel ay hindi ako nakakita ng ganito kalaking pananalig.” Pagbabalik sa bahay, naratnan ng mga sinugo na magaling na ang alipin.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

May pananampalatayang kasingtatag ng sa senturyon, lumapit tayo sa Panginoon at manalangin para sa pangangailangan ng Simbahan at ng sandaigdigan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, basbasan mo kaming mga hindi karapat-dapat.

Ang Simbahan nawa’y hindi ituring ang sinuman saanman bilang banyaga o waring hindi kasapi, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namumuno sa ating buhay sibil nawa’y ituring ang bawat tao nang may katarungan at pagkakapantay-pantay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong kakaiba sa atin sa paniniwala, lahi o pinaglakhan nawa’y matutuhan nating unawain at tanggapin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, mga nalulumbay, at mga maysakit nawa’y tumanggap ng kasiyahan ng pag-ibig ng Diyos sa kanilang paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kapatid nawa’y tanggapin sa Kaharian ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng lahat ng tao, tinanggap ng iyong Anak ang pananampalataya ng senturyon na lumapit sa kanya nang may pagtitiwala at pagpapakumbaba. Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob ngayong nananalangin kami sa iyo sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang marinig naman nila ang katarungan

 10,451 total views

 10,451 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 86,434 total views

 86,434 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 110,424 total views

 110,424 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Pasko ng mga OFW

 100,747 total views

 100,747 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 116,725 total views

 116,725 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 50,961 total views

 50,961 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 51,192 total views

 51,192 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 51,706 total views

 51,706 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 37,157 total views

 37,157 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 37,266 total views

 37,266 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top