Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, DISYEMBRE 20, 2022

SHARE THE TRUTH

 2,182 total views

Ika-20 ng Disyembre
(Simbang Gabi)

Isaias 7, 10-14
Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6

Ang Panginoo’y darating,
s’ya’y dakilang Hari natin.

Lucas 1, 26-38

20th of December (Aguinaldo Mass) (White)

UNANG PAGBASA
Isaias 7, 10-14

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Noong mga araw na iyon, ipinasabi ng Panginoon kay Acaz: “Humingi ka sa akin ng palatandaan, maging sa kalaliman ng Sheol o sa kaitaasan ng langit.” Sumagot si Acaz: “Hindi po ako hihingi. Hindi ko susubukin ang Panginoon.”

Sinabi ni Isaias:
“Pakinggan mo, sambahayan ni David,
kulang pa ba ang galitin ninyo ang mga tao
na pati ang aking Diyos ay inyong niyayamot?
Kaya nga’t ang Panginoon na rin ang magbibigay ng palatandaan:
maglilihi ang isang dalaga
at manganganak ng lalaki
at ito’y tatawaging Emmanuel.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6

Ang Panginoo’y darating,
s’ya’y dakilang Hari natin.

Ang buong daigdig, lahat ng naroon,
may-ari’y ang Diyos, ating Panginoon;
ang mundo’y natayo at yaong sandiga’y
ilalim ng lupa, tubig kalaliman.

Ang Panginoo’y darating,
s’ya’y dakilang Hari natin.

Sino ang marapat umahon sa burol,
sa burol ng Poon, sino ngang aahon?
Sino’ng papayagang pumasok sa templo,
Sino’ng tutulutang pumasok na tao?
Siya, na malinis ang isip at buhay,
na hindi sumamba sa diyus-diyusan;
tapat sa pangako na binibitiwan.

Ang Panginoo’y darating,
s’ya’y dakilang Hari natin.

Ang Panginoong Diyos, pagpapalain siya,
ililigtas siya’t pawawalang-sala.
Gayon ang sinumang lumalapit sa Diyos
silang lumalapit sa Diyos ni Jacob.

Ang Panginoo’y darating,
s’ya’y dakilang Hari natin.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Halina, Susi ni David,
binubuksan mo ang langit
upang kami ay masagip.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 1, 26-38

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalantao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya’y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. “Matuwa ka! Ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos,” wika niya. “Sumasaiyo ang Panginoon.” Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya’t sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya’y tatawagin mong Hesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan.”

“Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?” tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya’y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayo’y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalantao – sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos.”

Sumagot si Maria, “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
SIMBANG GABI – Ikalimang Araw

Si Hesus ay siya nating “Emmanuel,” “ang Diyos sa piling natin.” Ang kanyang pagiging kapiling natin ay bukal ng kasiyahan at lakas. Ipagkatiwala natin sa kanya ang ating mga alalahanin at pag-asa habang nananalangin tayong:

Panginoong Hesus, makapiling ka nawa namin!

Panginoong Hesus, lumagi ka nawa sa iyong Simbahan habang tuwina siyang nagsisikap maghatid ng iyong Ebanghelyo sa lahat at magbigay-saksi rito sa buhay ng kanyang mga kasapi. Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, lumagi ka nawa sa Santo Papa, aming Obispo, aming kura paroko, at kanyang mga katulong, upang sila’y maging mga lalong mabisang ministro ng iyong inspirasyon at pamamatnubay. Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, lumagi ka nawa sa aming mga pinunong pulitikal at sibil, sa aming mga hukom, mga pulis, at mga sundalo, upang mabisa nilang maitaguyod ang katarungan, kaayusan, at kapakanang panlahat. Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, lumagi ka sa aming mga doktor, nars, at lahat ng naglilingkod sa pangangala- gang pangkalusugan, upang sila’y maging kasangkapan ng iyong nakagagaling na pagmamahal para sa lahat ng maysakit. Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, lumagi ka nawa sa lahat ng mga magulang upang sila’ y magmahalan nang tapat at mapalaki nila ang kani-kanilang mga anak bilang mabubuting Kristiyano at tapat na mga mamamayan. Manalangin tayo!

Manalangin tayo para sa ating mga sariling kahilingan at para sa ating mga mahal sa buhay. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, tulutan mong makaraos kaming maluwalhati sa lahat naming kahirapan at bumuo ng mga pamayanang nagtatampok sa pinaghaharian mo nang walang hanggan.

Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 63,793 total views

 63,793 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 86,625 total views

 86,625 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 111,025 total views

 111,025 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 129,795 total views

 129,795 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 149,538 total views

 149,538 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 34,905 total views

 34,905 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 35,136 total views

 35,136 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 35,631 total views

 35,631 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 25,905 total views

 25,905 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 26,014 total views

 26,014 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top