Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 169,680 total reads

Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger?

Ang involuntary hunger Kapanalig ay yaong mga nagugutom at hindi makakain ng isang beses sa loob ng tatlong buwan.

Dahil daw sa sunod sunod na kalamidad, naantala ang trabaho ng mga ahensiya ng gobyerno lalu na ang Department of Social Work and Development o DSWD upang mabawasan ang mga nagugutom?

Sa survey ng SWS sa noong ika-24 hanggang ika-30 ng Setyembre 2025, mula sa 16.1-percent noong Hunyo, tumaas sa 22-porsiyento ang mga nagugutom sa 3rd quarter ng taong kasalukuyan.

Naitala sa Metro Manila ang mataas na bilang ng mga nagugutom sa 25.7-percent.., 23.8 porsiyento sa Luzon at 19.7-percent sa Mindanao habang bumaba naman ang bilang ng mga nagugutom sa Visayas.

16.7-percent naman ang dumaranas ng moderate hunger habang 5.2 percent naman ang dumaranas ng severe hunger o madalas na pagkagutom.

Kapanalig, ang dumaraming bilang ng mga Pilipino na kumakalam ang sikmura ay hindi dahil sa sunod-sunod na kalamidad., Kundi ito’y resulta ng kawalan ng trabaho, mahal na presyo ng mga pangunahing bilihin at kawalan ng polisiya ng pamahalaan para itaas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap na Pilipino. Kung hindi hinayaan, kinonsente ng pamahalaan ang paglaganap ng kultura ng korapsyon., ang trilyong pisong pondo na nawawala sa kaban ng bayan kada dahil sa katiwalian., wala sanang mahirap, wala sanang nagugutom na mga Pilipino.

Hindi mareresolba ang nararanasang gutom ng mga dukha kung walang “political will” ang gobyerno para sa kapakanan ng mahihirap. Paano mai-sasalba ng pamahalaan sa nararanasang gutom ang maraming Pilipino kung aasa lamang sa panaka-nakang “dole-out”? Hindi dole-out ang kailangan ng mga mahihirap na Pilipino kundi livelihood o programang pangkabuhayan.

Ang laging solusyon ng pamahalaan para maibsan ang nararanasang gutom ay ipa-freeze ang halaga ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan. Kapanalig, ang ayaw tingnan o malaman ng Malakanyang ay kung may pambili ba ang mga mahihirap na Pilipino? Price freeze? Konting sentido-kumon naman!

Kapanalig, sinasabi ng JAMES 2:14-17 “What good is it, my brothers, if someone says he has faith but does not have works? Can that faith save him? If a brother or sister is poorly clothed and lacking in daily food, and one of you says to them, ‘Go in peace, be warmed and filled,’ without giving them the things needed for the body, what good is that?”

Dapat tularan ng mga lider ng Pilipinas ang Psalm 113:7 “He raises the poor from the dust and lifts the needy from the ash heap.”

Hindi lang dapat aminin ng administrasyong Marcos ang masaklap na kalagayan ng mga mahihirap. Kung may malasakit ang pamahalaan sa mga mahihirap., Tularan nila ang panginoon, God reaches down, lifting them from the lowest places of life.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 2,368 total reads

 2,368 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 222,987 total reads

 222,987 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 257,660 total reads

 257,660 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 273,560 total reads

 273,560 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 309,890 total reads

 309,890 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagod na pagod

 2,369 total reads

 2,369 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 222,988 total reads

 222,988 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 257,661 total reads

 257,661 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 273,561 total reads

 273,561 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »
Scroll to Top