Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, ENERO 2, 2024

SHARE THE TRUTH

 8,334 total views

Paggunita kina Dakilang San Basilio at San Gregorio Nasianseno,
mga Obispo at Pantas ng Simbahan

1 Juan 2, 22-28
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.

Juan 1, 19-28

Memorial of Saints Basil the Great and Gregory Nazianzen, Bishops and Doctors of the Church (White)

UNANG PAGBASA
1 Juan 2, 22-28

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Minamahal kong mga kapatid, sino ang sinungaling? Hindi ba ang tumatangging si Hesus ang Kristo? Ito nga ang anti-Kristo: ang ayaw kumilala sa Ama at sa Anak. Ang di kumikilala sa Anak ay di rin kumikilala sa Ama. Kapag tinanggap ninuman ang Anak, pati ang Ama’y sasakanya.

Pakaingatan ninyo sa inyong puso ang narinig ninyo sa simula pa. Kung gawin ninyo ito, mananatili kayo sa Anak at sa Ama. At ito ang ipinangako sa atin ni Kristo: buhay na walang haggan.

Ang isinulat ko sa inyo ay ang tungkol sa mga nagnanasang magligaw sa inyo. Ang Espiritu’y ipinagkaloob na ni Kristo sa inyo. At habang siya’y nananatili sa inyo, hindi na kailangang turuan kayo ninuman. Ang Espiritu ang nagtuturo sa inyo sa lahat ng bagay, at totoo ang itinuturo niya – hindi kasinungalingan. At tulad ng itinuro ng Espiritu, manatili kayo kay Kristo.

Kaya nga, mga anak, manatili kayo sa kanya upang maging panatag ang ating loob sa muling pagparito niya at hindi tayo mahiya sa kanya sa araw na yaon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4

Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.

ALELUYA
Hebreo 1, 1-2

Aleluya! Aleluya!
N’ong dati’y mga propeta
ngayon nama’y Anak niya
ang sugo ng D’yos na Ama.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 1, 19-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Nang suguin ng mga Judio sa Jerusalem ang ilang saserdote at Levita upang itanong kung sino siya, sinabi ni Juan ang katotohanan. Sinabi niyang hindi siya ang Mesias. “Kung gayo’y sino ka?” tanong nila. “Ikaw ba si Elias?” “Hindi po,” tugon niya. “Ikaw ba ang Propetang hinihintay namin?” Sumagot siya, “Hindi po.” “Sino ka kung gayun?” Tanong nila uli. “Sabihin mo sa amin para masabi namin sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?” Sumagot si Juan, “Ako ‘Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang: Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon!’” Ang Propeta Isaias ang maysabi nito. Ang mga nagtanong ay sugo ng mga Pariseo. Muli nilang tinanong si Juan, “Bakit ka nagbibinyag, hindi pala naman ikaw ang Mesias, ni si Elias, ni ang Propeta?” Sumagot siya, “Ako’y nagbibinyag sa tubig, ngunit nasa gitna ninyo ang isang hindi ninyo nakikilala. Siya ang susunod sa akin, subalit hindi ako karapat-dapat magkalag man lamang ng tali ng kanyang panyapak.” Ito’y nangyari sa Betania, sa ibayo ng Jordan na pinagbibinyagan ni Juan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
ENERO 2

Itinuring ni Juan Bautista ang kanyang sarili na hindi karapat-dapat sa tungkuling ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos. Sa kabila nito, tinupad niya ang kanyang misyon sa diwa ng paglilingkod at kababang-loob. Taglay ang ganitong diwa, lumapit tayo sa Ama upang tulungan niya tayo sa ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Guro, lukuban nawa kami ng Iyong Espiritu.

Ang mga lingkod ng Simbahan nawa’y tumupad sa kanilang tungkulin nang may pagpapakumbaba at kabutihang-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may katungkulan sa pamahalaan nawa’y magtaglay ng tapat na hangaring kumilos para sa kapakanan ng lahat ng mamamayan at hanapin ang ikabubuti ng lahat sa halip na unahin ang pansarili nilang kapakanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang at guro nawa’y maging inspirasyon ng mga kabataan at mag-aaral at mahikayat sila sa pagtitiyaga at pagsisikap sa pag-aaral sa kabila ng kahirapan at pagkabigo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y magkaroon ng kapanatagan ng loob sa pamamagitan ng ating pagmamahal at pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa na, ay makatagpo nawa ng kapayapaan at kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, sa pamamagitan ni San Juan, tinuturuan mo kaming maging mga abang lingkod. Loobin mo na matularan namin ang kanyang halimbawa upang makasalo kami sa iyong buhay sa Kaharian kung saan ikaw ang Panginoon magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 52,060 total views

 52,060 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 117,188 total views

 117,188 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 77,808 total views

 77,808 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 139,582 total views

 139,582 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 159,539 total views

 159,539 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 38,603 total views

 38,603 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 38,834 total views

 38,834 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 39,337 total views

 39,337 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 28,759 total views

 28,759 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 28,868 total views

 28,868 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top