MIYERKULES, DISYEMBRE 27, 2023

SHARE THE TRUTH

 8,092 total reads

Kapistahan ni Apostol San Juan,
Manunulat ng Mabuting Balita

1 Juan 1, 1-4
Salmo 96, 1-2. 5-6. 11-12

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

Juan 20, 2-8

Feast of Saint John, Apostle and Evangelist (White)

UNANG PAGBASA
1 Juan 1, 1-4

Ang simula ng unang sulat ni Apostol San Juan

Mga pinakamamahal, sumusulat kami sa inyo tungkol sa kanya na sa simula pa’y siya na, ang Salita na nagbibigay-buhay. Narinig namin siya at nakita, napagmasdan at nahipo ng aming mga kamay. Nahayag ang Buhay. Nakita namin siya at pinatotohanan sa inyo. At ipinangangaral namin sa inyo ang Buhay na walang hanggan na kasama ng Ama, at nahayag sa amin. Ipinahahayag nga namin sa inyo ang aming nakita’t narinig, upang makasama namin kayo sa pakikiisa sa Ama at sa kanyang Anak na si Hesukristo. Sinusulat namin ito upang malubos ang ating kagalakan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 96, 1-2. 5-6. 11-12

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

Ang Poon ay maghahari, magalak ang kalupaan!
Lahat kayong mga pulo ay magsaya at magdiwang!
Ang paligid niya’y ulap na lipos ng kadiliman,
kaharian niya’y tapat at salig sa katarungan.

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

Yaong mga kabunduka’y natutunaw, parang pagkit,
sa harapan ng dakilang Panginoon ng daigdig.
Sa langit ay nahahayag yaong kanyang katuwiran,
sa lupa ay makikita ang kanyang kadakilaan.

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

Sa tapat ang pamumuhay ay sisinag ang liwayway,
sa dalisay namang puso maghahari’y kagalakan.
Ang matuwid ang gawain ay galak ang masusumpong,
sa maraming kabutihang ginawa ng Panginoon;
ang ginawa niyang ito’y dapat nating gunitain,
at sa Poon ay iukol ang papuring walang maliw!

Sa Panginoo’y magalak
ang masunuri’t matapat.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Mga tapat na apostol
ay nagpupuri sa Poon
sa langit habang panahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 20, 2-8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Madilim-dilim pa nang araw ng Linggo, patakbong pumunta si Maria Magdalena kay Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Hesus, at sinabi sa kanila, “Kinuha sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala!” Kaya’t si Pedro at ang nasabing alagad ay nagpunta sa libingan. Kapwa sila tumakbo ngunit si Pedro’y naunahan ng kasamang alagad. Yumuko ito at sumilip sa loob. Nakita niyang nakalagay ang mga kayong lino, ngunit hindi siya pumasok. Kasunod niyang dumating si Simon Pedro at tuluy-tuloy itong pumasok sa libingan. Nakita niya ang mga kayong lino, at ang panyong ibinalot sa ulo. Hindi ito kasama ng mga kayong lino, kundi hiwalay na nakatiklop sa isang tabi. Pumasok din ang alagad na naunang dumating; nakita niya ito at siya’y naniwala.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Disyembre 27
Apostol San Juan, Manunulat ng Mabuting Balita

Tinagurian si Juan bilang “mahal na alagad” sapagkat siya ang tapat at malapit sa puso ni Kristo. Tumatawag tayo sa Diyos na Nagkatawang-tao, “ang Salitang buhay” na inihayag sa kanyang Ebanghelyo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ni Jesus, basbasan mo kami.

Ang Simbahan nawa’y maging masigasig sa kanyang apostolikong misyon na ipinagkatiwala sa kanya ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magsikap isunod ang ating kalooban sa kalooban ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tulad ni apostol San Juan, tayo nawa’y magkaroon ng malalim na pagkakilala kay Jesus sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga katotohanan ng ating pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng lakas ng loob na sumunod kay Kristo sa krus at sa libingang walang laman, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y makibahagi sa maamong pagmamahal ni San Juan kay Maria na ating ina, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng Salitang Nagkatawang-tao, habang nagdiriwang kami sa pagsilang ng iyong Anak, dinggin mo nawa kami sa mga kahilingang inilalapit namin sa iyo, kaisa ng mahal na alagd na aming huwaran sa buhay-Kristiyano. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

THE LOST LESSONS

 85,011 total reads

Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future

Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa. Ika nga ng pinuno ng Caritas Manila, “education is great equalizer”.

Ngunit, papaano kung ang mismong pundasyon na siyang magtatakda ng nation’s future ay dahan-dahang bumabagsak?

Kapanalig, ang Pilipinas ay patuloy na nahaharap sa seryosong krisis pang-edukasyon, hindi lamang ito banta at balakid sa kinabukasan ng milyun-milyong mga mag-aaral na Pilipino kundi sa misyong social at economic development ng bansa.

Dahil sa korapsyon, siksikang mga silid-alaran, kulang-kulang na learning materials, sagad sa trabahong mga guro, patuloy na pagbaba ng academic performance…mababanaag natin ang masakit na katotohanan., milyun-milyong mga mag-aaral ang pumapasok sa paaralan., ngunit marami sa kanila ang hindi nakakatanggap na kuwalidad ng edukasyon na nararapat para sa kanila.

Sinasabi ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), umaabot sa 49-porsiyento ng mga mag-aaral ay hindi nakakapagbasa sa inaasahan nilang grade level na Grade 3 noong school year 2024-2025.

Ang lalong nakakaalarma Kapanalig: 0.40-percent lamang ng mga estudyante ay nakakaabot ng kanilang profiency sa Grade 12.

Inilalantad ng findings ang nakakabahalang agwat sa pagitan ng pagpasok sa eskuwelahan at natutuhan.

Ang dahilan ng krisis: kakulangan sa sapat na school facilities. Maraming pampublikong paaralan ay nagkakasya sa siksikang silid-aralan, kulang na mga upuan, outdated na mga libro, limitadong learning resources. Noong July 2026, nasa 166,000 ang backlog sa mga silid-aralan sa buong Pilipinas. Ang nakakalungkot, bukod sa kakulangan ng kasanayan sa pagtuturo, ang mga guro ay ‘multi-tasking”.

Kapanalig sa lahat ng krisis na nararanasan sa bansa ay dulot ng kahirapan. Hindi pantay ang oportunidad, paano ka matuto kung ilang kilometro ang lalakarin mo bago makarating sa paaralan, kumakalam ang sikmura, walang access sa learning resources at kailangan pang magbanat ng buto pagkatapos ng klase upang masuportahan ang hapag-kainan. Kapanalig, sa mga mahihirap, hindi fundamental right ang edukasyon., napaka-layong maabot.

Nakasaad sa ARTICLE XIV, Section 1- “The State shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels and shall take appropriate steps to make such education accessible to all.”

Sa harap ng reyalidad na ito? Nasaan ang gobyerno? Ano ang ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan? Nasaan ang Kongreso? Nasaan ang pangulo ng Pilipinas? Ano ang ginagawa sa bilyun-bilyong pisong pondo kada taon sa Kagawarang Pang-Edukasyon?

Kapanalig, sinasabing “A country cannot build a brighter future by leaving its children behind.”

Kapanalig, sinasabi ng Deuteronomy 6:6-7, “These words I am commanding you today are to be upon your hearts. And you shall teach them diligently to your children and speak of them when you sit at home and when you walk along the road, when you lie down and when you get up”.

Sumainyo ang Katotohanan.

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 135,374 total reads

Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang ating kinabukasan at naglalagay sa panganib sa ating mga buhay.

Bawat taon, nahaharap ang iba’t-ibang komunidad sa malalakas na bagyo, mapinsalang baha, pagguho ng lupa, matinding init ng panahon at matagal na tagtuyot.

Sa kabila ng paulit-ulit na nararanasang trahedya, ang mahalagang katanungan: Sapat ba pa ang ating paghahanda sa maaring tumamang kalamidad?

Ang nakakaalarma Kapanalig, tayo mismo ang tatamaan ng pinsala dahil sa ating kapabayaan. Tayo ang may kasalanan sa hindi tamang waste disposal, laganap ang illegal logging, walang habas na pagmimina sa mga kabundukan, irresponsible development tulad ng PAX Silica at walang pakundangang pagsira sa ating natural na ecosystems.

Mayroon ba tayong ginagawa? May ginagawa ba ang ating gobyerno?

Kapanalig ang disaster preparedness ay hindi dapat ginagawa kapag papalapit na ang bagyo. Nararapat ang ating pamahalaan ay mamuhunan sa matatag na infrastructure, epektibong drainage system, epektibong early warning mechanism, madaling ma-access na evacuation centers, at kumpleto sa kagamitan ang response team.

Pero, ang tanong: Prayoridad ba ng ating mga lider ang pagtugon sa climate crisis? Para sa kanila, sayang lang ang pondo, mas maiging maibulsa muna.

Kapanalig, ang pinakamasaklap na tragedya ay hind isa pananalasa ng kalamidad… kundi sa pagkawala ng inosenteng buhay, dahil sa ating kabiguang maghanda sa kalamidad na alam natin kung kailan mangyayari.

Sa Laudato Si ni Pope Francis: Iginigiit sa mga lider ng bansa at mamamayan ang una: Response to the Cry of the Earth tulad ng paggamit ng malinis na renewable energy at pagbabawas sa paggamit ng fossil fuels; Pangalawa- Response to the Cry of the Poor, Pangatlo: Ecological Economics, sapat na produksyon,patas na kalakalan, ethical na pamumuhunan at iwasan ang mapinsalang economic activity.

Pang-apat: Adoption of Simple Lifestyles, payak na pamumuhay at iwasan ang labis-labis na paggamit ng resources at enerhiya gayundin ang pagbabawas sa pagkain ng karne.

Panglima: Ecological Education, pagre-design sa educational curricula at educational institution reform sa diwa ng integral ecology at ecological vocation ng bawat mamayan.

Pang-anim: Ecological Spirituality,isabuhay ang pagiging mabuting katiwala ng sangnilikha at pangpito:
Community involvement.

Ganito dapat ang mindset nating mga Pilipino, lalu ng mga lider ng bansa sa halip na maging ganid sa pera ng taumbayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

NO REGRETS

 18,876 total reads

Gospel Reading for November 19, 2026 – Luke 9: 41-44

NO REGRETS

As Jesus drew near Jerusalem, he saw the city and wept over it, saying, “If this day you only knew what makes for peace– but now it is hidden from your eyes. For the days are coming upon you when your enemies will raise a palisade against you; they will encircle you and hem you in on all sides. They will smash you to the ground and your children within you, and they will not leave one stone upon another within you because you did not recognize the time of your visitation.”

————

Due to the Jewish insurgency against the Romans, which started in 66 CE, Jerusalem was besieged by Roman soldiers under the command of Titus in 70 CE. The Second Temple was destroyed, and large numbers of residents died from combat, disease, and starvation. Many survivors were enslaved or executed, while the treasures of the Temple were paraded in Rome.

Biblical scholars believe that this was the event Jesus was referring to. He wept because he knew the suffering and death it would bring to his countrymen. He did not think that the Jews deserved such a fate, even though he himself would also experience suffering and death at their hands. He simply regretted that they had not listened to him and understood the importance of spiritual life above governments and politics.

When we listen and follow God’s Word, there will be NO REGRETS.

Lord Jesus, may godly matters always be the priority in our lives. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 85,012 total reads

 85,012 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 135,375 total reads

 135,375 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 264,780 total reads

 264,780 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 350,165 total reads

 350,165 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 409,450 total reads

 409,450 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 34,234 total reads

 34,234 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 36,755 total reads

 36,755 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 38,840 total reads

 38,840 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 37,359 total reads

 37,359 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 38,459 total reads

 38,459 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top