VeritasPH

The Word, The Truth

MIYERKULES, DISYEMBRE 28, 2022

SHARE THE TRUTH

 1,648 total views

Kapistahan ng mga Banal na Sanggol na Walang Kamalayan, Mga Martir

1 Juan 1, 5 – 2, 2
Salmo 123, 2-3. 4-5. 7b-8

Tayo’y ibong nakatakas
nang ang bitag ay mawasak.

Mateo 2, 13-18

Feast of the Holy Innocents, martyrs (Red)

UNANG PAGBASA
1 Juan 1, 5 – 2, 2

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Mga pinakamamahal, ito ang aming narinig kay Hesukristo, at ipinahahayag namin sa inyo: ang Diyos ay ilaw, at walang anumang kadiliman sa kanya. Kung sinasabi nating tayo’y kaisa niya, ngunit namumuhay naman sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay sa katotohanan. Ngunit kung namumuhay tayo sa liwanag, kung paanong siya’y nasa liwanag; tayo’y nagkakaisa at nililinis ng dugo ni Hesus na kanyang Anak sa lahat ng ating kasalanan.

Kung sinabi nating tayo’y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili, at wala sa atin ang katotohanan. Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, maaasahan nating ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siya’y matuwid. Kung sinasabi nating hindi tayo nagkakasala, ginagawa nating sinungaling ang Diyos, at wala sa atin ang kanyang salita.

Mga anak, isinusulat ko ito sa inyo para hindi kayo magkasala. Ngunit kung magkasala ang sinuman, may Tagapamagitan tayo sa Ama. At iya’y si Hesukristo, ang walang sala. Sapagkat si Kristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan natin, at kasalanan din ng lahat ng tao.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 123, 2-3. 4-5. 7b-8

Tayo’y ibong nakatakas
nang ang bitag ay mawasak.

Kung ang Panginoong Diyos, sa amin ay di pumanig,
noong kami’y salakayin ng kaaway na malupit,
maaaring kami noon ay nilulon na nang buhay,
sa silakbo ng damdamin at matinding kagalitan.

Tayo’y ibong nakatakas
nang ang bitag ay mawasak.

Maaaring kami noo’y natangay na niyong agos,
naanod sa karagata’t tuluy-tuloy na nalunod;
sa lakas ng agos noo’y nalunod nga kaming lubos.

Tayo’y ibong nakatakas
nang ang bitag ay mawasak.

Nang ang bitag ay mawasak lubos tayong nakalaya.
Tulong nating kailangan ay sa Poon nagmumula,
pagkat itong lupa’t langit tanging siya ang lumikha.

Tayo’y ibong nakatakas
nang ang bitag ay mawasak.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Tanang martir na nag-alay
ng sarili nilang buhay
sa iyo’y nagpaparangal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 2, 13-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Pagkaalis ng mga Pantas, napakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi sa kanya, “Magbangon ka, dalhin mo agad sa Egipto ang mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga’t hindi ko sinasabi sa iyo, sapagkat hahanapin ni Herodes ang sanggol upang patayin.” Kaya dali-daling bumangon si Jose at nang gabing iyo’y dinala sa Egipto ang mag-ina. Doon sila tumira hanggang sa mamatay si Herodes.

Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, “Tinawag ko ang aking Anak mula sa Egipto.”

Galit na galit si Herodes nang malamang siya’y napaglalangan ng mga Pantas. Kaya’t ipinapatay niya ang mga batang lalaki sa Betlehem at mga palibot na pook – lahat ng may gulang na dalawang taon pababa, alinsunod sa panahon ng paglitaw ng tala na natiyak niya sa mga Pantas.

Sa gayo’y natupad ang sinabi ni Propeta Jeremias:
“Narinig sa Rama ang malakas na panaghoy.
Tinatangisan ni Raquel ang kanyang mga anak.
Hindi siya maaliw sa tindi ng kalungkutan dahil sa pagkamatay nila.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Disyembre 28
Mga Banal na Sanggol

Isinilang si Kristong ating Panginoon sa isang mundong winasak ng kasalanan. Ang kalupitang umangkin sa buhay ng mga Banal na Sanggol ang sa kalauna’y nagdala sa kanya sa krus. Manalangin tayo para sa mundong ito, nawasak ngunit tinubos ng sakripisyo ng pag-ibig ng mga walang-malay.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pamamagitan ng dugo ng mga martir, dinggin kami, O Panginoon.

Ang mga batang hindi pa naisisilang nawa’y iligtas ni Kristo, na isinilang bilang ating Tagapagligtas, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Diyos, na siyang bukal ng lahat ng buhay nawa’y magdala ng katapusan sa paglalaglag ng mga sanggol sa sinapupunan at sa lahat ng anyo ng karahasan sa ating mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y makapagtatag ng isang lipunan ng pag-ibig at katarungan na nakabatay sa paggalang sa buhay ng bawat tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Diyos, na nagsugo ng kanyang Anak upang magligtas at hindi upang magpahamak nawa’y siya ring humipo sa puso ng lahat ng nagpalaglag ng sanggol sa kanilang sinapupunan at pagkalooban sila ng biyaya ng pagsisisi at pagbabago, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng batang hindi naisilang dahil sa paglalaglag sa kanila mula sa sinapupunan ng kanilang mga ina nawa’y tanggapin sa walang hanggang tirahang inihanda sa Langit para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Mahabagin at butihing Ama, tanggapin mo ang aming mga panalangin sa aming pagsisikap na unawain ang hiwaga ng dugo ng walang malay. Tulungan mo kaming laging alalahanin ang ipinako sa krus at Muling Nabuhay na Anak mo na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 10,833 total views

 10,833 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 18,878 total views

 18,878 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 23,958 total views

 23,958 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 29,665 total views

 29,665 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 38,453 total views

 38,453 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »

Watch Live

DONATE NOW
Shadow

Related Story

MARTES, HULYO 16, 2024

 367 total views

 367 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen Zacarias 2, 14-17 Lucas 1, 46-47. 48-49. 50-51. 52-53. 54-55 D’yos ay Makapangyarihan, Banal ang kanyang pangalan. o kaya Mahal na Birheng Maria, Ina ng Anak ng Ama. Mateo 12, 46-50 Memorial of Our Lady of Mount Carmel (White) UNANG PAGBASA Zacarias 2, 14-17

Read More »

LUNES, HULYO 15, 2024

 1,073 total views

 1,073 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 1, 10-17 Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23 Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n’yang lubos. Mateo 10, 34 – 11, 1 Memorial of St. Bonaventure, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang

Read More »

LINGGO, HULYO 14, 2024

 1,339 total views

 1,339 total views Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Amos 7, 12-15 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa. Efeso 1, 3-14 Marcos 6, 7-13 Fifteenth Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 7, 12-15 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Noong mga araw na iyon, hinarap ni Amasias, ang

Read More »

SABADO, HULYO 13, 2024

 1,657 total views

 1,657 total views Sabado ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Enrico o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Isaias 6, 1-8 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na! Ang damit n’ya’y maharlika. Mateo 10, 24-33 Saturday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

BIYERNES, HULYO 12, 2024

 2,121 total views

 2,121 total views Biyernes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 14, 2-10 Salmo 50, 3-4. 8-9. 12-13. 14 at 17 Pupurihin ko kailanman ang dakila mong pangalan. Mateo 10, 16-23 Friday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 14, 2-10 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas Ito ang sinasabi

Read More »

HUWEBES, HULYO 11, 2024

 2,522 total views

 2,522 total views Paggunita kay San Benito, abad Oseas 11, 1-4. 8k-9 Salmo 79, 2ak at 3b. 15-16 Poon kami’y ‘yong iligtas at tanglawan ng ‘yong sinag. Mateo 10, 7-15 Memorial of St. Benedict, Abbot (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Oseas 11, 1-4. 8k-9 Pagbasa mula

Read More »

MIYERKULES, HULYO 10, 2024

 2,252 total views

 2,252 total views Miyerkules ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 10, 1-3. 7-8. 12 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Hanapin ang Poon lagi, sa harap n’ya manatili. Mateo 10, 1-7 Wednesday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 10, 1-3. 7-8. 12 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas Ang

Read More »

MARTES, HULYO 9, 2024

 2,624 total views

 2,624 total views Martes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin Zhao Rong, pari at martir, at mga Kasama, mga martir Oseas 8, 4-7. 11-13 Salmo 113 B, 3-4. 5-6. 7ab-8. 9-10 Israel na bayan ng D’yos, papurihan mo s’yang lubos. Mateo 9, 32-38 Tuesday of the Fourteenth Week in

Read More »

LUNES, HULYO 8, 2024

 3,188 total views

 3,188 total views Lunes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22 Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag. Mateo 9, 18-26 Monday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Oseas 2, 16. 17b-18, 21-22 Pagbasa mula sa aklat ni propeta

Read More »

SABADO, HULYO 6, 2024

 3,388 total views

 3,388 total views Sabado ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Goretti, dalaga at martir o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Amos 9, 11-15 Salmo 84, 9. 11-12. 13-14 Ang Poo’y nagsasalita na bayan n’ya’y papayapa. Mateo 9, 14-17 Saturday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

BIYERNES, HULYO 5, 2024

 3,369 total views

 3,369 total views Biyernes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Zacarria, pari Amos 8, 4-6. 9-12 Salmo 118, 2. 10. 20. 30. 40. 131 Ang tao ay nabubuhay sa Salita ng Maykapal. Mateo 9, 9-13 Friday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Anthony Zaccaria,

Read More »

HUWEBES, HULYO 4, 2024

 3,589 total views

 3,589 total views Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Isabel na taga-Portugal Amos 7, 10-17 Salmo 18, 8. 9. 10. 11 Matuwid ang kahatulan ng Panginoon ng tanan. Mateo 9, 1-8 Thursday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Elizabeth of Portugal, Married Woman, Queen (White) UNANG

Read More »

MIYERKULES, HULYO 3, 2024

 3,390 total views

 3,390 total views Kapistahan ni Apostol Santo Tomas Efeso 2, 19-22 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Juan 20, 24-29 Feast of St. Thomas, Apostle (Red) UNANG PAGBASA Efeso 2, 19-22 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi

Read More »

MARTES, HULYO 2, 2024

 2,962 total views

 2,962 total views Martes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Amos 3, 1-8; 4, 11-12 Salmo 5, 5-6. 7. 8 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Mateo 8, 23-27 Tuesday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 3, 1-8; 4, 11-12 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Pakinggan ninyo,

Read More »

LUNES, HULYO 1, 2024

 2,839 total views

 2,839 total views Lunes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Amos 2, 6-10. 13-16 Salmo 49, 16bk-17. 18-19. 20-21. 22-23 Tinig ng D’yos dapat dinggin kahit ng ayaw pumansin. Mateo 8, 18-22 Monday of the Thirteenth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Amos 2, 6-10. 13-16 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Amos Ito ang

Read More »
Scroll to Top