MIYERKULES, DISYEMBRE 7, 2022

SHARE THE TRUTH

 2,071 total views

Paggunita kay San Ambrosio, obispo at pantas ng Simbahan

Isaias 40, 25-31
Salmo 102, 1-2. 3-4. 8 at 10

Panginoo’y papurihan,
aba kong sariling buhay.

Mateo 11, 28-30

Memorial of St. Ambrose, Bishop and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules sa Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

UNANG PAGBASA
Isaias 40, 25-31

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Saan ninyo ngayon ipaparis ang Diyos?
Siya’y kanino itutulad?
Tumingin kayo sa sangkalangitan.
Sino ba ang lumikha ng mga bituin?
Sino ba ang sa kanila’y nagpapakilos
at isa-isang tumatawag sa kanilang pangalan?
Dahil sa kanyang kapangyarihan,
isa ma’y wala siyang nakaligtaan.
Israel, bakit ikaw ay nagrereklamo
na tila di alintana ng Panginoon
ang kabalisahan mo,
at tila di pansin ang iyong kaapihan?
Di ba ninyo alam, di ba ninyo talos,
na itong Panginoon ang walang hanggang Diyos?
Siya ang lumikha ng buong daigdig,
hindi siya napapagod;
sa isipan niya’y walang makatatarok.
Ang mga mahina’t napapagal ay pinalalakas.
Kahit kabataan
ay napapagod at nanlulupaypay.
Ngunit ang nagtitiwala sa Panginoon
ay magpapanibagong sigla.
Ang lakas nila’y matutulad
sa walang pagod na pakpak ng agila.
Sila’y tatakbo nang tatakbo
ngunit di manghihina,
lalakad nang lalakad
ngunit hindi mapapagod.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 102, 1-2. 3-4. 8 at 10

Panginoo’y papurihan,
aba kong sariling buhay.

Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.

Panginoo’y papurihan,
aba kong sariling buhay.

Ang lahat kong kasalana’y siya ang nagpapatawad,
ang anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.
Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas,
at pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag.

Panginoo’y papurihan,
aba kong sariling buhay.

Kay ganda ng kalooban, mahabagin itong Diyos,
kung magalit ay banayad, kung umibig nama’y lubos.
Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway;
di na tayo sinisingil sa nagawang kasalanan.

Panginoo’y papurihan,
aba kong sariling buhay.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Panginoon nagliligtas
sa ati’y darating tiyak
mapalad s’yang makaharap.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 11, 28-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus: “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako’y maamo at mababang-loob at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Adbiyento
Miyerkules

Sinabi ni Jesus, “Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapasan, at pagiginhawahin ko kayo.” Buo ang tiwala sa pangakong ito, idulog natin sa kanya ang ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Jesus, maawa ka sa amin.

Ang Santo Papa at mga obispo ng Simbahan nawa’y gabayan tayo sa daan ng kapayapaan at pagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinanghihinaan ng loob dahil sa mabibigat na pasanin sa buhay nawa’y makahanap ng kanlungan sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Amg mga naliligalig o nagdaranas ng kaguluhan ng isip nawa’y makatagpo ng kapanatagan kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinahihirapan ng karamdaman at pananakit ng katawan nawa’y makatagpo ng ginhawa at paggaling sa pangangalaga at malasakit ng mga taong kumakalinga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa na ay makatagpo nawa ng walang hanggang kapahingahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, ipinanganagko sa main ng iyong Anak na kami ay kanyang pagiginhawahin kapag kami ay nahihirapan. Loobin mo na sa tuwina’y makasunod kami sa kanyang paggabay at palakasin kami upang maging mga kasangkapan ng kanyang kapayapaan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 52,366 total views

 52,366 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 70,266 total views

 70,266 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 116,832 total views

 116,832 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 104,598 total views

 104,598 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 122,099 total views

 122,099 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Mayo 10, 2026

 2,660 total views

 2,660 total views Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A) Mga Gawa 8, 5-8. 14-17 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. 16 at 20 Sangkalupaang

Read More »

Sabado, Mayo 9, 2026

 3,921 total views

 3,921 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 1-10 Salmo 99, 2. 3. 5 Purihin ng lahat ang D’yos, parangalan

Read More »

Biyernes, Mayo 8, 2026

 5,329 total views

 5,329 total views Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 15, 22-31 Salmo 56, 8-9. 10-12 Sa gitna ng mga bansa sabihing “D’yos

Read More »

Huwebes, Mayo 7, 2026

 4,182 total views

 4,182 total views Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 15, 7-21 Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 10 Sa lahat ay pinahayag gawa ng

Read More »

Miyerkules, Mayo 6, 2026

 3,464 total views

 3,464 total views Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 15, 1-6 Salmo 122, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top