MIYERKULES, ENERO 25, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,430 total reads

Kapistahan ng Pagbabagong-Buhay ni Apostol San Pablo

Mga Gawa 22, 3-16
o kaya Gawa 9, 1-22
Salmo 116, 1. 2

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

Marcos 16, 15-18

Feast of the Conversion of Saint Paul, Apostle (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 22, 3-16

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, sinabi ni Pablo sa mga tao, “Ako’y isang Judio, ipinanganak sa Tarso ng Cilicia ngunit lumaki rito sa Jerusalem. Nag-aral ako kay Gamaliel at buong higpit na tinuruan sa Kautusan ng ating mga ninuno. Tulad ninyong lahat, ako’y masugid na naglilingkod sa Diyos. Inusig ko at ipinapatay ang mga sumusunod sa Daang ito. Ipinagapos ko at ipinabilanggo sila, lalaki’t babae. Makapagpapatotoo tungkol dito ang pinakapunong saserdote at ang buong kapulungan ng matatanda. Binigyan pa nila ako ng mga sulat para sa mga Judio sa Damasco, at pumunta ako roon upang dakpin ang mga tagasunod doon at dalhin dito sa Jerusalem upang parusahan.

“Magtatanghaling-tapat noon, at malapit na ako sa Damasco. Biglang kumislap sa aking paligid ang isang matinding liwanag mula sa langit. Nasubasob ako sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsabi sa akin, ‘Saulo, Saulo! Bakit mo ako pinag-uusig?’ Ako’y sumagot, ‘Sino po kayo, Panginoon?’ ‘Ako’y si Hesus na taga-Nazaret na iyong pinag-uusig,’ tugon niya. Nakita ng mga kasama ko ang liwanag, ngunit hindi nila narinig ang tinig ng nagsalita sa akin. At akin ding itinanong, ‘Ano po ang gagawin ko, Panginoon?’ Ang tugon sa aki’y, ‘Tumindig ka at pumunta sa Damasco. Sasabihin sa iyo roon ang lahat ng dapat mong gawin.’ Nabulag ako dahil sa kaningningan ng liwanag na iyon, kaya’t ako’y inakay na lamang ng mga kasama ko papasok sa Damasco.

“May isang lalaki sa Damasco na ang pangala’y Ananias. Siya’y taong may takot sa Diyos, tumutupad sa Kautusan, at iginagalang ng mga Judiong naninirahan doon. Pinuntahan niya ako, tumayo sa tabi ko at sinabi sa akin, ‘Kapatid na Saulo, makakakita ka na.’ Noon di’y nanauli ang aking paningin at nakita ko siya. Sinabi pa niya, ‘Hinirang ka ng Diyos ng ating mga ninuno upang mabatid mo ang kanyang kalooban, makita ang kanyang Banal na Lingkod at marinig ang kanyang tinig. Sapagkat ikaw ay magiging saksi niya upang patotohanan sa lahat ng tao ang iyong nakita at narinig. At ngayon, huwag ka nang mag-atubili. Tumindig ka, tumawag ka sa kanyang pangalan at magpabinyag, at magiging malinis ka sa iyong mga kasalanan.’”

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Gawa 9, 1-22

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, masidhi ang pagnanais ni Saulo na usigin at patayin ang mga alagad ng Panginoon. Kaya’t lumapit siya sa pinakapunong saserdote, at humingi ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco upang madakip niya ang sinumang matagpuan niya roong kaanib sa bagong pananampalataya – maging lalaki, maging babae – at madala sa Jerusalem.

Naglakbay si Saulo patungong Damasco. Nang siya’y malapit na sa lungsod, biglang kumislap sa paligid niya ang isang nakasisilaw na liwanag mula sa langit, anupat nasubasob siya. At narinig niya ang isang tinig na nagsalita sa kanya, “Saulo! Saulo! Bakit mo ako inuusig?” “Sino po kayo, Panginoon?” tanong niya. “Ako’y si Hesus, ang iyong inuusig,” tugon sa kanya. “Tumindig ka’t pumasok sa lungsod. Sasabihin sa iyo roon kung ano ang dapat mong gawin.” Natigilan ang mga kasama ni Saulo; narinig nila ang tinig ngunit wala silang makitang sinuman. Tumindig si Saulo at idinilat ang kanyang mata ngunit hindi siya makakita, kaya’t siya’y inakay nila hanggang sa Damasco. Tatlong araw na hindi siya nakakita, at hindi kumain ni uminom.

Sa Damasco naman ay may isang alagad na ang pangala’y Ananias. Tinawag siya ng Panginoon sa isang pangitain, “Ananias!” “Ano po iyon, Panginoon?” tugon niya. “Pumunta ka sa kalye Matuwid, sa bahay ni Judas at ipagtanong mo ang isang lalaking taga-Tarso na ang pangala’y Saulo,” sabi ng Panginoon. “Siya’y nananalangin ngayon. Sa isang pangitain, nakita ka niyang pumasok sa kinaroroonan niya at pinatungan mo siya ng kamay upang makakita.” Sumagot si Ananias, “Panginoon, marami na po ang nagbalita sa akin tungkol sa taong ito, tungkol sa mga kasamaang ginawa niya sa iyong mga banal sa Jerusalem. At naparito siya sa Damasco, taglay ang kapangyarihang galing sa mga punong saserdote, upang dakpin ang lahat ng tumatawag sa iyong pangalan.” Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, “Pumaroon ka! Sapagkat hinirang ko siya upang ipakilala ang aking pangalan sa mga Hentil, sa mga hari, at sa mga anak ng Israel. At ipaaalam ko sa kanya ang lahat ng dapat niyang tiisin alang-alang sa akin.”

Pumunta nga si Ananias. Pumasok siya sa bahay at ipinatong ang kanyang kamay kay Saulo. “Kapatid na Saulo,” wika niya, “pinapunta ako rito ng Panginoong Hesus na napakita sa iyo sa daan nang ikaw ay papunta rito. Sinugo niya ako upang muli kang makakita, at mapuspos ng Espiritu Santo.” Pagdaka’y may nalaglag na tila mga kaliskis mula sa mga mata ni Saulo, at nakakita na siya. Tumindig siya agad at nagpabinyag. Kumain siya at nanauli ang kanyang lakas.

Si Saulo’y ilang araw na kasama-sama ng mga alagad sa Damasco. Pumasok siya sa mga sinagoga at nangaral tungkol kay Hesus. “Siya ang Anak ng Diyos,” wika niya. Nagtaka ang lahat ng nakarinig sa kanya. “Hindi ba ito ang dating umuusig sa mga tumatawag sa pangalang ito sa Jerusalem?” tanong nila. “Hindi ba’t naparito siya upang sila’y dakpin at dalhing gapos sa mga punong saserdote?”

Ngunit lalong naging mahusay si Saulo sa kanyang pangangaral at nalito ang mga Judiong naninirahan sa Damasco dahil sa kanyang matibay na pagpapatunay na si Hesus ay siyang Kristo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 116, 1. 2

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

o kaya: Aleluya.

Purihin ang Poon!
Dapat na purihin ang lahat ng bansa,
siya ay purihin
ng lahat ng tao sa balat ng lupa.

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

Pagkat ang pag-ibig
Na ukol sa ati’y dakila at wagas,
at ang katapatan niya’y walang wakas.

Humayo’t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

ALELUYA
Juan 15, 16

Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabuting tao.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 16, 15-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nagpakita si Hesus sa Labing-isa at sinabi sa kanila, “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumasampalataya at magpabinyag ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan. Ang mga sumampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila’y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang kamay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Enero 25
Ang Pagbabalik-loob ni San Pablo

Ipanalangin natin ang misyon ng Simbahan at ang mga pangangailangan ng mundong tinubos ni Kristo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Maging mapagpala ka nawa sa Iyong bayan, O Panginoon.

Ang Santo Papa, mga obispo, at mga pari nawa’y maging masigasig sa pangangaral ng pagsisisi sa kasalanan at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga misyonero nawa’y magkaroon ng tapang na ipahayag ang Ebanghelyo maging sa mahihirap na pagkakataon at mapanganib na lugar, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nag-aaalinlangan at nasisiraan ng loob nawa’y matuklasan ang walang hanggang katotohanan na walang iba kundi si Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, nangungulila, at maysakit nawa’y makatanggap sa kanilang paghihirap ng ginhawang dulot ng pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapang tapat sa Panginoon nawa’y mapatawad sa kanilang mga kasalanan at makatagpo nawa nila ang Diyos sa kanyang kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Manunubos, habang inuusal namin ang aming mga panalangin sa pamamagitan ni San Pablo, palalimin mo ang biyaya ng pagbabalik-loob sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

FEAR

 1,904 total reads

Gospel Reading for October 29, 2026 – Luke 13: 31-35

FEAR

Some Pharisees came to Jesus and said, “Go away, leave this area because Herod wants to kill you.” He replied, “Go and tell that fox, ‘Behold, I cast out demons and I perform healings today and tomorrow, and on the third day I accomplish my purpose. Yet I must continue on my way today, tomorrow, and the following day, for it is impossible that a prophet should die outside of Jerusalem.’ “Jerusalem, Jerusalem, you who kill the prophets and stone those sent to you, how many times I yearned to gather your children together as a hen gathers her brood under her wings, but you were unwilling! Behold, your house will be abandoned. But I tell you, you will not see me until the time comes when you say, Blessed is he who comes in the name of the Lord.”
————

The attitude of the Pharisees is precisely the attitude that allows evil to triumph over good. The evil one always sows FEAR in our hearts to weaken our resolve to follow Jesus. If we allow our fears to overcome us when doing good, we allow evil to proliferate and destroy humanity, including our earthly home.

This is why Christianity is needed more than ever, especially in these very troubled times. If only we would follow the teachings of Christ, there would be much hope for a better future.

Lord Jesus, may your Spirit continue to strengthen and inspire us to follow you wherever you go. Amen.

GUILTY?

 17,780 total reads

Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara Duterte.

Ang compromise agreement, tatanggalin lang sa puwesto si VP Duterte, hindi kasama ang tuluyang pagbabawal na umupo ito sa alinmang public office.

Kapanalig, kung totoo ang pahayag ng prosecution panel, tila inaamin ng pangalawang pangulo ang pagkatalo?

Pinapalutang sa social media na tatanggapin ni VP Sara ang pagsibak sa kanya sa puwesto, pero dapat manatili ang eligibility nito na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028.

Huli na ang lahat para kay VP Duterte! ibinasura agad ng prosecution panel ang social media speculation.

Nanindigan ang prosekusyon, walang basehan ang compromise at inconsistent ito sa 1987 constitution Article XI, Sec 3(7) na sinasaad ang “judgment in impeachment “shall not extend further than removal from office and disqualification to hold any office”.

Kapanalig, walang katuturan ang hakbang ng depensa, hindi maaring mag-bargain, hindi negotiable ang perpetual disqualification.

Ang lumulutang na espekulasyon ay testing lang sa political settlement, bahagi lamang ito ng negotiation tactics ng depensa, baka sakali mapupulsuhan nila ang boto ng Senator-judges.

Hindi pa tapos ang impeachment trial, kung nais ng depensa maari silang maghain ng pormal offer na magbitiw si VP Sara sa impeachment court kapalit ng no disqualification.

Ang problema ni VP Sara, pinaniniwala niya ang sarili na wala siyang pagkakamali.. may pagkakataon pa ang pangalawang pangulo na humingi ng tawad sa mga Pilipino, sinasabi na ang mga Pilipino ay likas na mapagpatawad, mabilis makalimot.

Kapanalig, sinasabi ng Luke 6:37 “Judge not, and you will not be judged; condemn not, and you will not be condemned; forgive, and you will be forgiven”.

Para kay VP Sara, ang paalala ng Matthew 18:21-22-“Then Peter came up and said to him, “Lord, how often will my brother sin against me, and I forgive him? As many as seven times?” Jesus said to him, “I do not say to you seven times, but seventy-seven times”
Napapanahon ng iwaksi ng pangalawang pangulo ang entitlement, sa halip isabuhay ang “humility”.

Kapanalig sa kaso ni VP Duterte., hindi maaring baluktutin ng tapang, ng mabulaklak na salita, nang pera, nang kapangyarihan, nang magagaling na abogado., nang press release… ang ebidensiya!

At the end of the day Kapanalig, accountability and truth must prevail over “graceful exit” sa impeachment trial ng pangalawang opisyal ng Pilipinas

Sumainyo ang Katotohanan.

THANK GOD FOR THE “ANGRY NERDS”!

 6,729 total reads

At a time when many Filipinos are becoming cynical about politics and losing hope in our democratic institutions, people like Ken Abante and his fellow “Angry Nerds” give me reason to hope.

Ken is a public policy advocate, co-founder of WeSolve, and co-convenor of the People’s Budget Coalition (PBC). Together with thousands of citizen volunteers, popularly called the “Angry Nerds,” they are doing something remarkable: scrutinizing our national budget, line by line, project by project, using data and technology to expose questionable allocations of taxpayers’ money.

Today, October 26, Ken presented before the Senate the coalition’s latest findings on the House-approved version of the proposed ₱7.2-trillion national budget for 2027. They are deeply disturbing.

According to PBC’s preliminary analysis, the House inserted nearly 7,000 infrastructure projects worth ₱190 billion without publicly available supporting project documents. These include:
* ₱172 billion for nearly 6,200 DPWH projects, many involving multipurpose buildings;

* More than ₱2 billion for over 180 new health facilities, even as the overall health facilities budget was reduced;

* Nearly ₱6 billion for over 350 farm-to-market roads, some with coordinates inexplicably pointing to the sea;

* More than ₱7 billion for over 200 irrigation projects, some with questionable cost estimates.

What is especially disturbing is the concentration of House-added infrastructure allocations in certain congressional districts. According to PBC’s preliminary findings, the largest include Ilocos Norte’s First District (₱4.375 billion), Misamis Occidental’s Second District (₱1.8 billion), Davao de Oro’s Second District and Isabela’s Fourth District (₱1.7 billion each), and South Cotabato’s Second District (₱1.6 billion). Nueva Ecija’s First District is also among those flagged, with ₱1.3 billion.

These figures refer to allocations associated with DPWH district engineering offices. They do not establish that the district representatives personally proposed the projects, much less that corruption has occurred.

Nevertheless, the House leadership, which approved this version of the national budget, owes the public an explanation.

Has the House of Representatives learned nothing from the flood control corruption scandal? The country has yet to see full accountability for that scandal, and already we are being warned about the possible repetition of the same questionable practices in other government agencies!

To be clear, as Ken himself emphasized, not every insertion is necessarily corrupt. Our communities need roads, health facilities, irrigation systems, and public infrastructure. But why should projects involving billions in public funds be approved without the documentation necessary for public scrutiny?

The ball is now in the Senate’s court. It must exercise its constitutional responsibility to scrutinize and remove insertions that cannot be properly justified and documented. And if these survive Congress, the President must exercise his power of veto.

I am grateful to Ken and the citizen volunteers who refuse to surrender to cynicism. They remind us that democracy is not merely about electing representatives every three years. It is about citizens remaining vigilant and holding their representatives accountable between elections.

As Ken puts it, “Buwis natin ’to, boto natin ’to, at budget natin ’to.”
May these “Angry Nerds” inspire more Filipinos to turn their anger into informed, organized, and constructive democratic participation.

I am sharing a summary of Ken Abante’s testimony before the Senate today, October 26. You can also examine the budget allocations yourself through the citizens’ Budget Insertions Tracker at

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 17,781 total reads

 17,781 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 53,248 total reads

 53,248 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 109,654 total reads

 109,654 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 232,331 total reads

 232,331 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Oktubre 31, 2026

 1,853 total reads

 1,853 total reads Sabado ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Filipos 1, 18b-26 Salmo 41,

Read More »

Biyernes, Oktubre 30, 2026

 3,996 total reads

 3,996 total reads Biyernes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 1, 1-11 Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6 Gawa’y napakadakila ng Panginoong Lumikha. Lucas 14,

Read More »

Huwebes, Oktubre 29, 2026

 6,829 total reads

 6,829 total reads Huwebes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 6, 10-20 Salmo 143, 1. 2. 9-10 Ang Poon ay papurihan, siya ang aking

Read More »

Miyerkules, Oktubre 28, 2026

 10,086 total reads

 10,086 total reads Kapistahan nina Apostol San Simon at San Judas Efeso 2, 19-22 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig.

Read More »

Martes, Oktubre 27, 2026

 11,411 total reads

 11,411 total reads Martes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 5, 21-33 Salmo 127, 1-2. 3, 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may takot

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top