Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, HUNYO 14, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,396 total views

Miyerkules ng Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

2 Corinto 3, 4-11
Salmo 98, 5. 6. 7. 8. 9

D’yos na Makapangyarihan,
ikaw ay tunay na banal.

Mateo 5, 17-19

Wednesday of the Tenth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
2 Corinto 3, 4-11

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, ang aming pagtitiwalang ito sa Diyos ay sa pamamagitan ni Kristo. Kung sa aming sarili lamang ay wala kaming sapat na kakayahang gawin ito; ang Diyos ang nagkaloob nito sa amin. Niloob niyang kami’y maging lingkod ng bagong tipan, tipang hindi nababatay sa Kautusang natititik kundi sa Espiritu. Sapagkat ang dulot ng titik ay kamatayan, ngunit ang Espiritu’y nagbibigay-buhay.

Nang ibigay ang alituntunin ng paglilingkod na nakatitik sa tinapyas na bato, kalakip na nahayag ang kaningningan ng Diyos, anupat hindi matingnan ng mga Israelita ang mukha ni Moises bagamat ang kaningningang ito’y lumipas. Kung ang paglilingkod na batay sa Kautusang nakatitik na nagdala ng kamatayan ay dumating na may kalakip na kaningningan, gaano pa kaya ang paglilingkod ayon sa Espiritu? Kung may kaningningan ang paglilingkod na nagdudulot ng hatol na kamatayan, lalo pang maningning ang paglilingkod na ang dulot ay pagpapawalang-sala. Dahil dito, masasabi natin na ang dating ningning ay wala na sapagkat nahalinhan ng lalo pang maningning. Kung may kaningningan ang lumilipas, higit ang kaningningan noong nananatili magpakailanman.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 98, 5. 6. 7. 8. 9

D’yos na Makapangyarihan,
ikaw ay tunay na banal.

Ang Poon na ating Diyos ay lubos na papurihan;
sa harap ng trono niya’y sambahin ang ngalang Banal!

D’yos na Makapangyarihan,
ikaw ay tunay na banal.

Si Moises at Aaron, mga saserdote niya;
at si Samuel nama’y lingkod na sa kanya ay sumamba;
nang ang Poo’y dalanginan, dininig naman sila.

D’yos na Makapangyarihan,
ikaw ay tunay na banal.

Ang Poon ay nagsalita sa gitna ng mga ulap;
sila naman ay nakinig utos niya ay tinupad.

D’yos na Makapangyarihan,
ikaw ay tunay na banal.

O Poon na aming Diyos, sinagot mo sila agad
at ikaw ay nakilalang Diyos na mapagpatawad;
ngunit pinagdurusa mo kung ang gawa’y hindi tumpak.

D’yos na Makapangyarihan,
ikaw ay tunay na banal.

Ang Diyos nating Panginoon, dapat nating papurihan,
sa banal na bundok niya sambahin ang kanyang ngalan!
Siya’y ating Panginoon, siya’y ating Diyos na banal!

D’yos na Makapangyarihan,
ikaw ay tunay na banal.

ALELUYA
Salmo 24, 4b. 5a

Aleluya! Aleluya!
Panginoon, ituro mo
na ‘yong landas ay sundin ko
sa pagtahak sa totoo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 5, 17-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon. Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi nagaganap ang lahat. Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayun sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Ipinapangako ng Diyos ang kaligayahan sa mga sumusunod sa kanyang mga batas at sa mga naghahangad sa kanya nang buong puso. Manalangin tayo ngayon nang sama-sama at buong katapatan sa iisang pananampalataya.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng kaayusan, manatili nawa kami sa iyong landas.

Ang Santo Papa at mga obispo, sa pamamagitan ng kanilang pagtuturo at pamumuhay nawa’y humihikayat sa kawan na sumunod sa pamamaraan ng pag-ibig ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya ng mga bansa nawa’y higit na magsumikap at maging masigasig upang makamit ang kapayapaan at matatag na mapanatili ito, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mag-asawa nawa’y makadama ng alab ng pag-ibig ng Diyos sa kanilang pagsasamahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga matatanda nawa’y lumakas ang kalooban sa pamamagitan ng mga salitang nakaaaliw at may katiyakan mula sa mga kumakalinga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y mamasdan “ang mga bagay na hindi nakikita ng mga mata at hindi naririnig ng mga tenga,” manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihan at walang hanggang Ama, nawa’y liwanagan ng iyong batas ng pag-ibig ang aming buhay at pamalagiin mo kaming nasa matuwid na landas patungo sa iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 5,675 total views

 5,675 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 31,423 total views

 31,423 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 93,452 total views

 93,452 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 113,628 total views

 113,628 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 127,837 total views

 127,837 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 36,859 total views

 36,859 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 37,090 total views

 37,090 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 37,589 total views

 37,589 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 27,487 total views

 27,487 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 27,596 total views

 27,596 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top