Miyerkules, Marso 19, 2025

SHARE THE TRUTH

 5,341 total reads

Dakilang Kapistahan ni San Jose,
Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birhen

2 Samuel 7, 4-5a. 12-14a. 16
Salmo 88, 2-3. 4-5. 27 at 29

Lahi niya’y walang wakas,
kailanma’y hindi lilipas.

Roma 4, 13. 16-18. 22
Mateo 1, 16. 18-21. 24a
o kaya Lucas 2, 41-51a

Solemnity of Saint Joseph,
Spouse of the Blessed Virgin Mary
 (White)

UNANG PAGBASA
2 Samuel 7, 4-5a. 12-14a. 16

Pagbasa mula sa ikalawang aklat ni Samuel

Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kay Natan, “Ganito ang sabihin mo kay David: ‘Pagkamatay mo, isa sa iyong mga anak ang ipapalit ko sa iyo. Patatatagin ko ang kanyang kaharian. Siya ang magtatayo ng templo para sa akin, at sa kanyang angkan magmumula ang maghahari sa aking bayan magpakailanman. Kikilanlin ko siyang anak at ako nama’y magiging ama niya. Magiging matatag ang iyong sambahayan, ang iyong kaharia’y hindi mawawaglit sa aking paningin at mananatili ang iyong trono.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 88, 2-3. 4-5. 27 at 29

Lahi niya’y walang wakas,
kailanma’y hindi lilipas.

Pag-ibig mo, Poon, na di nagmamaliw
ang sa tuwi-t’wina’y aking aawitin;
ang katapatan mo’y laging sasambitin.
Yaong pag-ibig mo’y walang katapusan,
sintatag ng langit ang ‘yong katapatan.

Lahi niya’y walang wakas,
kailanma’y hindi lilipas.

Sabi mo, O Poon, ikaw ay may tipan
na iyong ginawa kay David mong hirang
at ito ang iyong pangakong iniwan:
“Isa sa lahi mo’y laging maghahari,
ang kaharian mo ay mamamalagi.”

Lahi niya’y walang wakas,
kailanma’y hindi lilipas.

Ako’y tatawaging ama niya’t Diyos,
Tagapagsanggalang niya’t Manunubos.
Ang aking pangako sa kanya’y iiral
At mananatili sa kanya ang tipan.

Lahi niya’y walang wakas,
kailanma’y hindi lilipas.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 4, 13. 16-18. 22

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma.

Mga kapatid, ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kanyang lahi na mamanahin nila ang sanlibutan, hindi dahil sa pagsunod niya sa kautusan kundi sa kanyang pananalig sa Diyos at sa gayun siya’y pinawalang-sala.

Kaya nga, ang pangako ay nababatay sa pananalig upang ito’y maging isang kaloob sa lahi ni Abraham – hindi lamang sa mga sumusunod sa Kautusan kundi sa lahat ng nananalig sa Diyos, tulad niya, yamang siya ang ama nating lahat. Ganito ang nasusulat: “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.” Ang pangakong ito ay may bisa sa harapan ng Diyos na kanyang pinanaligan, ang Diyos na bumubuhay sa mga patay at lumikha sa lahat ng bagay. Bagamat wala nang pag-asang magkaanak, nanalig pa rin si Abraham na siya’y magiging ama ng maraming bansa, ayon sa sinabi sa kanya, “Kasindami ng bituin ang magiging lahi mo.” Kaya’t dahil sa kanyang pananalig, siya’y pinawalang-sala.

Ang Salita ng Diyos.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Salmo 83, 5

Purihin ang Poong mahal
sa angkin n’yang kabutihan.
Mapalad ang tumatahan
sa templo ng Poong banal,
nagpupuring walang hanggan.

MABUTING BALITA
Mateo 1, 16. 18-21. 24a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Si Jacob, ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Hesus na tinatawag na Kristo.

Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi niya sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya:
Lucas 2, 41-51a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Taun-taon, tuwing Pista ng Paskuwa, ang mga magulang ni Hesus ay pumupunta sa Jerusalem. At nang labindalawang taon na siya, pumaroon sila gaya ng dati nilang ginagawa. Pagkatapos ng pista, sila’y umuwi na. Nagpaiwan si Hesus sa Jerusalem ngunit hindi ito napansin ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakala ng isa na si Hesus ay kasama ng isa, nagpatuloy sila sa maghapong paglalakbay. Nang malaman nilang hindi siya kasama, siya’y hinanap nila sa kanilang mga kamag-anak at kakilala. Hindi nila siya matagpuan, kaya’t bumalik sila sa Jerusalem upang doon hanapin. At nang ikatlong araw, natagpuan nila si Hesus sa loob ng templo, nakaupong kasama ng mga guro. Nakikinig siya sa kanila at nagtatanong; at ang lahat ng nakaririnig sa kanya ay namangha sa kanyang katalinuhan. Nagtaka rin ang kanyang mga magulang nang siya’y makita. Sinabi ng kanyang ina, “Anak, bakit naman ganyan ang ginawa mo sa amin? Balisang-balisa na kami ng iyong ama sa paghahanap sa iyo.” Sumagot siya, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na ako’y dapat na nasa bahay ng aking Ama?” Ngunit hindi nila naunawaan ang pananalitang ito.

Siya’y umuwing kasama nila sa Nazaret, at naging isang masunuring anak.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
San Jose, Kabiyak ng Mahal na Birhen

Kasama ni San Jose na isang lalaking marangal at may dakilang pananampalataya, ilapit natin sa Ama, bilang isang pamilya, ang lahat ng ating kahilingan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos na tagapagbigay ng lahat ng aming pangangailangan, nagtitiwala kami sa Iyo.

Ang Simbahang naglalakbay nawa’y humikayat sa mga tao sa ganap na pagpapanibago ng kanilang buhay kay Kristo sa pamamagitan ng kanilang tapat na pagpapatotoo sa salita at gawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Tulad ni San Jose, ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y hindi mabigo sa kanilang tungkuling pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga nasasakupan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mag-asawa nawa’y magsama nang may pagkakasundo sa pamamagitan ng tiwala at pag-unawa sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nangangalaga sa mga maysakit, mga matatanda, mga may kapansanan, mga nangungulila o namimighati nawa’y palakasin sa kanilang mga pagsisikap, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ni San Jose, ang mga namayapa ay magtamasa ng walang katapusang kapayapaan ng Diyos sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, sa iyong kagandahang-loob at sa pamamagitan ni San Jose, ipagkaloob mo ang aming mga hinihingi dala ng aming pananampalataya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 6,481 total reads

Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering his wife, Ashley, while their two young daughters were at home. Evidence presented at the trial also revealed an extramarital relationship. He has now been sentenced to life imprisonment without parole.

It is difficult to imagine the wounds left behind, especially in the lives of the children: a mother violently taken from them, and a father responsible for her death.

The story struck me because I am presently in Rome for our meeting marking ten years of Amoris Laetitia, reflecting precisely on how the Church proclaims the Gospel with families today.
Earlier, Pope Leo XIV asked us: “What kind of Church do people encounter precisely when they are most fragile?”

Cases like this remind us that “family fragility” is not an abstract pastoral category. Sometimes behind the doors of a seemingly Christian home are relationships already being torn apart by infidelity, deception, abuse, violence, loneliness or despair.

And accompaniment cannot mean simply keeping a family together at all costs. It must also mean learning to recognize danger, protecting the vulnerable, especially children, confronting wrongdoing with truth, and helping wounded people find justice, healing and hope.

Perhaps this too is part of proclaiming the Gospel to and with families: helping our homes become places where love is not merely preached, but truly lived—and where those who are wounded know that the Church will not look away

ULTIMATE GOAL

 7,681 total reads

Gospel Reading for October 09, 2026 – Luke 11: 15-26

ULTIMATE GOAL

When Jesus had driven out a demon, some of the crowd said: “By the power of Beelzebul, the prince of demons, he drives out demons.” Others, to test him, asked him for a sign from heaven. But he knew their thoughts and said to them, “Every kingdom divided against itself will be laid waste and house will fall against house. And if Satan is divided against himself, how will his kingdom stand? For you say that it is by Beelzebul that I drive out demons. If I, then, drive out demons by Beelzebul, by whom do your own people drive them out? Therefore they will be your judges. But if it is by the finger of God that I drive out demons, then the Kingdom of God has come upon you. When a strong man fully armed guards his palace, his possessions are safe. But when one stronger than he attacks and overcomes him, he takes away the armor on which he relied and distributes the spoils. Whoever is not with me is against me, and whoever does not gather with me scatters. “When an unclean spirit goes out of someone, it roams through arid regions searching for rest but, finding none, it says, ‘I shall return to my home from which I came.’ But upon returning, it finds it swept clean and put in order. Then it goes and brings back seven other spirits more wicked than itself who move in and dwell there, and the last condition of that man is worse than the first.”

————

One thing is certain—Beelzebul/Satan can never be more powerful than God. Therefore, he would be of no use to Jesus, the Son of God.

Satan’s ULTIMATE GOAL is always to destroy what belongs to God, which is why he possesses humans who are created by God in his image and likeness. He is SO DESPERATE to destroy God’s image. Why, then, would he destroy himself? It would defeat his ULTIMATE GOAL.

St. Michael the Archangel, defend us from the evil one!

TRUTH AWARDS

 78,944 total reads

Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan ang kahirapan, nagiging kultura na ang korapsyon at katiwalian na kinasasangkutan mismo ng mga opisyal ng gobyerno at mga halal ng bayan., lumalala ang kawalang katarungan, hindi na halos makahinga ang maraming Pilipino sa epekto ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo na nagdudulot ng mahal na halaga ng mga bilihin at tumataas na bayarin sa serbisyo publiko.

Hindi pa rin natatapos ang multi-bilyong pisong flood control projects scam.,nahaharap na naman tayong mga Pilipino sa kinatatakutang matinding epekto ng climate change tulad ng El Nino phenomenon na nagdudulot ng matinding init at tagtuyot. Sa kasalukuyan, 106 na lungsod at munisipalidad sa buong bansa ang apektado ng tagtuyot.

May pag-asa ba tayong mga Pilipino? May nababanaag pa kaya tayong liwanag?

Kapanalig, sa kabila ng mga agam-agam na ito., mayroon pa bang matapang na tatayo, haharap “head on” sa mga suliranin nating mga Pilipino?

Sa hangaring ito, binuo ng Radyo Veritas 846 katuwang ang Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila, OneGodly vote-Catholic Advocates for Responsible Electorate (C.A.R.E) ang Truth Awards 2026 “Standing Tall in a World of Shadows”.

Misyon ng Radyo Veritas Truth Awards 2026 na kilalanin ang mga indibidwal at organisasyong nagsusulong ng katotohanan, pananagutan, transparency, at integridad sa kanilang paglilingkod sa lipunan.

Nakapaloob sa Truth Awards ang mga kategorya:
T—Triump of Integrity Award
R—Rays of Light in Darkness Award
U—Unwavering Voice of Conscience Award
T—Testimony of Life Award
H—Heart for Justice and truth award

Ang “highest recognition” ay ang Summum Veritatis award na ipagkakaloob sa isang institusyon na nagpapakita ng katatagang moral, dedikasyon sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala at katarungan at dalisay na paglilingkod at pagtugon sa pangangailangan ng mga nasa laylayan ng lipunan.

Kapanalig, ang Veritas Truth Awards 2026 ay sumailalim sa rigorous screening at selection process ng pitong(7) kapitag-pitagang hurado na binubuo ng mga lider ng simbahan, academe at civil society.

Ang mapipiling awardee mula sa mahigit-kumulang na 100 nominee at 30-finalists ay nagtataglay ng “light of truth” o buhay na testamento ng faithfulness at katotohanan na siyang magpapalaya sa atin.

Kapanalig, sinasabi ng JOHN 18:37-38: “You are a king, then!” said Pilate. Jesus answered, “You say that I am a king. In fact, the reason I was born and came into the world is to testify to the truth. Everyone on the side of truth listens to me.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 78,945 total reads

 78,945 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 173,571 total reads

 173,571 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 217,839 total reads

 217,839 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 240,948 total reads

 240,948 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 312,501 total reads

 312,501 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Oktubre 12, 2026

 1,808 total reads

 1,808 total reads Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Read More »

Linggo, Oktubre 11, 2026

 2,472 total reads

 2,472 total reads Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 25, 6-10a Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ng Poong mahal.

Read More »

Sabado, Oktubre 10, 2026

 5,018 total reads

 5,018 total reads Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3.

Read More »

Biyernes, Oktubre 9, 2026

 6,064 total reads

 6,064 total reads Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Dionisio, obispo, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San

Read More »

Huwebes, Oktubre 8, 2026

 7,475 total reads

 7,475 total reads Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top