Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, NOBYEMBRE 15, 2023

SHARE THE TRUTH

 1,365 total views

Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita sa Dakilang San Alberto, obispo at pantas ng Simbahan

Karunungan 6, 1-11
Salmo 81, 3-4. 6-7

Magbangon ka, Poong Diyos,
upang tanan ay masakop.

Lucas 17, 11-19

Wednesday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Albert the Great, Bishop and Doctor of the Church (White)

UNANG PAGBASA
Karunungan 6, 1-11

Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Mga hari, pakinggan ninyo ito at unawain;
mga namamahala sa buong daigdig, pag-aralan ninyo ito.
Makinig kayo, mga pinuno ng maraming bansa;
kayo, na ang ipinagmamalaki ay ang dami ng inyong mga nasasakupan.
Ang pamamahala ninyo’y kaloob ng Panginoon,
At ang kapangyariha’y mula sa Kataas-taasan.
Siya ang susuri ng inyong mga gawa at sisiyasat ng inyong mga panukala.
Kung sa inyong pagiging tagapamahala ng kanyang kaharian ay hindi kayo magiging tapat,
kung hindi ninyo susundin ang Kautusan,
at kung hindi kayo mamumuhay ayon sa kanyang kalooban,
madali siyang paririto at parurusahan kayo ng mabigat na parusa.
Walang katulad ang bigat ng parusang inilalaan niya sa mga namumuno at makapangyarihan.
Ang mga aba ay kahahabagan at patatawarin,
ngunit ang mga nasa kapangyarihan ay mahigpit na hahatulan.
Ang Panginoon ng lahat ay hindi natatakot kaninuman, gaano man siya kadakila.
Siya ang may likha sa lahat, sa dakila at sa aba,
kaya’t pare-pareho lang ang tingin niya sa lahat.
Ngunit mas mahigpit ang paghatol niya sa mga nasa kapangyarihan.
Kaya, mga hari, sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito,
upang matuto kayo at nang hindi kayo magkamali.
Ito ay mga banal na bagay at kung gagamitin ninyo sa paraang banal, kayo rin ay magiging banal.
Pag natutunan ninyo ang mga aral na ito,
Maipagtatanggol ninyo ang inyong sarili sa Araw ng Paghuhukom.
Kaya nga, pahalagahan ninyo ang aking mga aral,
unawain ninyo ito at kayo’y matuto.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 81, 3-4. 6-7

Magbangon ka, Poong Diyos,
upang tanan ay masakop.

Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila,
at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa.
Ang marapat na tulunga’y ang mahina at mahirap,
sa kamay ng masasama sila’y dapat na iligtas!

Magbangon ka, Poong Diyos,
upang tanan ay masakop.

“Ang sabi ko, kayo’y diyos, anak ng Kataas-ta’san,
ngunit tulad nitong tao, lahat kayo’y mamamatay;
katulad din ng prinsipe, papanaw ang inyong buhay.”

Magbangon ka, Poong Diyos,
upang tanan ay masakop.

ALELUYA
1 Tesalonika 5, 18

Aleluya! Aleluya!
Ang D’yos Ama’y naghahangad
lagi tayong pasalamat
kaisa ng kanyang Anak.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 17, 11-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Sa paglalakbay ni Hesus patungong Jerusalem, nagdaan siya sa hangganan ng Samaria at Galilea. Nang papasok na siya sa isang nayon, siya’y sinalubong ng sampung ketongin. Tumigil sila sa malayu-layo at humiyaw ng: “Hesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!” nang makita sila ay sinabi niya, “Humayo kayo at pakita sa mga saserdote.” At samantalang sila’y naglalakad, gumaling sila. Nang mapuna ng isa na siya’y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Hesus at nagpasalamat. Ang taong ito’y Samaritano. “Hindi ba sampu ang gumaling?” tanong ni Hesus. “Nasaan ang siyam? Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Tumindig ka’t humayo sa iyong lakad! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Labis na mapagbigay ng biyaya, kagalingan, at kapatawaran ang Panginoon. Subalit ipinagwawalang-bahala natin ang mga ito. Nakakalimutan natin siyang pasalamatan. Dalhin natin ang ating mga panalangin sa kanya sa diwa ng pasasalamat.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pasasalamat, tumatawag kami sa Iyo, Panginoon.

Ang Simbahan sa lupa nawa’y patuloy na hilumin sa kapangyarihan ng Espiritu Santo ang mga may wasak na buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang purihin at pasalamatan ang Diyos sa mga biyaya ng buhay, pananampalataya, kalusugan, kaligayahan, at alab ng pagmamahalan ng pamilya, kaibigan, at komunidad, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y laging magpasalamat sa lahat ng aspeto ng ating buhay para sa pag-ibig na ibinuhos sa atin ng Diyos noong angkinin niya tayo bilang kanyang mga anak, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nabibigatan sa buhay nawa’y makita ang katangi-tanging pag-ibig at kalinga ng Diyos sa pamamagitan ng pagmamalasakit ng kanilang mga kapamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mapabilang sa mga banal sa pagsamba sa Diyos sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, pinasasalamatan ka namin para sa aming mga buhay at sa bagong buhay na iyong ipinagkakaloob sa amin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 11,843 total views

 11,843 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 23,326 total views

 23,326 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 39,015 total views

 39,015 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 39,754 total views

 39,754 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 49,202 total views

 49,202 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

Watch Live

RELATED READINGS

Martes, Hunyo 3, 2025

 403 total views

 403 total views Paggunita kay San Carlos Lwanga at mga Kasama, mga martir Mga Gawa 20, 17-27 Salmo 67, 10-11. 20-21 Tanang mga kaharian, ang Poong

Read More »

Lunes, Hunyo 2, 2025

 914 total views

 914 total views Lunes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kina San Marcelino at San Pedro, mga martir Mga Gawa 19, 1-8 Salmo

Read More »

Linggo, Hunyo 1, 2025

 1,388 total views

 1,388 total views Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon (K) Mga Gawa 1, 1-11 Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9 Habang umaakyat ang D’yos, ang tambuli’y tumutunog.

Read More »

Sabado, Mayo 31, 2025

 1,963 total views

 1,963 total views Kapistahan ng Pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria Sofonias 3, 14-18 o kaya Roma 12, 9-16b Isaias 12, 2-3. 4bkd. 5-6 Kapiling n’yo ang

Read More »

Biyernes, Mayo 30, 2025

 2,408 total views

 2,408 total views Biyernes sa Ika-6 ng Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 18, 9-18 Salmo 46, 2-3. 4-5. 6-7 Hari ng sangkalupaan D’yos na

Read More »

LATEST NEWS

Scroll to Top