MARTES, NOBYEMBRE 14, 2023

SHARE THE TRUTH

 6,346 total views

Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Karunungan 2, 23-3, 9
Salmo 33, 2-3. 16-17. 18-19

Palagi kong pupurihin
ang Dakilang Poon natin.

Lucas 17, 7-10

Tuesday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Karunungan 2, 23-3, 9

Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Pagkat ang tao’y hindi nilikha ng Diyos para mamatay,
kundi para maging larawan niyang buhay.
Ngunit dahil sa pakana ng diyablo,
nakapasok ang kamatayan at ito ang kahihinatnan ng mga napailalim sa kanya.
Ngunit ang mga matuwid ay nasa kamay ng Diyos,
at di sila makararanas ng kamunti mang pahirap.
Sa akala ng mga hangal, ang mga matuwid ay namamatay;
iniisip nilang ang kamatayan ay kapahamakan,
At ang pagpanaw nila ay tuluyang paglaho,
ngunit ang totoo, sila’y nananahimik na.
Bagamat sa tingin ng tao sila’y pinarusahan,
ngunit ang totoo, sila’y nasa buhay na walang hanggan.
Ang kaunting pagtitiis nila ay tutumbasan ng malaking pagpapala.
Napatunayan ng Diyos na sila’y karapat-dapat.
Sila’y kanyang sinubok, tulad ng ginto sa tunawan,
kaya’t sila’y tinanggap niyang parang handog na sinusunog.
Pagdating ng Panginoon para gantimpalaan ang mga banal,
magniningning silang parang ningas ng nagliliyab na dayami.
Sila ang mamamayani sa mga bansa sa daigdig,
at ang Panginoon ang maghahari sa kanila magpakailanman.
Ang mga nagtitiwala sa kanya ay makauunawa sa katotohanan ng kanyang pamamaraan.
At ang mga naging tapat sa kanya ay mamumuhay na kasama niya sa kanyang pag-ibig,
sapagkat siya’y mabuti at maawain sa kanyang mga hinirang.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2-3. 16-17. 18-19

Palagi kong pupurihin
ang Dakilang Poon natin.

Panginoo’y aking laging pupurihin,
sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga gawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa.

Palagi kong pupurihin
ang Dakilang Poon natin.

Kinukupkop ng Diyos ang mga matuwid
at ang taghoy nila’y kanyang dinirinig
nililipol niya yaong masasama
hanggang sa mapawi sa isip ng madla.

Palagi kong pupurihin
ang Dakilang Poon natin.

Agad dinirinig daing ng matuwid
inililigtas sila sa mga panganib.
Tumutulong siya sa nasisiphayo
ang walang pag-asa’y hindi binibigo.

Palagi kong pupurihin
ang Dakilang Poon natin.

ALELUYA
Juan 14, 23

Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal
tutupad sa aking aral.
Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 17, 7-10

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ng Panginoon, “Ipalagay nating kayo’y may aliping nag-aararo, o nagpapastol kaya ng tupa. Pagkagaling niya sa bukid, sasabihin ba ninyo sa kanya, ‘Halika at nang makakain ka na’? Hindi! Sa halip ay ganito ang sinasabi ninyo: ‘Ipaghanda mo ako ng hapunan; magbihis ka, at silbihan mo ako habang ako’y kumakain. Kumain ka pagkakain ko.’ Pinasasalamatan ba ang alipin dahil sa ginawa niya ang iniutos sa kanya? Gayun din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo, ‘Kami’y mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Manalangin tayo sa ating Amang nasa Langit upang matularan natin si Kristo na kanyang Anak sa diwa ng paglilingkod na may pagmamahal.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, panatilihin Mo kami sa paglilingkod sa Iyo.

Ang Papa, mga obispo, at mga pari nawa’y maging tapat sa paglilingkod nang may kasipagan at dedikasyon sa kalipunan ng mga sumasampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng ating lipunan nawa’y maging tunay na lingkod na may kasipagan sa pagsasakatuparan ng kabutihang pangkalahatan kaysa unahin ang kanilang sariling pakinabang, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y lumago sa ating pagsusulong ng katarungan at pag-ibig sa pamamagitan ng ating lubos na paglilingkod sa kapwa sa bawat araw ng ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagbibigay ng paglilingkod sa mga maysakit nawa’y sumaksi kay Jesus na siyang lingkod ng lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga tapat na yumao nawa’y biyayaan ng ating Banal na Guro ng makalangit na gantimpala para sa kanilang mapagmahal na paglilingkod sa lupa, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, tulungan mo kaming maging lingkod sa bawat isa kasama si Jesus na aming Panginoon ngayon at magpakailanman. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 74,911 total views

 74,911 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 149,525 total views

 149,525 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 229,604 total views

 229,604 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 272,743 total views

 272,743 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 269,218 total views

 269,218 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Hulyo 19, 2026

 877 total views

 877 total views Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Karunungan 12, 13. 16-19 Salmo 85, 5-6. 9-10. 15-16a Poon, ikaw ay mabuti sa lahat ng

Read More »

Sabado, Hulyo 18, 2026

 2,826 total views

 2,826 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Mikas 2, 1-5 Salmo 9, 22-23.

Read More »

Biyernes, Hulyo 17, 2026

 4,368 total views

 4,368 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas,

Read More »

Huwebes, Hulyo 16, 2026

 5,620 total views

 5,620 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong

Read More »

Miyerkules, Hulyo 15, 2026

 6,545 total views

 6,545 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top