Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Miyerkules, Oktubre 2, 2024

SHARE THE TRUTH

 5,108 total views

Paggunita sa mga Anghel na Tagatanod

Job 9, 1-12. 14-16
Salmo 87, 10bk-11. 12-13. 14-15

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Mateo 18, 1-5. 10

Memorial of the Holy Guardian Angels (White)

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
at Hanay ng mga Banal

UNANG PAGBASA
Job 9, 1-12. 14-16

Pagbasa mula sa aklat ni Job

Ang sagot ni Job sa kanyang mga kaibigan:
“Iyan ay dinig ko na noon pa mang una,
ngunit sinong tao kaya ang tatalo sa kanya?
Sino ang sa kanya’y maaaring mangatwiran?
Sa sanlibo niyang tanong, di masagot ang isa man.
Ang Diyos ay matalino at makapangyarihan,
sino kaya ang sa kanya ay makalalaban?
Walang sabi-sabing inuuga yaong bundok,
sa tindi ng kanyang galit, ito’y kanyang dinudurog.
Itong sangkalupaan ay kanyang nayayanig.
At nauuga niya ang saligan ng daigdig.
Napipigil sa pagsikat ang silahis nitong araw,
At kanyang naitatago ang tala sa kalangitan.
Siya lamang ang lumikha sa sangkalangitan,
at sa bangis nitong dagat, walang ibang makasaway.
Ang “Malaking Diper” at “Orion” ay siya lamang ang may lalang,
pati na ang Pleyades at mga kumpol na bituin sa timugan.
Makapangyarihan niyang gawa ay hindi maunawaan,
ang milagrong gawa niya sa dami ay di mabilang.
Siya’y nagdaraan ngunit di ko mamalas,
siya’y hindi ko makita, bagaman ay naglalakad.
Anuman ang gawin niya ay walang makahahadlang,
ni makapagtatanong, ‘Bakit mo ginawa iyan?
Anong aking isasagot sa kanyang katanungan?
Kahit ako walang sala ang tangi kong magagawa’y
sa harap ng Diyos na hukom manikluhod akong tunay.
Kahit niya bayaang ako’y makapagsalita,
di ko rin natitiyak kung ako’y diringgin kaya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 87, 10bk-11. 12-13. 14-15

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Panginoong Diyos,
tumatawag ako sa ‘yo araw-araw,
sa pagdalangin ko ay taas ang kamay.
Makagagawa ba
ikaw, Panginoon, ng kababalaghan,
para purihin ka niyong mga patay?

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Ang pag-ibig mo ba
doon sa libinga’y ipinapahayag,
o sa kaharian
niyong mga patay ang ‘yong pagtatapat?
Doon ba sa dilim
ang dakilang gawa mo ba’y makikita,
o ang pagliligtas
sa mga lupaing wala nang pag-asa?

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

O sa iyo, O Poon,
ako’y nananangis at nananawagan,
sa tuwing umaga
ako’y tumatawag sa iyong harapan.
Di mo ako pansin,
O Panginoon ko, di ka kumikibo,
bakit ang mukha mo’y
ikinukubli mo, ika’y nagtatago?

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

ALELUYA
Salmo 102, 21

Aleluya! Aleluya!
Ang Panginoo’y purihin
ng lahat n’yang mga anghel
na tapat at masunurin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 18, 1-5. 10

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong sandaling iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila, at sinabi, “Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang tumatanggap sa isang batang ganito dahil sa akin ay ako ang tinatanggap.

“Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Iniluluhog natin sa Diyos Ama ang ating mga pangangailangan dahil tinawag tayo ng kanyang Anak na si Jesus upang sundan siya. Manalangin tayo nang may pananalig para sa biyaya na tanggapin ang pagtawag na ito.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, gawin Mo kaming ganap kay Kristo.

Ang mga pinuno ng Simbahan at lahat ng nagpapahayag ng Salita ng Diyos nawa’y masigasig na magpatuloy sa kanilang pagsunod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating komunidad nawa’y mapanibago sa araw-araw sa pamamagitan ng pananampalataya sa Salita ng Diyos na tumatawag sa atin sa mas maganda at mabuting buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nawalan na ng pag-asa dahil sa mga kasalanan nawa’y mapagtanto na kasama nating naglalakbay ang ating Panginoon at tinutulungan tayo sa pagpasan ng ating krus, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga pinahina ng karamdaman o pagkakasakit nawa’y mabigyang lakas-loob ng kasiyahang mula sa Diyos sa pamamagitan ng kalinga at pag-aaruga ng kanilang mga kapamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao na sumunod kay Jesus sa buhay na ito nawa’y makapasok sa walang hanggang presensya ng Diyos sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa langit, sa aming pagnanais na sumunod sa yapak ng iyong Anak, gawin mo kaming iisa sa isip at puso sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 12,011 total views

 12,011 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 37,759 total views

 37,759 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 99,788 total views

 99,788 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 119,782 total views

 119,782 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 133,991 total views

 133,991 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 37,226 total views

 37,226 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 37,457 total views

 37,457 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 37,957 total views

 37,957 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 27,672 total views

 27,672 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 27,781 total views

 27,781 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top