Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Martes, Oktubre 1, 2024

SHARE THE TRUTH

 5,798 total views

Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, dalaga

Job 3, 1-3. 11-17. 20-23
Salmo 87. 2-3. 4-5. 6. 7-8

Panginoon, ako’y diggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Lucas 9, 51-56

Memorial of St. Therese of the Child Jesus (White)
Mission Day for Religious Sisters

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Job 3, 1-3. 11-17. 20-23

Pagbasa mula sa aklat ni Job

Pagkaraan ng matagal na pananahimik, nagsalita si Job; sinumpa niya ang araw ng kanyang pagsilang.

Ito ang kanyang sinabi:
“Hindi na sana ako ipinanganak
at sana’y hindi ipinaglihi.
Bakit di pa ako namatay sa tiyan ng aking ina,
o kaya, noong ako ay isilang niya?
Bakit kaya ako ay ipinaghele pa,
inaruga, inalagaan, binuhay sa dibdib niya?
Kung namatay ako noon, ako sana’y tahimik na,
mahimbing na natutulog, wala nang iniisip pa.
Katulad ng mga hari at tagapamahalang pumanaw,
na nagtayo ng mga palasyo nang kanilang kapanahunan.
Sana, tahimik na ako tulad ng mga pinunong nakapag-imbak
ng ginto at nakatipon ng maraming pilak,
o tulad ng mga sanggol na patay nang ipanganak.
Yamang sa libingan wala nang gumagawa ng kasamaan,
at ang mga taong pagal ay nagpapahingalay.
Bakit pa isinilang kung magdurusa rin lang?
At bakit pa binuhay kung daranas ng kahirapan?
Kamataya’y hinahanap ngunit hindi masumpungan,
hinuhukay, dinudulang, parang isang kayamanan.
Sa kanila’y ubod-tamis nitong kamatayan.
Bakit pa isinilang ang tao kung wala rin lamang kaginhawahan?
Bagkus, hirap kabi-kabila ang nararanasan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 87. 2-3. 4-5. 6. 7-8

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Panginoong Diyos,
tumatawag ako sa iyo kung araw,
pagsapit ng gabi, dumudulog ako sa iyong harapan
ako ay dinggin mo,
pagdalangin ko ako ay pakinggan,
sa aking pagdaing ako ay tulungan.

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Ang kaluluwa ko
ay nababahala’t lipos ng hilahil.
Dahilan sa hirap
wari’y malapit nang ako ay malibing,
kabilang na ako,
niyong malapit nang sa hukay ilagak,
ang aking katulad
ay ang mahina na’t ubos na ang lakas,

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Ang katulad ko pa
ay ang iniwanan sa gitna ng patay,
animo’y nasawi
na nananahimik sa kanyang libingan.
Tulad na rin ako
niyong mga tao na iyong nilimot,
parang mga tao
na sa iyong tulong ay hindi maabot.

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

Dinala mo ako sa may kadilimang hukay na malalim,
ang hukay na yaon
ay isang libingan na ubod ng dilim.
Ikaw ay nagalit,
at ang bigat nito’y sa akin nabunton,
ang aking katulad
ay ang tinabunan ng malaking alon.

Panginoon, ako’y dinggin
sa pagsamo ko’t dalangin.

ALELUYA
Marcos 10, 45

Aleluya! Aleluya!
Anak ng Tao’y dumating
upang sarili’y ihain;
Lingkod, Manunubos natin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 9, 51-56

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang nalalapit na ang panahong iaakyat si Hesus sa langit, ipinasiya niyang pumunta sa Jerusalem. Sinugo niya ang ilan upang mauna sa kanya. Humayo sila at pumasok sa isang nayon sa Samaria upang ipaghanda siya ng matutuluyan. Ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga Samaritano sapagkat siya’y patungo sa Jerusalem. Nang makita ito nina Santiago at Juan ay kanilang sinabi, “Panginoon, payag ba kayong magpababa kami ng apoy mula sa langit upang pugnawin sila?” Ngunit bumaling siya at pinagsabihan sila. “Hindi ninyo alam kung anong uri ng espiritu ang sumasainyo,” sabi niya, “sapagkat naparito ang Anak ng Tao hindi upang ipahamak ang mga tao kundi upang iligtas sila.” At nagtungo sila sa ibang nayon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Mapagpaumanhin ang Diyos at alam niya ang ating mga pagdurusa. Manalangin tayo sa kanya upang tulungan niya tayo sa ating pagbabalik-loob at pagpapanibagong buhay.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, umunlad nawa kami sa pagiging kawangis ng Iyong anak.

Ang Kristiyanong sumasampalataya nawa’y pakinggan ang panawagan ng Diyos sa pananalig at pagsisisi, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y bigyan ng Diyos ng katapangan upang italaga natin ang ating sarili na maging malaya kay Kristo ang mga nakapiit sa kanilang pagkamakasarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may pusong hungkag at nanlalamig nawa’y matagpuan ang kaligayahan sa pamamagitan ng pag-ibig sa Diyos at kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit sa isip at katawan nawa’y magkaroon ng ganap na kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y masiyahan sa liwanag ng bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong mahabagin at mapagmahal, pakinggan mo ang mga hinaing ng mundong nakakulong sa pagdurusa at kasalanan. Sa pamamagitan ng iyong anak na puspos ng kagandahang-loob, hinihingi namin sa iyo ang biyaya upang makasunod kami sa kanya palagi. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 10,908 total views

 10,908 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 24,868 total views

 24,868 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 42,020 total views

 42,020 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 92,446 total views

 92,446 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 108,366 total views

 108,366 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Hulyo 18, 2025

 841 total views

 841 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Exodo 11, 10-12. 14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa Panginoong tumubos kalis ng inumi’y

Read More »

Huwebes, Hulyo 17, 2025

 1,474 total views

 1,474 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Exodo 3, 13-20 Slamo 104, 1 at 5. 8-9. 24-25. 26-27 Nasa isip ng Maykapal

Read More »

Miyerkules, Hulyo 16, 2025

 1,898 total views

 1,898 total views Miyerkules ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Bundok del Carmen Exodo 3, 1-6. 9-12

Read More »

Martes, Hulyo 15, 2025

 2,444 total views

 2,444 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Exodo 2, 1-15a Salmo 68, 3. 14. 30-31. 33-34 Dumulog tayo sa Diyos upang

Read More »

Lunes, Hulyo 14, 2025

 3,497 total views

 3,497 total views Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari Exodo 1, 8-14. 22 Salmo 123, 1-3.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top