PINAKA-MATAGUMPAY NA COLLEGE BASKETBALLL PROGRAM: SINO ANG NAGPAPATAKBO?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 157,402 total views

Kapanalig, ang trahedya ng pagkamatay ng Ateneo Blue Eagles players na sina Rene Baterbonia at Nigerian athlete Divine Adili ay nagdulot pinaka-malawak na imbestigasyon sa kasaysayan ng collegiate sports sa Pilipinas sa mga nakalipas na taon.

Dahil sa trahedya na pinilit pagtakpan at ilihim ng pamunuan ng Ateneo de Manila University nang halos isang lingo ay naging mitsa ng pagkamuhi at poot sa sambayanang Pilipino lalu na sa mga magulang ng nasawing incoming rookie na si Baterbonia gayundin sa Nigerian player.

Unang lumabas sa imbestigasyon ng PNP-Aurora na aksidente ang pagkamatay ng dalawang manlalaro matapos tangayin ng malakas na alon at nalunod. Ngunit dahil sa katahimikan ng pamunuan ng ADMU
at coach ng Ateneo Blue Eagles sa tunay na pangyayari.., lumikha ito ng malaking apoy at maraming katanungan hindi lamang sa mga magulang ng nasawing basketball player kundi maging sa taumbayan at mismong mga alumni ng prestihiyosong paaralan.

Nasilip sa imbestigasyon ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group(PNP-CIDG) na ang operasyon ng pinaka-matagumpay na collegiate basketball program ay hindi pinapatakbo ng ADMU kundi sa pamamagitan ng “autonomous foundation” na pinopondohan ng Smart Communications. Ito ba ang dahilan ng pananahimik ng pamunuan ng Ateneo kaya ipinaubaya sa corporate PR ang pagpapaliwanag sa dahilan ng trahedya at paghingi ng apology gayundin ang pag-ako ng paaralan ng pananagutan sa mga magulang ng nasawing manlalaro?

Kapanalig, nakakalungkot ang nangyaring trahedya., ngunit isiniwalat nito ang katotohanan na ang collegiate basketball ay hindi na programang pangpalakasan ng mga atleta kundi naging isang commercial league na pinapatakbo ng mga corporate sponsor.

Upang protektahan ang kanilang investment natural lamang na ang araw-araw na operasyon ng koponan ay hawak ng corporate sponsor at hindi ng administrasyon ng paaralan. Sa nangyaring trahedya, lumitaw ang mga katanungang, sino ang dapat managot? Sino ang may responsibilidad sa trahedya, sino ang sisisihin sa kapabayaan sa inilihim na “off-season activity”?

Kapanalig, patuloy ang imbestigasyon sa trahedya. Tinututukan ng mga imbestigador ang anggulong homicide at hazing ang dahilan ng trahedya at hindi aksidente ang pangyayari.Nagresign na ang coach ng Ateneo Blue Eagles na siyang pasimuno ng off-season activity sa Dipaculao, Aurora., maging ang Presidente ng ADMU ay nagresign din ngunit hindi tinanggap na Board of Directors ng paaralan.

Kapanalig, isinawalat ng trahedya ang kinabukasan ng Philippine Collegiate Sports. Dapat maging malinaw ang tungkulin ng pamunuan ng paaralan at corporate partners sa kaligtasan at kinabukasan ng mga student-athlete.

Dahil sa panghahangad ng mga kolehiyo at unibersidad ng prestige (kasikatan) sa larangan ng sports at pangtanggap sa mga corporate sponsor na mangasiwa as sports program ay nalalantad sa kapahamakan ang mga student-athlete sa mga delikadong training programs.
Kapanalig, sa pagiging commercialization ng UAAP sports, ano nga ba ang “price of winning”?

Sinasabi ng Corinthians 12: 26-27- “If one part suffers, every part suffers with it; if one part is honored, every part rejoices with it. Now you are the body of Christ, and each one of you is a part of it.

Sumainyo ang Katotohanan.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 13,524 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

PAG-IBIG at Landers, lumagda sa Memorandum of Agreement

 14,520 total views

Nilagdaan ngayong araw ng Pag-IBIG Fund at Landers Superstore ang Memorandum of Agreement (MOA) sa Landers Superstore Aseana upang palawakin ang mga benepisyong matatanggap ng mga miyembro ng Pag-IBIG sa pamamagitan ng Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, layunin ng kasunduan na mabigyan ng mas maraming napapanahong benepisyo ang may 17-milyong aktibong miyembro ng PAG-IBIG Fund kabilang ang mga hindi pa nangangailangan ng housing o multi-purpose loan.

“Sa ating mga pag-ibig members, pumunta na kayo dito sa Landers, dalhin nyo ang iyong loyalty card plus, pwede na kayong mag-shopping kahit wala kayo ng membership card. Initially, hindi na.Pero mas maganda kung pagkatapos nilang mag-shopping kasi para forever na silang member ng Landers,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Acosta.

Ayon kay Acosta na bukod sa pagiging cash card, nagsisilbi ring daan ang Pag-IBIG Loyalty Card Plus upang makakuha ng mga diskwento, espesyal na alok, at reward points mula sa lumalawak na hanay ng mga partner establishments ng ahensya.

Binigyang-diin din ni Acosta na malaking bahagi ng buwanang gastusin ng maraming pamilyang Pilipino ang pamimili ng grocery kaya’t makatutulong ang bagong partnership upang makabawas sa kanilang gastusin dahil ang bawat pisong matitipid sa mga pangunahing pangangailangan ay maaaring mailaan sa edukasyon, pamasahe, bayarin sa kuryente at tubig, o maging dagdag na ipon sa MP2 Savings Program.

“We are truly grateful to Lander’s Superstore for joining us in this mission.Together, we are making the Pag-ibig Loyalty Card Plus even more rewarding and meaningful for our members.As we sign this Memorandum of Agreement today, we reaffirm our commitment to helping Filipino families save more, spend wisely, and enjoy greater value from their pag-ibig membership.To our friends from Lander Superstore, thank you for your trust and partnership. Maraming salamat po at congratulations to all of us,” bahagi pa ng mensahe ni Acosta sa gawain.

Sa bisa ng kasunduan na nagsimula noong August 01 hanggang October 31 ngayong taon, maaaring makakuha ang mga may hawak ng Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus ng libreng Landers Shopping Pass, libreng Landers Premium Membership sa minimum na single-receipt purchase na 3-thousand pesos, at pagkakataong mag-upgrade sa Executive Membership sa halagang 300-pesos lamang, magagamit ang mga benepisyong ito sa 16 na kalahok na Landers Superstore branches sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 31,653 total views

 31,653 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 105,225 total views

 105,225 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 136,507 total views

 136,507 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 168,523 total views

 168,523 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 319,393 total views

 319,393 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 31,654 total views

 31,654 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 105,226 total views

 105,226 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 136,508 total views

 136,508 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 168,524 total views

 168,524 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top