META, maghihigpit sa mga kabataan online

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,199 total views

Inilunsad ng Meta Philippines, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga child safety advocates ang Screen Smart Philippines
Ang digital literacy initiative ay naglalayong palakasin ang kaligtasan ng mga kabataan sa online na mundo kasabay ng mas pinalawak na safety features ng Meta sa mga Instagram o Facebook teen accounts.

Agarang ipapatupad ng META ang mas mahihigpit na privacy at content settings para sa mga gumagamit ng Instagram na may edad 13-taong gulang hanggang 17.

Kinabibilangan ito ng default na private accounts, mas istriktong messaging restrictions, limitadong tagging system, 60 minutong screen time reminders, at sleep mode mula alas-10 ng gabi hanggang alas-7 ng umaga.

“Teen Accounts were designed to solve one of parents’ biggest concerns—whether their teens are safe online. These protections are turned on by default for all teens, and younger users cannot change the settings without parental permission. We want Filipino parents to have greater peace of mind, knowing their teens are interacting in a safer digital environment with age-appropriate content,” ayon sa pahayag ni META – APAC Head of Safety Policy Malina Enlund. ”

Inihayag ni Meta Philippines Head of Public Policy Gio Tingson na layunin ng mga bagong hakbang na mabigyan ng mas ligtas na online experience ang mga kabataan at mas malaking kapanatagan ang kanilang mga magulang.

Ka-partner ng META sa inisyatibo ang Council for the Welfare of Children, National Youth Commission, at Stairway Foundation upang isulong ang digital literacy at child online protection programs sa bansa.

Kaugnay nito, patuloy ding isinusulong ng Simbahang Katolika ang responsableng paggamit ng teknolohiya upang mapangalagaan ang dignidad at kapakanan ng bawat tao, lalo na ng mga kabataan dahil binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng pamilya, pamahalaan, pribadong sektor, at lipunan upang matiyak na ang digital space ay magiging ligtas at makataong lugar para sa edukasyon at paghubog ng kabataan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 193,650 total views

 193,650 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 223,873 total views

 223,873 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 250,518 total views

 250,518 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 345,491 total views

 345,491 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 353,972 total views

 353,972 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top