Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 232,321 total reads

Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise?

Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga Pilipino sa impormasyon gamit lamang ang cellphone, internet na sinabayan ng artificial intelligence (AI),hindi na natin mapagtanto kung ano ang fake news at totoong impormasyon. Natatalo na ng fake news ang totoong impormasyon.

Sa pinakabagong Digital News Report ng Rueters, nitong 2026 ay bumagsak ng 10-percentage points ang tiwala ng publiko sa balita sa Pilipinas. Sa 48 markets na sinuri kasama ang Thailand, Peru at Poland; ang Pilipinas ang may pinakamalaking pagbaba sa trust in news.

Ang dahilan Kapanalig, malala sa Pilipinas ang political instability, pag-atake sa mga news outlet at mamamahayag na kumukuwestiyon sa kanilang kredibilidad. Malaking impluwensiya din ang paglaganap ng social media, video platforms, creators at AI tools.

Dahilan din ng mababang tiwala ng mamamayan sa balita ay dahil nakikita ng mga respondents na malaki ang impluwensiya sa news coverage ang media owners, mga politiko, advertisers, eksperto, advocacy groups at maging mga kriminal.

Kapanalig, 66-percent ng Filipino respondents ang nag-aalala kung aling balita ang totoo at fake news.

Ang nakakabahala Kapanalig, tinalo na social media at video networks ang telebisyon, news websites at mga apps bilang source ng impormasyon. Mula 66-percent noong 2025, tumaas sa 70-percent ang antas social media at video networks bilang source of information. Mula 46-percent bumagsak sa 42-percent ang TV; mula 13-percent bumagsak sa 10-percent ang Print; mula 17-percent bumagsak sa 14-percent ang Radio; mula naman sa 60-percent bumagsak sa 42-percent ang news websites at apps bilang source of information.

Kapanalig walang safety measures sa social media, ito ay free for all, walang editorial control., lahat ay maaring maging newsmakers. Ang kasalukuyang reyalidad ay nakakatakot, lalu na sa mga kabataan, sa mga ignorante, sa mga walang kakayahang iproseso ang nabasa at napanood na balita kung ito ay totoo o fake news.

Sa kabila ng nakakalungkot na reyalidad…. Nagsanib puwersa ang Meta Philippines, Council for the Welfare of Children, National Youth Commission at mga child safety advocates sa pagpapatupad ng digital literacy iniatiative na “Screen Smart Philippines” na magpapatibay sa safety features ng Meta sa Instagram at Facebood teen account upang matiyak ang proteksyon ng mga kabataan laban sa panganib na dala ng online.

Sa mga nag-aalalang magulang sa safety ng kanilang mga anak online. Ipapatupad na ng Meta ang mahigpit na privacy at content settings sa mga kabataan na nasa 13 hanggang 17-taong gulang na gumagamit ng FB at Instagram. Kabilang sa restrictions ang default private accounts, mahigpit na messaging restrictions, limitadong tagging system, 60-minutong screen time reminders at sleep mode mula alas 10 ng gabi hanggang ala-siete ng umaga.

Kapanalig, binigyan-diin ni Pope Leo XIV sa kanyang encyclical na Magnifica Humanitas Chapter 3: “Artificial Intelligence needs to be disarmed, the word is strong, I know, but deliberately chosen, because this moment needs words capable of attracting attention, awakening consciousness and indicating a path forward for humanity.“Artificial intelligence touches many areas of our lives and affects decisions that shape human co-existence and dramatically change how war is waged.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 22,731 total reads

 22,731 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 61,437 total reads

 61,437 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 96,737 total reads

 96,737 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 323,006 total reads

 323,006 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 214,928 total reads

 214,928 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 22,732 total reads

 22,732 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 61,438 total reads

 61,438 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 96,738 total reads

 96,738 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 323,007 total reads

 323,007 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top