Pagdating ng pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe ng Mexico sa Pilipinas,biyaya sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,888 total reads

Naniniwala si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, Spiritual Director ng Pilgrimage ng Our Lady of Guadalupe ng Mexico, na ang pagdating sa Pilipinas ng pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe, kasama ang second-class relic ng tilma, ay magiging pagkakataon upang higit na mapalalim ang pananampalataya at debosyon ng mga Pilipino sa Mahal na Birhen.

Ayon kay Bishop Bagaforo, ang pagbisita ng pilgrim image ay paghahanda rin para sa pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng mga aparisyon ng Our Lady of Guadalupe sa taong 2031 na isang malaking biyaya para sa Pilipinas ang mapabilang sa pandaigdigang paglalakbay ng imahe at mga banal na relikya bilang bahagi ng paggunita sa makasaysayang pangyayaring naganap noong 1531.

Binigyang-diin din ng obispo na ang Our Lady of Guadalupe ay kinikilalang ikalawang patrona ng Pilipinas at Celestial Patroness of the Philippines kaya hinimok niya ang mga mananampalataya na magtiwala sa pamamagitan ng panalangin at paghingi ng pamamagitan ng Mahal na Birhen na patuloy na nagsisilbing simbolo ng pag-asa, buhay, at pagkalinga sa mga pamilya at sa sambayanan.

“Ang pagdating ng ating pilgrim image ay isang moment of grace para sa ating sambayanan at paghahanda para sa 500-year celebration ng apparitions ng Our Lady of Guadalupe sa 2031, napakaganda ng titulo na binigay sa kanya ng Simbahan bilang Celestial Patroness of the Philippines, na sumasagisag sa buhay at pamilya, ang Lady of Guadalupe ay simbolo ng pag-asa sa gitna ng mga pagsubok, at sa pamamagitan niya tayo ay dumadalangin para sa ating bayan, ang kanyang mga panalangin ay magdadala ng biyaya at kasagutan sa ating mga adhikain para sa buhay, pamilya, at bansa” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Bagaforo.

Inihayag naman ni Fr.Carlos Reyes, Rector at Parish Priest ng National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Makati na ang pagdating sa Pilipinas ng pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe mula Mexico, kasama ang second-class relic ng tilma at imahe ni San Juan Diego, ay magsisilbing pagkakataon upang higit pang mapalalim ang pananampalataya at debosyon ng mga mananampalataya sa Mahal na Birhen.

Ayon kay Fr. Reyes, ang pagdalaw ng pilgrim image sa bansa ay bahagi ng paglalakbay nito sa iba’t ibang lalawigan upang maipalaganap ang debosyon sa Our Lady of Guadalupe.
“Natutuwa po kami dahil ang pilgrim image na ito ay maglalakbay sa buong Pilipinas upang palaganapin ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Guadalupe, ang Mahal na Birhen ay ina ng lahat na laging nag-aanyaya sa mga nalulumbay at natatakot na lumapit sa kanya, si Maria ay parang lighthouse sa gitna ng bagyo ng buhay na nagbibigay gabay at pag-asa sa lahat, huwag nating kalimutan na may langit at may inang laging naghihintay sa atin upang tayo ay yakapin,” bahagi naman ng panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Reyes hinggil sa pilgrimage.

Ibinahagi din ni Bishop Bagaforo na matapos ang pamamalagi ng pilgrim image sa National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Makati, bibisitahin nito ang 67 katedral sa buong bansa, mula Mindanao hanggang Visayas, sa loob ng anim na buwan.

Nakatakda namang magtapos ang pilgrimage sa Metro Manila sa Disyembre, kasabay ng kapistahan ng Our Lady of Guadalupe, kung saan magkakaroon ng malaking pagdiriwang.
Inaanyayahan ni Bishop Bagaforo at Father Reyes ang lahat ng mga deboto na bisitahin ang pilgrim image habang ito ay nasa National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Makati hanggang June 21 upang mag-alay ng panalangin at makibahagi sa makasaysayang paglalakbay nito sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sense of entitlement!

 70,202 total reads

 70,202 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 89,535 total reads

 89,535 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 167,922 total reads

 167,922 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 212,232 total reads

 212,232 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 246,879 total reads

 246,879 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top