Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 180,527 total views

Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan. Accessible dapat ito sa lahat, lalo na sa mahihirap. Ito ang wika ni Pope Leo XIV noong Marso. Pero sa ating bansa, tila ang mayayaman lang ang may ganitong karapatan.

Ito ang masaklap na katotohanang naranasan ng pamilya ni Maria Lourdes Sulit. Isinugod sa ospital ang asawa niyang si Marvin dahil sa brain hematoma. Sa unang ospital na pinuntahan nila, ipinaalám sa kanila na ang emergency surgery ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang apat na milyong piso. Iminungkahi ng doktor na kung hindi nila kayang magbayad, maaari silang lumipat sa isa pang ospital kung saan mas mababa raw ang sisingilin sa kanila. Madaling araw noong nagtungo sila sa pangalawang ospital, kung saan ipinaalam sa kanila na kailangan muna nilang magbayad ng isang milyong piso bago gawin ang operasyon. Dahil wala silang ganoong kalaking pera, wala silang choice kundi hintayin na lang na mamatay si Marvin. Binawian siya ng buhay noong hatinggabi.

Habang nagluluksa, nagpunta sa billing section si Maria Lourdes para kumuha ng kopya ng hospital bill. Laking gulat niya na umabot sa ₱200,000 ang sinisingil sa kanya. Nagtungo siya sa PhilHealth sa pag-aakalang makatutulong itong bawasan ang kanilang bill. Sa kasamaang-palad, sinabi ng PhilHealth na hindi raw eligible para sa benepisyo ang kanyang pumanaw na asawa dahil hindi umabot ng 24 oras ang pagkaka-ospital niya. Ang masaklap pa, mahigit 25 taóng naghulog si Marvin ng kontribusyon niya sa PhilHealth. Malinaw na ipinagkait sa kanya ang benepisyong nararapat niyang matanggap mula sa programa.

Nangako ang pamunuan ng PhilHealth na iimbestigahan nito ang insidente at rerepasuhin ang nasabing 24-hour confinement rule. Makikipag-ugnayan din daw ang ahensya sa Department of Health para mapalakas ang pagpapatupad ng Republic Act No. 10932 o ang Strengthened Anti-Hospital Deposit Law. Ipinagbabawal ng batas na ito ang paniningil ng deposito o advance payment bilang kondisyon sa pagbibigay ng isang ospital ng basic emergency care, confinement, o medical treatment sa mga pasyenteng may seryosong kaso o nae-emergency.

Bakit kinailangang singilin muna ng isang milyong piso ang pamilya ni Marvin bago isagawa ang isang operasyong makapagliligtas sa buhay niya? Ang mayayaman lang ba ang may karapatang makatanggap ng life-saving operation?

Hindi na bago ang ganitong uri ng pag-iwas sa batas ng ilang ospital gamit ang mga loopholes o butas nito, lalo na sa usaping insurance. May mga ospital na dinadaya ang sistema dahil kità ang prayoridad nila. May iba namang sinasamantala ang mga loopholes dahil nalulugi sila sa mga pagkukulang ng PhilHealth gaya ng mabagal na pagbayad nito ng utang sa mga ospital. Marami ring hospital claims ang hindi pumapasá sa PhilHealth requirements na naging mahigpit upang pigilan ang mga pekeng claims gaya ng mga ghost patients. Malalim ang ugat ng problemang ito sa ating healthcare system, pero hindi dapat nagdurusa ang mga ordinaryong pamilya sa mga kakulangan, kasakiman, o katiwalian sa sistema.

Anuman ang maging resulta ng imbestigasyon ng gobyerno, wala na sanang pamilya ang mapipilitang maghintay na lamang na mamatay ang kanilang mahal sa buhay dahil wala silang pambayad sa ospital.

Mga Kapanalig, ipinapaalala ng Roma 13:6-7 na tungkulin ng gobyernong magbigay ng maayos na serbisyo sa mga mamamayan, lalo na’t pinaghirapan natin ang buwis na ibinabayad sa kanila. Kaya naman, dapat lang “ibigay [ng gobyerno] sa bawat isa ang nararapat sa kanya.” Gaya ng panawagan ni Maria Lourdes, repasuhin sana ng PhilHealth ang mga patakaran nito at ibigay sa mga Pilipino, anuman ang antas nila sa buhay, ang benepisyong karapatan nilang makamit.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 8,625 total views

 8,625 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 76,354 total views

 76,354 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 99,506 total views

 99,506 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 169,621 total views

 169,621 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 243,728 total views

 243,728 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Gaslighting

 8,627 total views

 8,627 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 76,356 total views

 76,356 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 99,508 total views

 99,508 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 169,623 total views

 169,623 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »
Scroll to Top