Tantanan na ang mga puno!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 177,228 total views

Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno!

Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol ng mga puno sa Maynila matapos umalma ang marami sa ginagawang Southern Access Link Expressway (o SALEx), isang proyekto ng San Miguel Corporation (o SMC) kasama ang Department of Public Works and Highways. Sa proyektong ito, 600 na puno ang target na putulin o ilipat sa ibang lugar. Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (o DENR), boluntaryo raw na itinigil ng SMC ang pag-aalis ng mga puno para mas pag-aralan ang proyekto. 

Pero lumitaw kamakailan ang video ng ‘diumano’y earth-balling o paghugot sa mga puno sa Roxas Boulevard. Gabi pa iyon isinasagawa. Para sa uploader ng video, hindi rin earth-balling ang ginagawa batay sa kondisyon ng mga punong tinatanggal. Hindi na raw mabubuhay ang mga punong sinasabing ire-relocate lamang. Makikita rin sa video ang kinatawan ng SMC, kontraktor ng proyekto, at isang taga-DENR. Tugon ng kagawaran, iimbestigahan daw nito ang insidente at pananagutin ang mapatutunayang lumabag sa batas.

Dumako naman tayo sa labas ng Maynila. 

Noong isang linggo, naglabas ng pahayag si Bishop Socrates Mesiona ng Puerto Princesa kaugnay ng pag-aalis ng higit 218,000 na puno sa probinsya ng Palawan. Naaalarma ang obispo sa mga special tree-cutting at earth-balling permits na inisyu ng pamahalaan para bigyang-daan ang ilang mining projects sa probinsya. Ilan sa mga apektadong bayan ang Aborlan, Brooke’s Point, at Bataraza, maging ang ilang bahagi ng Mount Bulanjao.

Para kay Bishop Mesiona, nakababahalang ang mga ahensiyang inaasahang poprotekta sa kalikasan ay mahigpit sa mga ordinaryong mamamayan pero maluwag sa malalaking korporasyon. Aniya, taon ang binibilang para lumaki ang mga puno pero sa isang saglit lang, kayang putulin ang mga ito. Binigyang-diin din ng obispo na sa pagkasira ng kalikasan, ang mahihirap ang unang-unang naaapektuhan dahil marami sa kanila ang may mga kabuhayang nakadepende sa kalaikasan. Hindi lamang daw pampaganda ang mga puno; marami ang nakasalalay dito katulad ng iniinom nating tubig, nilalanghap nating hangin, tirahan ng mga hayop, at iba pang suporta sa lahat ng may buhay. 

Nanawagan si Bishop Mesiona sa mga ahensya ng pamahalaan na muling suriin ang mga permits na ibinibigay sa mga negosyong magpuputol ng mga puno. Dapat din daw isapubliko ang mga dokumento at tingnan kung sumusunod ang ito sa mining moratorium ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan. Kailangan ding palakasin ang legal na proteksyon para sa mga puno at kagubatan. Bagamat kinikilala ng obispo na maaari pang magbago ang bilang ng mga punong aalisin, ang mas malaking isyu aniya ay kung responsableng napapamahalaan ang ating likas-yaman, hindi lamang para sa kasalukuyan kundi para sa mga susunod na henerasyon. 

Tandaan natin ang paalala sa Mga Awit 24:1: “Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito; ang sanlibutan at silang nagsisitahan dito.” Tayo ay mga tagapangalaga ng daigdig at ng lahat ng narito. Ipinaaalala sa atin ng mga panlipunang turo ng Simbahan na ang sangnilikha ay dapat nating protektahan, itaguyod, at makatarungang pakinabangan. Walang puwang sa Kristiyanong pananampalataya ang pagiging ganid sa yamang kapalit ay ang biyayang ipinagkaloob sa atin ng Diyos na maylikha. 

Malaki ang inaasahan natin sa mga ahensya ng pamahalaang pangunahan ang tungkulin nating pangalagaan ang kalikasan. Ipaalala natin sa kanila na ang kanilang katapatan ay hindi dapat sa malalaking korporasyon o makapangyarihang mga tao, kundi sa taumbayan at sa ating kapaligiran. 

Mga Kapanalig, kung nakapagsasalita lang ang mga puno, malamang humihiyaw sila: “Tantanan na ninyo na kami!” Nawa’y maging boses nila tayo sa gitna ng walang habas na pagpatay sa kanila. 

Sumainyo ang katotohanan. 

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 9,667 total views

 9,666 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 77,395 total views

 77,395 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 100,548 total views

 100,547 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 170,662 total views

 170,662 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 244,693 total views

 244,693 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Gaslighting

 9,668 total views

 9,668 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 77,397 total views

 77,397 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 100,549 total views

 100,549 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 170,664 total views

 170,664 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »
Scroll to Top