Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SABADO, DISYEMBRE 31, 2022

SHARE THE TRUTH

 1,734 total views

Ika-7 Araw ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang

1 Juan 2, 18-21
Salmo 95, 1-2. 11-12. 13

Magalak ang kalangitan
at daigdig ay magdiwang.

Juan 1, 1-18

The Seventh Day in the Octave of ChristmasΒ (White)
orΒ Optional of St. Sylvester I, Pope (White)

UNANG PAGBASA
1 Juan 2, 18-21

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Mga anak, malapit na ang wakas! Tulad ng narinig ninyo, darating ang anti-Kristo. Ngayon nga’y marami nang lumitaw na mga anti-Kristo, kaya’t alam natin na malapit na ang wakas. Bagamat sila’y dating kasamahan natin, hindi natin tunay na kaisa ang mga taong iyon. Sapagkat kung sila’y tunay na atin, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit umalis sila, kaya’t maliwanag na silang lahat ay di tunay na atin.

Ngunit ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu, at dahil dito, kayong lahat ay may pagkaunawa. Sumusulat ako sa inyo, hindi dahil sa di ninyo alam ang katotohanan. Alam ninyo ito, at alam din ninyo na walang kasinungalingang nagmumula sa katotohanan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 95, 1-2. 11-12. 13

Magalak ang kalangitan
at daigdig ay magdiwang.

Purihin ang Panginoon, awitan ng bagong awit;
Panginoo’y papurihan nitong lahat sa daigdig!
Awitan ang Panginoon, ngalan niya ay purihin;
araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin.

Magalak ang kalangitan
at daigdig ay magdiwang.

Lupa’t langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,
lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.
Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw,
pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.

Magalak ang kalangitan
at daigdig ay magdiwang.

Panginoo’y pupurihin, pagkat siya ay daratal,
paparito sa daigdig, upang lahat ay hatulan.
Tapat siya kung humatol at lahat ay pantay-pantay.

Magalak ang kalangitan
at daigdig ay magdiwang.

ALELUYA
Juan 1, 14a. 12a

Aleluya! Aleluya!
Naging anak ng D’yos tayo
sa Salitang naging tao
na nanirahan sa mundo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 1, 1-18

Ang simula ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Mula sa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito kailanman nagapi ng kadiliman.

Sinugo ng Diyos ang isang tao na nagngangalang Juan. Naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw at manalig sa ilaw ang lahat dahil sa patotoo niya. Hindi siya ang ilaw kundi naparito siya upang magpatotoo tungkol sa ilaw. Ang tunay na ilaw na tumatanglaw sa lahat ng tao ay dumarating sa sanlibutan.

Nasa sanlibutan ang Salita. Nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya ngunit hindi siya nakilala ng sanlibutan. Naparito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan. Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Sila nga’y naging anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan, ni sa pita ng laman o sa kagagawan ng tao. Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos.

Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap niya mula sa Ama ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak.

Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya. At ganito ang kanyang sigaw, β€œSiya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, β€˜Ang darating na kasunod ko’y higit sa akin, sapagkat siya’y siya na bago pa ako ipanganak.’”

Dahil sa siya’y puspos ng pag-ibig, tayong lahat ay tumanggap mula sa kanya ng abut-abot na kaloob. Sapagkat ibinibigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises ngunit ang pag-ibig at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Hesukristo. Kailanma’y walang nakakita sa Diyos, subalit ipinakilala siya ng bugtong na Anak – siya’y Diyos – na lubos na minamahal ng Ama.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Disyembre 31

Sa pagtatapos ng taon, purihin at pasalamatan natin ang Diyos para sa maraming biyayang ibinuhos niya sa atin lalo na ang handog niyang Anak na si Jesus.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, pagpalain at ipagsanggalang mo kami.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na iparangal ang kagalakang hatid ng pagdating ni Jesus na aming Tagapagligtas, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno at nanunungkulan sa pamahalaan nawa’y ituring ang Salita ng Diyos bilang bantayan at adhikain ng kanilang mga pagsisikap, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng ating banal at huwarang pamumuhay, maihatid natin ang liwanag ni Jesus sa mga taong ang buhay ay pinadilim ng kasalanan at pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makita ang pag-asa ng panunumbalik ng kanilang kalusugan at ganap na paggaling sa pagdating ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mananampalatayang namayapa na ay makabahagi nawa sa liwanag ng kaluwalhatian sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming mapagmahal, nagpapasalamat kami sa iyo sa pagbabahagi mo sa amin ng iyong buhay. Nawa ay matalikuran namin ang kasalanan at sa pagsalubong namin sa isa pang taon, puspusin mo kami ng liwanag, pag-asa at pag-ibig. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 2,562 total views

 2,562 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More Β»

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 15,304 total views

 15,304 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More Β»

May magagawa tayo

 35,228 total views

 35,228 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More Β»

Transport Reforms

 41,236 total views

 41,236 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More Β»

Functional Literacy Crisis

 49,508 total views

 49,508 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa β€œFunctional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More Β»

Watch Live

RELATED READINGS

Biyernes, Mayo 16, 2025

 284 total views

 284 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa

Read More Β»

Huwebes, Mayo 15, 2025

 884 total views

 884 total views Paggunita kay San Isidro Labrador, magsasaka Mga Gawa 13, 13-25 Salmo 88, 2-3. 21-22. 25 at 27 Pag-ibig mong walang maliw ay lagi

Read More Β»

Miyerkules, Mayo 14, 2025

 1,400 total views

 1,400 total views Kapistahan ni Apostol San Matias Mga Gawa 1, 15-17. 20-26 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8 Hinirang ng D’yos ay dinangal sa piling

Read More Β»

Martes, Mayo 13, 2025

 1,869 total views

 1,869 total views Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 11, 19-26 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Purihin ng tanang bansa ang

Read More Β»

Lunes, Mayo 12, 2025

 2,365 total views

 2,365 total views Lunes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kayaΒ Paggunita kina San Nereo at San Achilles, mga martir o kayaΒ Paggunita kay San

Read More Β»

LATEST NEWS

Scroll to Top