Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Protektahan ang karapatan ng mga dalaw

SHARE THE TRUTH

 51,249 total views

Mga Kapanalig, naghain ng reklamo sa Commission on Human Rights (o CHR) ang mga asawa ng persons deprived of liberty (o PDL), partikular na ng mga political detainees, dahil sa “strip search” na isinagawa sa kanila sa New Bilibid Prison (o NBP). Pinaghubad at pina-squat daw sila nang ilang beses bago madalaw ang kanilang mga asawang PDL. Labis na kahihiyan at trauma ang idinulot nito sa kanila. 

Kasama ng mga misis na naghain ng reklamo sa CHR ang grupong Kapatid, isang support group para sa mga political detainees,. Ayon sa tagapagsalita ng Kapatid, dapat imbestigahan ang strip search dahil sa mga posibleng paglabag sa international at lokal na batas kaugnay ng pagtrato sa mga PDL at kanilang mga dalaw, maging sa pagprotekta sa kababaihan. Dagdag ng Kapatid, sinabi raw ng mga nagsagawa ng strip search na utos iyon “mula sa itaas.”

Paliwanag naman ng Bureau of Corrections (o BuCor), nagsasagawa sila ng strip search sa mga pinaghihinalaang may dalang kontrabando, katulad ng iligal na droga, at bilang tugon sa isang intelligence report. Sa kabila nito, ginagawa daw ng BuCor ang strip searches sa propesyonal na paraan at may pagsasaalang-alang sa interes ng sinumang sasailalim dito. Sinimulang ipinatupad ang strip searches nang makahuli ang BuCor ng mga dalaw na nagpupuslit ng kontrabando. gamit ang kanilang katawan. Mga babae pa raw ang karaniwang ginagamit para mailusot ang mga ito. Kailangan daw ang strip searches upang masigurong walang mga iligal na gawain sa loob ng NBP at epektibong maprotektahan at matulungang magbagong-buhay ang mga PDL. Giit pa ng BuCor, hindi strip searches ang gagawin nila kung may pondo sila para bumili ng body scanners.

Nangako naman ang CHR at Department of Justice (o DOJ), ang kagawarang nakakasaklaw sa BuCor, na magsasagawa sila ng magkahiwalay na imbestigasyon sa nangyari. Binigyang-diin din ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi pahihintulutan ng DOJ ang anumang hindi makataong pagtrato sa mga bilanggo at kanilang dalaw sapagkat hangad nilang maging ligtas at disente ang ating mga bilangguan. Para naman sa CHR, bagamat kinikilala ng komisyon ang kahalagahan ng pagsigurong ligtas sa loob ng mga bilangguan, hindi dapat isinasantabi ang mga panungahing karapatang pantao at dignidad ng mga dalaw. Batay sa UN Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners, “intrusive searches should be undertaken ‘only if absolutely necessary’.”

Binibigyang-diin ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang papel ng mga piitan sa pagbabagongbuhay ng isang bilanggo. Ang mga piitan ay hindi lamang nariyan upang protektahan ang publiko laban sa krimen. Mga lugar ito na naglalayong baguhin ang nagkasala nang maging handa siyang makabalik sa lipunan at maitaguyod ang katarungan. Sa ganitong paraan, maitatama ang mga relasyong nasira dahil sa krimeng nagawa ng bilanggo. Nakatuntong ang turong ito ng Simbahan sa dignidad ng bawat tao na hindi nawawala sa kabila ng kanilang pagkakasala sa batas. 

Maituturing ding pagyurak sa dignidad ng tao at pagdaragdag sa kawalang katarungan kung mapatutunayang inabuso ang kaanak ng mga bilanggo sa NBP. Maging hudyat sana ito para mabigyan ng sapat na pondo at mga kagamitan ang mga piitan para maitaguyod ang dignidad ng mga bilanggo at maging ng kanilang mga dumadalaw na mahal sa buhay. 

Mga Kapanalig, paano natin pupuntahan ang mga bilanggo katulad na paanyaya ni Hesus sa Mateo 25 kung may mga banta sa ating karapatan? Tugunan sana ang hinaing ng mga dalaw na nagreklamo ng pang-aabuso. Maging daan sana ito upang mapaigi ang lagay ng ating mga kapatid na nasa piitan. Tandaan natin ang paalala ni Hesus sa Mateo 25:45, “Anuman ang hindi ninyo ginawa para sa isa sa mga pinakamaliit na ito, hindi rin ninyo ito ginawa sa akin.” 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 25,790 total views

 25,790 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 33,126 total views

 33,126 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 40,441 total views

 40,441 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 90,762 total views

 90,762 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 100,238 total views

 100,238 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 25,791 total views

 25,791 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 33,127 total views

 33,127 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 40,442 total views

 40,442 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 90,763 total views

 90,763 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 100,239 total views

 100,239 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 76,642 total views

 76,642 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 82,901 total views

 82,901 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 97,218 total views

 97,218 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 82,585 total views

 82,585 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 70,176 total views

 70,176 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 82,778 total views

 82,778 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungan para sa mga katutubo ng Bugsuk

 78,091 total views

 78,091 total views Mga Kapanalig, may panawagan si Ka Jomly Callon, lider ng tribong Molbog mula sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan: “Ang kalaban po namin dambuhala, e kami po, mga katutubo lang. Sana po maging patas po ang gobyerno para sa amin.” Itinuturing ang ilang bahagi ng Bugsuk na lupaing ninuno o

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 83,024 total views

 83,024 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 133,584 total views

 133,584 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 138,743 total views

 138,743 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top