Radio Veritas anchor priests, nominee sa Catholic Social Media Awards 2017

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 482 total reads

Dalawa sa Radio Veritas anchor priest ang nominado sa gaganaping Catholic Social Media Award sa Sienna College Quezon City sa November 18.

Sina Fr. Luciano Felloni ng Barangay Simbayanan sa kaniyang ‘Almusalita’ ay nominado bilang ‘Male Social Media of the Year’ at si Fr. Jade Licuanan ng programang Pamilya Mo, Pamilya Ko para sa kanyang Catechism on the Go sa kategorya ng ‘Best Catholic Vlog’.

Nagpapasalamat din sina Fr. Felloni at Fr. Licuanan na maging nominado sa CSM awards na isang paraan para maghayag ng mabuting balita ng Panginoon sa pamamagitan ng social media.

‘‘Yan ang trabaho namin na to make Jesus a voice in social media. So nagpapasalamat ako na somehow ina-appreciate ‘yung effort na ginagawa namin. Lagi kong sinasabi ko naming, kasi I have a team at my back. I’m their face, but there is a team of young people ‘millennials’ working for this,’’ ayon kay Fr. Felloni.

Sinabi naman ni Fr. Licuanan; ”We go wherever our flock is. And we will adjust as a church, defending on the situation or circumstances that they are in right now. But the good thing about it as a church we will always hold on to the teachings of the Lord that has always been here with us for more than 2,000 years. We will have the same message, we will just package it… kung saan ang mas na-a-attract ang bagong henerasyon.”

Sa Sabado November 18, gagawaran ng pagkilala ang mga mapipiling mananalo alas-7 ng gabi na gaganapin sa Siena College Quezon City.

Bago ang paggawad ng parangal sa mga nagwagi, idaraos din ang Catholic Social Media Summit v6 na ang tema ngayong taon ay ‘‘Inspire, Dispelling the Darkness in Social Media” simula alas-8 ng umaga kung saan pangunahing speaker si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.

Ito na ang ika-anim na taon ng pagdiriwang summit na ang layunin ay patuloy na i-update ang mga Catholic Media sa daloy ng impormasyon na magagamit sa paghahayag ng mabuting balita at adbokasiya ng simbahan.

Una na rin kinikilala ng simbahan bilang biyaya ang paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng internet at paggamit ng social media bilang platform para sa paghahayag ng ebanghelisasyon.

Sa pag-aaral ng We are Social Ltd, ang Pilipinas ang nangunguna sa paggamit ng social media tulad ng Facebook, Twitter, Instagram na karaniwang naggugugol ng higit sa apat na oras kada araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 22,503 total reads

 22,503 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 109,225 total reads

 109,225 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 155,964 total reads

 155,964 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 203,836 total reads

 203,836 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 306,683 total reads

 306,683 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top